Ika pito na Kabanata

2294 Words
Agad akong napabitaw sa crate na dala ko. Bahala na kung mahulog iyong mga libro. Kung si Lucy siguro ang kasama ko, for sure pinagalitan na ako nun pero mas importante kaya si Zeus para sa akin kesa sa mga librong ito. Ito na nga ba kasi ang sinasabi ko eh. Baka may kung anong gawin talaga siya...at may ginawa nga! “ Sir?!” “ Sir Zeus? Asan po kayo?!” “ Sir?!” Nagsisigaw na ako para marinig niya pero sa totoo naman, kahit pa marinig ito ng tao, ayaw pa rin nilang pansinin o umaakto na hindi narinig kung ayaw talaga nilang magpakita. Napasapo ako sa noo ko. Kay bago-bago ko pa lang mukhang matatanggal ako ng wala sa oras. Eh kasi naman! Inutusan lang naman ako. Mali ko pa rin. Hinayaan ko kasi at ako ang nagpadalos-dalos. Nilibot ko ang pananaw ko. Sa paglibot nga nito aakalain mong telescope na ang mga mata ko sa paghahanap. Nagsimula akong maghanap sa mga palaso, mga tanim, kahit pa nga sa ilalim ng mesa eh wala siya. Nalibot ko na nga ang buong harapan nitong garden eh. Naalala ko na meron pa palang garden doon sa bakuran nila sa likod. Nasa loob pa naman ako ng gate nila pero hinihingal na ako. Ang lawak naman kasi. Isang hektarya yata itong buong bahay tapos may parang paakyat pa kasi elevated ang bahay nila. Eh bumaba ako sa may hagdan. Natakot tuloy ako na baka lumabas nga si sir. Sementado din kasi ang parang pavement sa kanila. Pati yata ang landscape sa labas ay si sir Zeus siguro ang nagdesign. “ Hay, sa wakas. Nakaabot din,” napahinga muna ako ng malalim bago tumayo ng tuwid. Nakahawak na kasi iyong mga kamay ko sa tuhod ko. Mukha na akong shunga sa grabeng paglilibot ng mga mata ko. Sana naman andito lang siya kasi kung wala, nako irereport ko na ito sa mga pulis at maglalahay na ako ng mga flyers sa kalsada. Teka ano iyon? May nakikita kasi akong gumagalaw sa may badang kubo. Parang...gumagapang? “ Sir Zeus!” Dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniya. Naabutan ko siyang sinusubukan na umakyat sa kubo...naawa ako sa kaniya. Grabe, nahihirapan ako sa kalagayan niya. “ Sir! let me help you,” agad ko siyang inalalayan para makabalik muna sa wheel chair niya. Nasira nga yata ang mukha ko sa pagbuhat sa kaniya kasi ang bigat niya kaya. Mukhang doble na nga yata sa timbang ko. Ang tangkad pa nga eh. “ 1, 2, 3, gooo,” pagbibilang ko para mas makaipon ako ng lakas para maibalik siya sa wheel chair. “ Hah...teka sir...whooo!” paghinga ko muna ng malalim. Grabe akala ko sa pagtatakbo lang ako hihingalin. Pati rin pala sa kaniya. “ Sir naman, bakit naman kayo umalis ng walang pasabi? Sana man lang nagpaalam kayo...kayong mga lalaki talaga, nang-iiwan.” pagjojoke ko. Hindi. Nagdadrama talaga ako pero ganiyan talaga ako eh. Aakalain mong nahjojoke pero seryoso ako...sa kaniya. Joke lang! “ Muntik na akong mabaliw sa kakahanap sa inyo tsaka naisip ko na masesetante talaga ako, sir.” dagdag ko pa. “ Tsaka—” napahinto ako sa pagsasalita nang nakita ko ang mga kamay niyang parang ready na akong boxing-in. Ang ibig kong sabihin, he closed his fists. Nanginginig din ang mga ito habang nakatitig lamang siya sa mga paa niya. Napakagat ako sa labi ko. Hindi