(Sharina's POV) Day-off ko ngayon kaya gumala na naman ako. Pero bandang hapon, habang nag-iikot ako sa isang mall at nagtitingin-tingin ng mga panindang sapin sa paa ay biglang tumunog ang message alert tone ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko sa sling bag ko at napakunot-noo ako nang makitang si Auntie Terry ang nag-text sa akin. Himala. Bakit naman kaya siya biglang nagtext? Binuksan ko kaagad ang mensahe niya at nagulat ko sa sinabi niya roon. "Shasha, birthday ngayon ni Sir Luke. Batiin niyo siya ha, tapos pakibati rin ako sa kanya. Nagtext naman na ako sa kanya pero pakibanggit na lang din." OM to the G! Birthday ngayon ni labs ko! Bakit ngayon ko lang nalaman ito? Haist! Dali-dali na akong lumabas sa store na iyon at naghanap na lang ako ng mabibilhan ng cake. Nakakita naman

