Maaga pa lamang ay naroon na sila sa beach resort nila Mr. Samson Lee. Mabuti na lamang at tig- isang kwarto ang naka reserve para sa kanila ng amo niya . Inaayos niya ang dalang kaunting damit ng may kumatok sa pinto.
Nang pagbuksan niya ay nakita niya ang boss na si Jay.
"Get ready, we're going somewhere" yun lang at agad na itong tumalikod. "I'll wait for you at the lobby" dugtong pa nito.
Nagtaka naman siya.
Hindi na muna siya nagpalit ng suot na jeans at t-shirt dahil baka magalit na naman ang kanyang boss pag nagtagal pa siya.
Maya- maya pa ay pumunta sila sa isang department store malapit sa resort.
"Anong gagawin natin dito sir?" Nagtataka niyang tanong.
"May susuotin ka ba mamaya?" Tanong din ang naging sagot nito.
"May dala naman akong konting damit," tanging sagot niya.
"Do you know what kind of party will be held?" Tanong ulit nito.
Sa totoo lang ay nakakainis talaga ang pag uugali nito. Lahat nalang ng bagay puzzled sa kanya. Hindi nalang sabihin ng direkta.
Ano ba akala nito manghuhula ako? Nayayamot niyang bulong.
Ngayon lang niya napagtanto na bibili ng swimming outfits ang boss niya. Una nitong kinuha ang isang set ng trunks. Tapos ay sinamahan siya sa swimsuit area.
"Pumili ka na diyan" utos nito.
Pansin naman ang bulungan at pag sulyap ng mga saleslady doon sa kanyang boss. Akala siguro ng mga ito ay boyfriend niya ang binata.
Hindi niya alam kung ano ang kukunin dahil halos lahat naman ay magpapakita ng kaluluwa niya.
"What's taking you so long?" Nayayamot na tanong ng binata.
"Just grab this." Anya sabay kuha sa white bikini na may kasamang see through cover up na puti din ang kulay.
"Pero. . " Hindi na siya nakapag salita pa dahil agad na itong nag punta sa counter.
"Magkasya naman kaya sakin yan? " Mahinang bulong ni Jorgina.
"What?" Taas kilay na tanong ng binata.
"Wala" sabi nalang niya.
Napapailing na lamang si Jay. Alam niyang kasya iyon sa dalaga. Kabisado na niya ang mga cup sizes sa unang tingin palang. Sa tantiya niya ay nasa 34-36 ang size ng kay Jorge.
Alas singko ng hapon ang simula ng party kaya ng mag alas kwatro na ay hindi mapakali si Jorgina sa kwarto niya habang tinitingnan ang susuoting swimsuit. Napapakamot siya sa ulo at kung bakit kailangan niyang mag suot ng ganoon.
Wala naman na siyang nagawa kundi ang suotin na lamang iyon. Nung una ay naasiwa siya sa suot ngunit ng makita ang repleksyon sa salamin ay namangha siya sa sarili. Naka ilang selfie din siya at pinadala sa mga kapatid. Hindi naman matigil ang papuri ng mga kapatid niya sa kanya kaya't lalo siyang natuwa.
Kinuha niya ang make up kit na binili nila ng kaibigang si Katrina. Hindi naman siya mahilig maglagay ng make up pero dahil nasisiguro niyang puro mayayaman ang naroon ay hindi siya magpapatalo sa ganda.
Mahirap lang ako pero hindi ako mukang mahirap , nakangiti niyang bulong sa sarili.
Naglagay siya ng konting lipstick na kulay pula at konting blush on. Nag lagay din siya ng waterproof mascara at eye liner.
Sa pakiwari niya ay nagmumuka siyang mayaman sa hitsura niya ngayon!
Maya- maya pa ay may narinig siyang sunod sunod na katok sa pinto. Dali dali naman niyang inayos ang mga gamit at nagtungo sa pintuan.
"Miss R-reyes -," hindi na natuloy ni Jay ang sasabihin ng pagbuksan siya nito ng pinto.
"Sir!" Nakangiting bati nito.
Habang nakatulala parin ang binata na nakatingin sa kanya.
"Sir??" Ulit ni Jorgina.
"L-let's go!" Yun lang at nauna na ito sa elevator.
Ng nasa loob ng elevator ay walang sawang tinitigan ni Jay ang likuran ng babae. Napaka ganda at sexy kasi nito ngayon.
"Miss Reyes?"
"Yes sir?" Sagot ni Jorgina na lumingon pa.
"Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" Tanong nito.
Napahalakhak naman si Jorgina.
"Alam nyo sir, joker ka. " Nangunot naman ang noo ng binata.
"What do you mean? " Taas kilay niyang tanong.
"Eh di ba kayo bumili nito para sakin? Di sana inisip nyo kung lalamigin ako" natatawa paring wika ng dalaga.
Buti nalamang at nakababa na sila dahil wala rin maisagot ang binata sa kanya.
Napakadami rin ng mga bisita na naroroon. Halos lahat ata ng kababaihan ay naka two piece swimsuit. Yung iba nga ay walang nakapatong. Samantalang siya ay may see through cover, ngunit gayun pa man ay naiilang pa rin si Jorgina sa suot. Pilit din niyang ikinukubli ang halos nagsusumigaw niyang dib dib. Sobrang conscious din siya sa bandang pwetan niya, sobrang gusto na niyang maglaho na lang.
Napansin naman sila ng matandang hapones. Napakalapad ng ngiti nito ng makita sila. Maya- maya ay nakita nila itong nagpaalam sa mga kausap upang sila ay salubungin.
"Mr. Villa Real!!" Sambit nito habang palapit sa kanila.
Nakipag shake hands pa ito sa binata.
"And the very beautiful Miss Reyes!" Masiglang bati nito sa kanya sabay halik sa magkabilang pisngi.
Naasiwa man ay pilit niyang inayos ang sarili.
"Happy birthday Mr. Lee" nakangit niyang bati sa matanda.
"You look very sexy Miss Reyes" sa halip ay sagot nito.
Hindi naman malaman ni Jorgina ang sasabihin.
"Yes, indeed. Jorgina looks wonderful today" sabat ni Jay sabay hapit sa bewang niya .
Ikinagulat naman iyon ng dalaga ngunit hindi na siya nag react pa. Maging si Mr. Lee ay napa angat ang kilay sa nakita.
"Well, thank you for coming lalo na sayo Miss Reyes." Sabi pa nito saka siya kinindatan.
Tumawag naman ito ng staff at pinasamahan sila sa kanilang table upang makaupo.
"Ang gara ng party nila" wala sa loob na naisambit ni Jorgina.
Napatingin naman ang binata sa kanya.
Iniwas ni Jorgina ang paningin at sa halip ay nag selfie na lamang. Nahihirapan siyang umanggulo, gusto niya sana makuhaan atleast yung magandang background.
"Let me take your picture" ani Jay sabay kuha ng cellphone sa kanya.
Nagtataka man ay hinayaan niya iyon. Nakakaisang shot palang ang binata ay tila natulala ito.
"Sir?" Tanong niya.
"Oh!? I'm sorry here's your phone" sabi ni Jay sabay abot ng phone sa dalaga.
"Napapanguso na lamang si Jorgina. Kakaiba kasi ang kinikilos ng binata ngayon.
Maya- maya ay may nag abot ng tig isang basong red tea sa kanila. Ininom naman agad iyon ng dalaga dahil kanina pa siya nauuhaw. Hindi niya alam ay lihim siyang pinagmamasdan ng kaharap at walang humpay ang pagsulyap nito sa kanya.