Chapter Forty-four: The Doorknob. "Bakit parang ang tagal naman ata nila?" reklamo ni Ashtrid. Sina Einok at Bianca ay nakahiga sa kanilang mga kama. samantalang sina Jaris, Kerri, at Ashtrid, nakaupo sa kanilang mga upuan. Kanina pa nila hinihintay sila Lene, dahil sila ay gutom na gutom na. "Hindi kaya may masamang nangyare sa kanila?" "Ashtrid. pwede ba? Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi pababayaan ni Elias si Lene at walang nangyare sa kanila," nainis naman si Kerri sa sinabi ni Jaris. Kasintahan niya ang pinag-uusapan dito, kaya nagseselos siya. "Hindi pababayaan ni Elias si Lene? Ha, baka si Lene pa nga ang magligtas kay Elias sa katangahan non. Magiging tatay na duwag pa rin." "Hindi duwag si Elias, ayaw niya lang kaming iwan dito at ayaw niyang mawalan ng tatay ang an

