Chapter Twenty-nine: The Letter. Alas onse na ng gabi, meroon paring mga pulis na nakapaligid sa sementeryo, nagtataka pa rin sila kung bakit kinuha at kung ano ang kailangan nila sa katawan ni Ms. Gloria Del Rosario. "Hanapin niyo sa kagubatan ang kumuha sa katawan ni Miss Gloria Del Rosario, hindi tayo titigil hangga't hindi ito nakikita, kung meroong magrereklamo magsabi kayo sa akin para magresign na kayo sa pagiging pulis. Hindi ko ito sinasabi para takutin ko kayo, sinasabi ko ito para hindi kayo tumigil sa inyong trabaho. Nakakaintindihan ba tayo?" tumungo ang mga pulis sa lalaking nag-utos sa kanila at nagsaludo, isa itong Hepe ng mga pulis sa Grimson City kaya kilalang-kilala ang lalaki. Lahat ng pulis ay sumusunod sa kaniya, kung sino man ang sumaway ay paparusahan niya. Siya s

