Ayradel's Side Hindi ko pa rin alam kung paano ako iiwas kay Richard Lee. Una, seatmate ko siya. Pangalawa, tinututor ko siya tuwing lunch. There's no way to escape! Maliban na lang kung gagawin ko ulit 'yong ginagawa ko dati. 'Yong gagawin ko lang ang trabaho ko sa kaya, pagkatapos ay wala na... hindi ko na ulit siya kakausapin? Aish! Tinakpan ko ng unan ang buong mukha ko habang nai-stress sa pagiisip, pagkatapos ay automatic na tumibok ng mabilis ang puso ko nang maalala ko ang sinabi ni Jayvee. Now, I'm sure, he likes me too. He has feelings for me, hindi ito isang one-sided love lang. Napangiti na lang ako at kinilig at the same time. Gosh, paano kaya kami ni Jayvee bukas? At paano rin kami ni Lee-ntik? Naikuwento ko ang lahat ng nangyari kay besty pagdating ng kinabukasan dahil

