Pagud na pagod na nag unat ng mga braso si Jorgina habang naghihikab. Halos mag alas onse na kasi ng gabi.
Tambak ang naging trabaho nila para sa sinisimulang project sa nabiling lupain kay Mr. Lee. Ilang araw na din silang subsob sa trabaho at halos sa opisina na tumira.
Lingid sa kanyang kaalaman ay pinagmamasdan siya ng boss niya habang lihim na natutuwa sa nakikita.
"Natapos din sa wakas!" Wala sa loob na naibulalas niya.
"You can go home now" narinig niyang sabi ng kanyang amo. Hindi niya napansin ang pag labas nito.
Tumingin lang siya rito saglit saka nag ayos ng mga gamit. Ilang araw na silang ganito. Bihira mag usap at hindu na rin gaanong nag babangayan. Marahil ay dahil sa dami ng ginagawa nila pareho.
"Sige sir, mauna na ko" paalam niya dito ngunit hindi makatingin ng diretso sa binata.
"It's eleven.. may masasakyan ka pa ba?" Nagaalalang tanong ni Jay dito.
"Meron pa naman po yan , twenty four hours naman ang byahe" sagot niya. "Sige po" anya na tuloy tuloy ng lumabas ng office.
Naiwan namang nakasunod ng tingin ang binata sa kanya.
Simula ng insidente sa hotel ay hindi na siya hinaharap ng maayos ng dalaga. Hindi niya tuloy alam kung galit ito sa kanya o hindi.
Napapailing na lamang siyang kinuha ang mga gamit bago pa nilisan ang opisina.
Samantalang pgkalabas na pagkalabas ni Jorgina sa building ay nakita siya ni Sir patrick.
"Miss Reyes!?" Masayang tawag nito sa kanya.
"Sir? " Nakangiting bati ni Jorgina. Halos hindi niya ito makilala dahil medyo may kadiliman ang loob ng kotse nito.
"Hi sir!" bati ng dalaga na kumakaway pa.
"Are you going home?" Malapad ang ngiting tanong nito.
"Yes sir, medyo ginabi lang." Sagot naman niya.
"Let me give you a ride" offer ng binata.
" Huh? Naku sir, wag na! " Nahihiya niyang sagot.
"Come on Jorge. This is the first time I asked you. . " Kunwari ay nagtatampo nitong sabi sa dalaga.
"Kayo sir, baka malayuan pa kayo" natatawang sabi nalamang niya.
Tuluyan na itong bumaba ng sasakyan upang pagbuksan siya ng pinto.
"Let's go?" Patanong nitong yaya sa kanya.
Wala naman siyang nagawa kung kaya't sumakay na din siya sa kotse nito.
Dali- dali namang pumasok pabalik ng sasakyan si Patrick. Bago pa man mag start ng kotse ay ikinabit muna niya ang seatbelt ng dalaga.
Bahagya namang nailang si Jorgina sa gesture ng binata.
Nang matapos nitong ikabit ang seatbelt niya ay saka ito tumingin sa kanya at kumindat habang nakangiti.
"Safety first!" Sabi pa nito.
Napangiti na lamang siya.
"Thank you"
Ilang sandali pa ay pinaandar na nito ang sasakyan at binaybay ang kahabaan ng kalsada.
"You've been very busy lately" basag ni Patrick sa katahimikan nila.
"Oo nga eh, daming gawain." Sagot naman niya.
"It's a very big project" sabi pa ng binata.
"Sobrang focused nga ni sir sa project na yan." Sabi ni Jorgina.
"Because that's his first project as an acting CEO of the company. I bet he wants to prove his self sa dad niya. " Sabi ni Patrick habang nakatuon ang mata sa pag da drive, ngunit paminsan minsan ay sumusulyap sa dalaga gamit ang rear view mirror.
"You look glowing" biglang palit nito sa topic.
Nagulat naman si Jorgina at hindi alam kung paano mag re react. Bahagyang nag init ang kanyang mga psingi.
Hindi talaga siya sanay na pinupuri ng isang lalaki. Lalo na nang ganito ka gwapong lalaki. Bahagya nalamang siyang napangiti at hindi na muling umimik.
Samantala...
Kunot noo naman na nag drive pauwe ng pad niya si Jay. Kanina pagkalabas ng parking lot ay namataan niya ang pagsakay ni Jorgina sa sasakyan ng isa sa mga empleyado niya. Pakiramdam niya ay gustong gusto ng babae ang kung sino sino ang nagsasakay sa dito. At hindi niya iyon nagustuhan.
Tila tuwang tuwa pa ito dahil napakalapad ng pagkakangiti. Habang bago pa man siya umalis ng opisina ay tinanong na niya ito kung gusto niyang isabay nalang siya ngunit umayaw pa ito.
Nang marating ang kanyang pad ay agad na siyang dumiretso sa bathroom para mag shower. Pakiramdam niya ay nanlalagkit siya dahil sa ilang oras niyang pag ta trabaho.
Pagkatapos mag shower ay kumuha siya ng boxer at sinuot iyon. Nag suot din siya ng puting cotton T-shirt.
Pabagsak siyang humiga sa kanyang kama at inabot ang cellphone sa ibabaw ng side table.
Muli niyang pinag masdan ang litrato ng dalaga. Maya- maya ay naisipan niyang i- send iyon sa kanya.
Napansin naman niyang agad nag heart ang dalaga sa litrato.
Jay: stil awake?
Jorge: kakauwe lang .
Jay: I see. . Don't be late tom
Jorge: k
Jay: good night
Jorge: ❤️
Yun lang at hindi na siya sumagot pa.
Ilang minuto lang din ay nakita niyang nag post ang dalaga.
Ipinost niya yung picture na sinend niya dito. Na mag caption na The moon shines so beautiful ?
Napangiti siya. Naalala niya yung naibulong niya sa sarili noong kinuha niya ang larawan.
Muli niyang naalala ang nangyari ng gabing iyon. Ilang araw na ang lumipas pero hindi parin mawaglit sa kanyang isipan ang mga pangyayari.
Gustong gusto man niyang angkinin noon ang dalaga ay hindi niya gustong itulad ito sa mga babaeng ikinama niya na kanyang naka s*x kahit na hindi naman niya karelasyon. Kung may nangyare sa kanila ay wala na rin siyang pinagkaiba sa mga naka one night stand niya, at hindi niya gustong gawin yun sa dalaga.
Hindi rin niya maintindihan kung bakit ganun nalang ang concern niya sa sekretarya. She' s not even the typical girlfriend. At never niyang inimagine sa buhay niya na magkakaron siya ng girlfriend na amazona! Hindi siya kailanman magiging under ng sino mang babae.
Naiisip palang niya kung pano maging girlfriend ang isang tulad ni Jorgina ay napapailing na siya. Baka kung anong sigaw at sermon ang marinoig niya.
Pero inlove nga ba siya sa babaeng yon?
Hell, no! Bulong niya sa kanyang sarili.
Kahit gaano ito kaganda ay hindi niya ma alis ang fact na hindi siya nanalo dito. Palagi itong may rason at hindi nag pa patalo!