(Sharina's POV) One week na lang ang natitira kong panahon dito sa mansiyon at kasalukuyan na akong nakahiga sa kama ko. Matagal ko nang itinigil ang pagpi-pills ko mula nang magtanong ako kay Sir Luke tungkol sa babae niya bilang paghahanda na rin sa bago kong plano tungkol sa kanya. Pero ngayon ay wala pa rin si Sir Luke at hindi ko pa alam kung ano ang desisyon niya sa hiniling ko sa kanya. Kung sakaling hindi siya pumayag ay wala na akong magagawa... Pagod na rin naman akong ipilit ang sarili ko sa kanya. Siguro... hanggang dito na lang talaga kaming dalawa... Correction, hanggang dito na lang ang kabaliwan ko sa kanya. Mabuti pa nga sina Ate Jen ay nalungkot noong nalaman nilang aalis na ako rito sa mansiyon. Nag-iyakan pa sila. Samantalang si Sir Luke ay lalo lang nanlamig sa akin

