Chapter Forty-nine: The Parents of Raemalene "Bibigyan kita ng permiso para hulughugin ang buong bahay ni Mr. Dixon. kung totoo ba ang sinasabi mo, kung wala mag-hanap ka ng ibang paraan para mahanap ang mga katawan na nawawala sa sementeryo." "Kailangan ko pa pong pumunta sa pinagtatrabahuan ng asawa ni Mr. Dixon, bago po ako dederetsyo sa bahay nila para halug-hugin ito," napakunot ang noo ng Hepe at tinignan ng seryoso ang imbestigador. "Si Mrs. May Dixon? Bakit kailangan mong puntahan ang babaeng iyon?" "Siya po ay nag-aral noon sa Keimusho University noong 2000 hanggang 2004, kasama po niya ang kaniyang asawa na si Nickian Dixon, at doon ko po nalaman na si May Dixon ay hindi niya totoong anak si Miss Raelene, ang totoong Nanay niya ay si Raemalene Portez." "Base sa sinabi mo sa

