Chapter 12 - Orgasm & Dessert

1361 Words

"Good morning, Sir Luke!" Masiglang bati nina Ate Fe, Ate Jen at Inta kay Sir Luke nang biglang pumasok dito sa kusina si Sir ngayong umaga. "Good morning, Sir Luke!" Bati ko rin sa kanya at itinago sa mga kasamahan ko ang pangingislap ng mga mata ko habang nakatitig ako sa kanya. Pinasadahan niya ng tingin ang tatlo, bago lumipad sa gawi ko ang paningin niya. "Good morning." Tipid ang ngiting ganting-bati niya sa amin, partikular na sa akin dahil sa akin na siya nakatingin. Sa gilid ng mga mata ko ay nahagip ng tingin ko ang pag-awang ng labi ng mga kapwa ko kasambahay! Maging ako ay nagulat din dahil sa pagngiti at pagbati sa amin pabalik ni Sir Luke! Siguradong sasabihin ng tatlo na himala at bumati sa amin at ngumiti si Sir Luke! Laglag-panty na naman ang mga kerengkeng na kasamah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD