Kinaumagahan, habang papalapit ako sa kusina ay naulinigan ko ang mga boses ng kapwa ko mga kasambahay dito sa mansiyon ni Sir Luke. Pero ang nakakapanibago ay nangingibabaw ngayon ang boses ni Inta at tila ba desidido ito sa sinasabi nito. "Totoo ba 'yan? Baka nananaginip ka lang." narinig kong sabi ni Ate Fe nang makalapit na ako sa mismong pinto ng kusina. Kaagad na rin akong pumasok sa loob kaya napalingon sila sa akin. "Good morning!" masiglang bati ko sa kanila. Pero hindi nila ako sinagot dahil muling nagsalita si Inta na animo ay isang malaking pasabog o emergency ang sinasabi niya. "Totoo nga! May katsuktsakan dito si Sir Luke kaninang alas tres ng madaling araw!" Agad nawala ang ngiti ko nang maalala kong nahuli nga pala ni Inta si Sir Luke na gumagawa ng milagro dito sa kus