niya kailangan ang sermon na naman. Gusto niyang maglakad. Iyong bumalik siya sa normal. At binibigo siya ng mga paa niya. I kneeled in front of him. “ Sir, okay lang naman na humingi ka ng tulong. Kailangan natin ng tulong kahit pa ayaw natin minsan...at nandito ako para tulungan ka,” mahinhin kong sabi. “ 'wag nating pillitin at hayaan lamang ang oras. Kahit paunti-unti basta alam nating patuloy pa rin tayo sa paggalaw sa mundong ito.” Napaangat naman siya ng tingin kaya nginitian ko siya. May isang tao akong naaalala sa kaniya. Iyong tipong gustong-gusto kong tulungan. Iyong taong gustong-gusto kong gumaling...at gagawin ko ang lahat para makita niya ang kagandahan at kahalagahan ng buhay. “ Balik na po tayo sir?dala ko na po ang mga libro niyo...hindi niyo naman po kasi sinabi kung ano kaya dinala ko na lahat.” I said while wiggling my brows. Mas lalo naman akong napangiti nang nakitad ko ang marahan niyang pagtango at nang may maliit na ngiti ang nagpakita sa labi niya. Hinawakan ko na nga ang wheelchair niya at akmang itutulak ko na siya ng may naalala ako. “ Teka, ano po bang kukunin niyo sa kubo?” baka kasi may kukunin siya at ako na lang ang kukuha. “ Nothing,” pag-iling niya. “ Sigurado ho kayo?” paninigurado ko. Baka naman kasi ayaw niya lang sabihin dahil nahihiya siya o ano. “ Yes,” maikling sagot niya. Nagkibit balikat na lang ako tutal hindi niya naman ako makikita. Dahan-dahan ko lang na itinulak ang wheelchair pabalik doon sa garden sa harap ng bahay nila. Ewan hindi ko din alam kung paano iexplain eh nakapalibot naman kasi ang mga bulaklak sa mansion nila dahil sa naggagandahang landscapes. “ Ayan sir, andito na tayo ulit!” masiglang sabi ko para naman mahawaan siya ng kahit konting kasiglaan. Inilock ko muna ang wheelchair niya kasi mahirap na at baka bigla na lamang siyang dumiretso pabangga sa gate nila. Pa downhill pa naman ang pavement nila kaya napaka accessible sa wheelchair niya. 'yon nga lang, pahirapan din kapag pabalik kasi paakyat na naman. “ Nagugutom po na kayo sir? O di kay ay nauuhaw?” pagtatanong ko. Pasado alas tres na kasi ng hapon at sa mga ganitong oras ay nagmemeryenda na siya. “ What would you like to have po? coffee, juice, tea?”...or me? Charot. “ I'd like to have my afternoon tea please,” Napangiti ako sa pagtugon niya. “ Right away, sir!” sabi ko habang hinawakan ang handle ng wheelchair. “ What are you doing?” Inilean ko ang ulo ko sa kaniya, 360 degrees. Joke. Hindi naman ako ganoon ka flexible noh, basta iyong sapat ang para makita niya ng malapitan ang maganda kong mukha. “I'm taking you with me, sir!” “What?” tila nagugukuhan niyang tanong. “ Anong what what? Syempre noh, hindi na ako magpapakumpiyansa. Kaya sa ayaw o gusto mo sir, kung nasaan ka do'n din ako. At kung nasaan ako, do'n ka din,” pilyang sabi ko. “I'd rather stay here...I promise I won't go.” Agad naman akong umiling. “ Na-uh, ayaw mo nito sir, joyride ka lang? Kaya halina at pumunta tayo sa kusina!” Pinaharurot ko nga ang wheelchair niya papunta sa kusina. Nakita ko naman ang paghawak niya sa gilid. Napatawa ako. Takot naman palang mahulog eh. Tinakot mo ako kanina ah, kahit