Kabanata 02: The Morning
“Good morning, my dear sister. How's your sleep?” nakangiting bati sa kaniya ni Silvia nang makababa siya sa hagdanan. The whole family is already in the dining area and even Reim.
Pilit naman siyang ngumiti rito. “It's fine,” kiming sagot niya at patagong kinuyom ang mga kamao sa likuran.
“Sweet,” tawag ni Reim at tumayo sa kinauupuan para lapitan siya. “Come on, let's eat.” yaya nito at tumango lang siya.
“Ah, good morning, by the way." Lumapit ito sa kaniya at aakma na sanang hahawak pero bahagya niya itong iniwasan at umupo na lamang. Mabuti na lamang at hindi na nito pinansin pa ang nangyari at parang wala lang rito ang pag-iwas sa kaniya at hinila pa siya papalapit sa mesa.
“Good morning, Mom, Dad,” simpleng bati niya sa dalawa pero hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
“By the way, Silvia. I heard you came from the bar last night. Natapos mo na ba ang thesis mo? Hindi ba't ang sabi ko, finish all your paperworks first bago ka maglakwatsa?!” biglang baling sa Dad nila kay Silvia. Agad naman itong napasimangot.
“Reina already promised me that she will do it for me," ngumuso si Silvia at halatang nagmamaktol dahil umagang umaga pa lamang ay pinagsasabihan na agad siya.
“Silvia, ikaw ang nakatatandang kapatid pero pinapagawa mo iyan sa kapatid mo? Kailangan ka ba magtitino?!” anito.
“But, Dad! Alam nyo namang mas kaya iyon ni Reina. Mas magaling siya pero ayaw niyang humarap sa mga tao kaya ako na lang. Pero paano iyon kung malaman ng mga tao na may mas magaling pa pala sa'kin? If my sister can do it then she can," simangot nito. Mas lalong nalukot ang mukha ng Ama niya lalo na sa panghuling mga salita. Silvia knows na alagang alaga ng pamilya ang reputasyon nila.
It's normal for people to love beautiful things. Minsan ay mas nagugustuhan pa nila ang maganda kaysa sa matalino kaya alam niyang kung gusto nito ng mas magandang reputasyon ay maiging siya ang maging bala nila keysa sa kapatid niyang losyang.
“Silvia's right. Hindi kaya ni Reina na humarap sa mga maraming tao. Reina, bakit hindi ka ba kasi gumaya sa kapatid mo na magaling umayos? Para kang hindi isang Romina sa itsura mo," baling naman ng ina kay Reina.
Hindi naman siya sumagot at pinatili ang pagtingin sa pagkain.
“Ah no, Tita. Reina's already pretty for what she is right now. Ano na lang po kaya kung mag-ayos siya? I don't want guys to try to steal my girl," biglang sabat naman ni Reim.
“Ugh, umagang umaga. You're too sweet in the morning, Reim," umaktong parang naiinggit si Silvia. "Hmp! Maybe I should try find my own boyfriend para hindi na ako naaalibadbaran sa inyo.”
Agad namang pumalag si Reim sa narinig.
“You're still young to have a boyfriend," simpleng anito pero napansin niya ang bahagyang inis sa boses nito. Mas lalong napatungo si Reina sa gilid.
“Tsk, anong young?! Mas matanda pa ako kay Reina pero siya may boyfriend ako wala—”
“Silvia,” He sternly said.
Is he jealous? tanong niya sa isipan at mariing kinagat ang tinidor na nasa mga labi.
Bakit hindi ko ito napansin noon pa lang? Humigpit naman ang hawak niya sa kubyertos na hawak sa magkabilang mga kamay at napatitig sa dalawang tao na nasa harapan.
Kung ibang tao lang ang makakakita ng sitwasyon ay maaaring napagkamalan ng silang close friends o di kaya ay parang magkapatid. They look very comfortable at each other kaya nakukuha nilang maging casual na lamang sa pagsasalita.
Kung hindi siya siguro aksidenteng nagising kagabi ay kahit kailan ay hindi niya malalaman ang totoong tinatago nila. Kaya namang ngayon alam na niya ang totoo, parang nawala ang lahat ng filters at unti-unti na niyang nahahagilap ang mga emosyong pilit nilang tinatago.
She can clearly see now the doting look on Reim and the secret love that they shared in their eyes. Kung mahal naman pala nila ang isa't-isa ay bakit mas pinili nilang itago iyon at lokohin siya? Para lang ba talaga paikutin siya? Pero bakit? Anong ginawa niyang masama para gawing tanga?
Parang habang mas lalo niyang tinititigan ang dalawa sa harapan ay nagsisimula nang mandilim ang paningin niya sa sobrang galit.
Ang kaninang masayang aura na nakapalibot sa buong dining area ay unti-unting natabunan ng isang madilim na awrang galing sa isang tao.
All of them felt the sudden change of the atmosphere. Lahat sila ay natigilan at agad na napatingin sa babaeng kanina pa tahimik at hindi maganda ang awra.
“R-Reina?” unang nakabawi si Silvia at hindi maiwasang mapalunok dahil sa biglang kaba naramdaman sa dibdib.
“Sweet? Are you okay?” tanong ni Reim at hinawakan ang kamay nito pero pasimple niyang kinuha pabalik ito at mas hinigpitan ang hawak sa kubyertos.
“Ate, you want to find a boyfriend?” Napakurap naman si Silvia dahil sa biglang tanong nito pero agad ring ngumiti ng matamis.
“Hihi, of course. Nakakainggit kaya kayo lagi ni Reim.” then she pouted. “Gusto ko yung lalaking kaya akong ipagsigawan in public na mahal ako.” Sa huling mga salita ay kitang kita niya kung paano ito pasimpleng tumingin kay Reim na ngayo'y madilim na ang mukha.
