Chapter 16 ILANG MINUTO akong nakatitig sa harap ng laptop ko. At kanina ko pa iniisip kung ano ang isusulat ko sa thesis ko. This is life, thesis. Kapag guro ka talaga, more on thesis. Huminga ako nang malalim saka nangalumbaba sa mesang maliit na nasa loob ng tent namin. Ang nagsisilbing patungan ng mga pagkain at malilit na gamit naming apat. Will, we be able to survive in this situation? Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng tent saka ini-estimate kung ilang araw ang gugululin namin dito, at kung saan hanggang kaya ng powers namin. At sa tingin ko, tatagal naman kami dito. Kung ta-tiyaga lang. Isa pa, bukal naman sa aming kalooban ang magsilbi sa mga sundalo ng bansa. Nakakatuwa nga at nagtutulungan ang kapwa Pilipino sa pagdating ng mga sitwasyong ganito. How I wish that thi

