Chapter 19 KUMATOK AKO NG ILANG beses sa campo 3 na cottage bago ako napagbukasan ng pintuan, ito ang na-assign sa akin. At kailangan kong gampanin ang tungkulin ko rito nang panandalian lang. Bumungad sa akin ang isang lalaki na nakabihis na ng polo at maikling shorts. Ngumiti ito nang makita ako. Okay? Sino naman kaya ang isang ito? Mukha yatang may mga lahi ang mga nakakasalamuha kong sundalo nitong mga araw. Una si Plantam, at ang pangalawa—err. Never mind. "Ito na po Sir ang agahan niyo." Ngiting-ngiti ito habang nakatitig lamang sa akin. "Pea! Ikaw nga! Walang duda kung bakit ikaw ang kinahuhumalingan ng kaibigan namin. Maganda nga." Napakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito? Hindi ko mintindihan. Mukha namang napansin nito ang pagkunot ng noo ko kaya siya tumikhim. "Ako