Nang makita niya ito ay mas lalo pa siyang ginanahang tuksuhin ito kaya mas nilapad pa niya ang mga ngiti.
“Diba, Reina? Just like Reim to you, right? Naalala ko pa noon kung paano siya mag-confess sa'yo sa harap ng maraming tao. Hindi ba't patunay lang iyon na gusto niyang ipaglandakan sa buong mundo na mahal ka niya? I really really want that kind of man."
“Why do you wish to have a man like him? Hindi ba't may nakuha ka ng lalaking ganun?”
Agad siyang napakurap sa gulat at pagtataka pero hindi niya maiwasang kabahan. Pasimple siyang napatingin sa Ina at kay Reim at nagkatinginan silang tatlo.
“What do you mean by that, Reina? Silvia, may boyfriend ka na ba ng hindi namin nalalaman?" tanong agad ng Ina at bago pa makapagsalita si Silvia ay agad na siyang sumagot para rito.
“Hindi ba't andyan naman si Reim sa kaniya?"
“WHAT?!”
A-Anong?! May alam ba siya?!
Agad nagsitinginan ang lahat sa kaniya dahil sa lakas ng boses niya. Reina raise her brows and smile inwardly.
“You already have Reim... bilang isang Kuya. Inaalagaan ka rin naman ni Reim kagaya ng gusto mo, diba? Kaya bakit ka pa maghahanap ng lalaki?" pagtutuloy niya.
“A-Ah, Hahaha. T-Talaga ba, Reim?” agarang tanong ni Silvia na hindi pa rin nawawala ang bahagyang takot sa mukha.
“Hmm, I'll feel bad.” anito na may himig na pagtatampo. Agad siyang napangiti dahil nakuha niya ang ibig sabihin nito. Omy, he's really jealous!
Mas lalong lumapad ang ngiti niya at pasekretong kinindatan ito. Then she smugly look at Reina who's not looking at them.
She sneered. Hmp! Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na kung saan malalaman mo ang lahat. Sigurado akong maghahalupasay ka na naman sa sakit, Reina.
Naiisip pa lamang niya ang matinding pag-iyak nito ay mas lalo siyang ginanahan sa araw na ito.
“It's your grandfather's birthday the day after tomorrow. There will be a banquet held at the Grand Mansion.” Dahil dun ay mas lalong nagliwanag ang mukha niya.
“Really? Then,” She looked at Reina. “How about—”
“As usual, hindi na naman aattend ang kapatid mo."
Bago pa man siya makasagot ay nagsalita si Reina.
“Bakit hindi?”
“Bakit hindi?” tumaas ang kilay niya. “Hindi mo ba nakikita ang mukha mo—”
“Silvia!” Their Mother shouted.
“Oops! I didn't mean it, sister. Sorry.” She apologetically said but her eyes shouts mockery.
“What about Reim?” tanong ni Reina.
“He'll go too. Your grandfather expect him to come too. Siya ang magiging partner ng kapatid mo kaya huwag kang mag-alala," sagot ng Ina niya.
“Of course. I'll guard him, sister. No one would dare.” pasekreto siyang napangisi. Hindi na siya makapaghintay pa sa mangyayari bukas.
“Sweet, alam kong ayaw na ayaw mo talaga ng ganitong okasyon pero pasensya ka na dahil hindi kita masasamahan. I need to go there," saad ni Reim at ngumiti nang may paumanhin sa nobya.
He was smiling sweetly pero alam niya kung ano ang nasa likod ng mga ngiti nito. His eyes look like he's just forcing himself.
"Okay," kimi niyang sagot.
Napaismid naman si Silvia sa nakita.. Masyado talagang uto-uto ang kapatid niya at konting paglalambing na nakukuha agad. That's why they were able to fool her again and again and yet, they haven't caught.
“I'm already finish. Mauuna na akong umakyat. Kailangan ko pang ayusin ang papers nila ate at Reim." Tumayo si Reina at bahagyang tumango sa kanila bago agad na umalis sa hapagkainan.
“Silvia, tone down your attitude. Gusto mo bang mabisto ka ng kapatid mo?” biglang saway ng Ama nang sila na lang ang natira.
Agad naman silang napasinghap sa gulat at napatingin sa ama. He knew?!
Napansin nito ang gulat sa mga mata nila kaya napabuga ito ng hangin.
“I already knew a long time ago," pag-amin nito.
“B-But why are you still silent? Aren't you angry?” tanong niya.
“For what? For Reina?” binaba nito ang newspaper na hawak at agad na bumadha sa mukha nito ang disgusto. Agad nanliwanag ang mukha niya sa nakitang reaksyon ng ama.
“So you're not against by our relationship, Dad?” tanong niya at tumango ito.
“Just be cautious. Don't let yourself be caught," anito. Ngumiti naman din ang ina niya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng asawa.
"My baby, don't be afraid. Nandito kami para sa'yo."
Mahinang napatawa si Silvia. “Dad, nakakapagtaka talagang naging anak mo siya kung ganun ang mukha niya. Edi sana hindi na lang ulit kayo nagka-anak ni Mama kung ganun lang din palang pagmumukha ang magiging resulta.” aniya at napailing lang ito at hindi na sumagot.
Since they already knew their relationship, kaagad siyang tumayo at lumipat sa inupuan ni Reina kanina at agad pinalibot ang mga kamay sa braso ni Reim.
“I can't wait for the day that the truth will be revealed so you'll be mine officially.”
Reim smiles dotingly and kisses her forehead.
“That day will come soon, Hon.”
****