(Sharina's POV) Muling lumipas ang mga araw na puno ng saya ang puso ko at puno ng dilig ni Sir Luke ang kabibe ko! Kaya ang resulta ay ang saya-saya ko at fresh lagi ako kahit minsan ay kulang na kulang ang tulog ko. Basta ba masaya si Sir Luke dahil sa akin ay masaya na rin ako. Isang hapon bago ang araw ng day-off ko ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mama. "Hello po, Ma?" "Shasha, kumusta, anak? Uuwi ka ba bukas?" Natigilan at napaisip muna ako. Uuwi ba ako? Ilang linggo na nga pala akong hindi umuuwi. Ang huling uwi ko pa yata ay noong New Year. Nami-miss ko na rin naman sina Mama at Papa. Kaso, si Sir Luke naman ang sobrang mami-miss ko kapag umuwi ako. Kahit isang araw lang iyon, kapag hindi ko nakita at nakasama si Sir Luke ay isang taon ang katumbas niyon. Isa pa, sigur