dito man lang makaganti ako. Napabungisngis ako. “ Alin po ba dito sir?” pagpapakita ko sa kaniya ng dalawang tea bag na hawak ko bawat kamay. “ The chamomile, please.” Napakunot naman ang noo ko...asam ba ang chamomile dito?! Nakalimutan ko naman kasi kung anong itsura at kung saan ko kinuha ang mgfa ito. “ Paano po ba malaman kung alin ang chamomile sir?” tanong ko sabay bigay ng alanganing pagngiti. He only stared at me. Medyo naconscious tuloy ako kasi lumipas na ang ilang segundo eh nakatitig pa rin siya. “ ehem, sir?” pagtikhim ko. Napakurap naman ang mga mata niya bago siya tumingin sa nay sahig. “ Just get either from those two, I'd like to have a little surprise.” “ Ah, okay po sir!” Okay lang naman pala kung alin doon eh. Buti na lang. Next time tapaga eh magpe-pay attention na ako lalo na sa mga tsaa niya. I've learned that he's someone who prefers tea over anything else. Maganda nga iyon eh kasi mas makakatulong ang tsaa kesa sa kape o softdrinks. Mas maganda ang epektong dulot sa katawan. Kaso, ako kaai iyong hindi makukompleto ang araw kapag hindi makainom ng mainit at matapang na kape sa umaga. Coffee is life. Nilagay ko muna ang tea pot, tea cup, saucer, teaspoon, a cup of milk and sugar cubes sa tray. Sinamahan ko din ito ng cookies. Sosyal kasi dito sa kanila at ganoon kasi magserve sila tita sa kaniya. Una ko itong nilagay sa mesa bago bumalik sa kusina para sa kaniya. Tinititigan ko lang siya habang ginagawa niya ang desired tea niya. Napansin kong isang cube lamang ng asukal ang inilagay niya at kalahating gatas naman ang ibinuhos niya. I looked at how his elegant slender fingers stir his tea. Grabe, ang gwapo. Napailing ako sa naisip...pero ano bang masama?hindi naman masamang umappreciate ng gawa ni Lord diba? Kaya sige na, Ang gwapo! Parang hindi siya tumanda. Hindi naman sa totoy pa rin ang mukha niya hanggang ngayon. Ang ibig kong sabihin eh ang gwapo magmature ng mukha niya. His beard reeks manliness and his long dark hair speaks art. Overall, ang hot lang. Nako, nagaappreciate lang ako ha? Ang unfair lang naman para sa iba kasi siguro kung ibang tao lang ang may mahabang buhok at may bigote, iisipin kong dugyot at napabayaan. Pero siya kasi...iba ang dating. Iyong dating ng bad boy na action star pero soft para lang sa leading lady. Mga ganon. Pinektusan ko nga ang sarili ko mentally. Bakit naman kasi ganito iyong iniisip ko tungkol sa boss ko? Ang pangit lang. Tsaka noong high school naman ako eh ayaw ko sa may mga bad boy look kaya nga siya ang nagustuhan ko. Siya kasi ay iyong good boy next door na pala ngiti as in mabait lang na maginoo na cute? Siya iyon...kaso kumpara sa ngayon, ibang-iba na siya. Buhok pa lang eh halata na. Kung gaano ka clean cut ng buhok niya noon, siya namang pagiging endorser ng shampoo niya ngayon. “ Aren't you going to have a drink?” Agad akong napabalik sa realidad ng nagsalita siya. “Siguro mamaya na po, sir. Baka dumating na iyon si Chona eh,” sabi ko naman. Ayoko kasing iwan siya tsaka okay lang naman ako. Hindi pa naman ako gutom. Speaking of the devil ( in the tone of Princess' mother from Four Sisters and a wedding) eh nakita ko na