Mabilis lumipas ang mga araw at ilang linggo na rin kaming nakatira ni Lucas sa bahay ng Daddy niya. Kung minsan ay lumalabas kami at ipinapasyal ni Sir Luke–– ni Luke sa iba't-ibang pasyalan at tuwang tuwa naman si Lucas. Sinasanay ko na rin ang sarili ko na tawagin siya sa pangalan lang niya lalo na kapag kasama namin si Lucas... Pero at the same time ay mayroon pa rin akong kaunting pag-aalinlangan. Para kasi sa akin, ang pagtawag ko sa kanya ng 'Sir' ay ang tanda ng agwat namin sa isa't-isa. Sa pagtawag ko sa kanya ng 'Sir'ay tinatandaan ko rin na amo ko lang siya noon at naging Ama ng anak ko ngayon. Pero ganoon pa rin kami... Oo, sinabi niyang sa akin lang siya. Pero ano ang definition ng relasyon naming dalawa? Paano ko ii-introduce ang sarili ko o ang koneksiyon ko sa kanya kung