may pumasok sa loob ng gate. Si Chona na nga at ang boyfriend niyang Jonel daw ang pangalan. Mukhang hinatid siya. Binigyan ko nga siya ng nakakalokong ngiti na kapalit ay pinandilatan niya ng mga mata. “ Kamusta ang date?” pang-aasar ko. Namula naman si Chona bago bumaling kay Zeus para bumati. “ Good afternoon po sir! Kilala niyo naman po si Jonel kasi napakilala ko na siya noon sa'yo...” Bumati din sa amin si Jonel. “ Ah, Beh si Thea nga pala. Nurse ni sir. Thea, si Jonel nga pala,” pagpapakilala ni Chona. “Nice meeting you Beh,” pang-aasar ko kay Chona na pinamulahan lang ng mukha. Hindi naman nagtagal.at nagpaalam na din si Jonel dahil may delivery pa siya. Nagpatuloy naman si Zeus sa pag-inom ng tsaa. “ Hoy, seryoso ka ba na delivery boy lang iyon? Ang gwapo ha?” pagtatanong ko kay Chona. Narinig ko naman ang pagtikhim ni sir Zeus. “ Oo nga kasi tsaka higit isang taon na din kami noh,” Eh kasi naman, ang kinis ng kutis, mataas ang ilong, chinito, tsaka matangkad. Nakita ko din ang suot niyang sapatos. Kahit pa naman hindi ako mayaman, alam ko ang ganoong sapatos. Mamahalin iyon...tsaka kung ukay man aba ang swerte naman. Napatingin naman kami sa kotseng pumasok. Si tita na pala. May tiningnan lang lasi siya sa opisina at inasikaso. Sabi naman niya unti-unti na siyang babalik doon. Nandito na kasi ako para magbantay kay Zeus...na naiwala ko kanina. “ Goof afternoon po, tita!” “Good afternoon, ma-'am!” Pagbati namin na siyang sinuklian niya naman. “ Kamusta ang date, Chona?” “ Okay naman po, madam!” Agad naman siyang pumunta sa anak niya at hinalikan ang mga pisngi. Napa-atras pa si tita ng bumati si Zeus. “ Good afternoon,” mahinang bati nito. Maluha-luha naman si titang tumingin sa amin. “ Ipagtimpla ka muna namin ng kape, tita.”sabi ko habang isinama si Chona para maiwan muna namin silang mag-ina. “ Kilala pala ni sir Zeus si Jonel?” tanong ko habang tinitimpla ang kape ni tita. “ Oo kasi palangiti kaya 'yan si sir tsaka jinojoke pa ngas niya ako na nakajackpot daw ako kay bebeh,” napatango na lang ako. Iba nga siya noon. “ Naalala ko pa nga na sabi niya ' ang swerte mo kay bebeh, ' wag mo nang pakawalan Chona,” natatawang kwento ni Chona. So pati pala si Zeus inaasar siya sa 'bebeh' niya. Bumalik na nga ako sa kanila tita habang dala ang mga kape namin. Pagkalapag ko ng tray ay nagulat naman ako ng hinawakan niya ang kamay ko sabay sabi ng, ' mau ipapakita akong halaman, Thea.” Lumayo lang naman kami ng konti kay Zeus pero nakatingin lang naman kami sa kaniya. “ Thea, thank you so much. Napakalaking tulong mo,” sabay pagpisil ni tita sa kamay ko. “ Wala naman akong ginagawa tita,” nahihiyang tugon ko. Umiling naman siya. “ There's something about you that plays a big part of his improvement...ngayon lang siya nagimprove Thea kahit ginawa na namin ang lahat.” “ Choice din po kasi natin tita na magbago o magimprove...siguryo ho ay gusto na niyang bumalik sa dati.” “ Tama ka, Thea. Sana nga. Gusto ko ng bumalik siya sa dating siya.” Sabay kaming napatingin kay Zeus at sabay na tinahak ang daan pabalik sa nakaraan. Pabalik sa Ulyses na kilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD