(Sharina's POV)
"Good morning, Sir!" Nakangiti kong bati kay Sir Luke kinaumagahan pagkapasok niya sa kusina.
Araw-araw ay sinasadya ko talaga siyang abangan dito para ipaghanda siya ng breakfast niya. Alam na alam ko na ang mga gusto niyang breakfast maging ang timpla ng kape niya. At kapag ganitong may hangover siya ay mas gusto niya iyong coffee na no sugar!
Mukhang kakatapos lang niyang maligo dahil medyo basa pa ang buhok niya. Nakaroba lang din siya ngayon at talagang nacu-curious ako kung may iba pa ba siyang suot sa ilalim niyon.
"Coffee po? And breakfast?" tipid ang ngiti kong tanong sa kanya nang mahalata kong napapatagal na pala ang pagkakatitig ko sa kanya. Maging siya ay napapatitig na rin pala sa akin o baka dahil lang nahihilo-hilo pa siya dahil sa hangover niya.
Pinigilan ko na lang na lumapad ang ngiti ko dahil sa kilig.
Wag kang assumera, Sharina! Hindi ikaw ang tipo ng babae na mapapansin at magugustuhan niya! Lihim na sermon ko agad sa sarili ko dahil nagdi-daydreaming na naman yata ako nang napakaaga.
Kaya nga umabot ako sa punto na ginagapang siya kapag tulog siya dahil parang hangin lang ako sa kanya, 'di ba? Tapos ay iisipin ko pang napapatitig siya sa'kin?! Wake up, Sharina and stop dreaming!
"Uhm. Yes. Isunod mo na lang sa dining area." walang emosyon namang sagot ni Sir Luke bago tumalikod sa akin.
Napangiti na lang ako bago sinimulang ihanda ang breakfast niya.
Actually ay kanina ko pa talaga inihahanda ang breakfast niya. Nagsalang na ako kanina sa coffee maker at ready na iyon ngayon kaya magsasalin na lang ako sa coffee cup niya. Ang tinapay naman ay isasalang ko na lang sa toaster habang nagluluto ako ng scrambled egg. Pagkatapos ay ipapalaman ko ang scrambled egg sa toasted bread. Iyon ang isa sa mga paborito niya at hindi talaga siya nagra-rice sa umaga.
Naglagay din ako ng mga extra toasted bread sa isang lalagyan at inihanda ang butter. Kung minsan kasi ay kaunting toppings lang sa toasted bread ang gusto niya. At kapag may iba siyang gustong kainin ay sinasabi naman niya. Pero dahil wala ay iyon ang ihahanda ko kanya. Dadagdagan ko na lang din ng hotdog and ham at baka sakaling gusto rin niya.
Matapos ko nang maihanda lahat at mailagay sa tray ay nagtungo na ako sa dining area bitbit ang mga iyon. Naabutan ko naman si Sir Luke na may kinukutingting sa cellphone niya habang nakakunot ang noo.
"Sir, heto na po ang breakfast mo. Strong plain coffee and toasted bread with scrambled egg filling. Nandito na rin po ang butter and cheese kung sakaling gusto mo rin." nakangiti kong agaw-pansin sa kanya kaya kaagad napaangat ang mukha niya.
Itinago na niyang muli ang cellphone niya sa bulsa ng robe niya habang inilalatag ko na sa harap niya ang mga inihanda ko para sa kanya. Kinuha rin naman agad niya ang tasa ng kape.
"Thank you." Tipid lang niyang sagot na ni hindi sumulyap sa direksiyon ko.
Hmp! Suplado talaga! Pasalamat siya dahil love ko na yata siya! Kung hindi... Kung hindi... Wala lang. Ano naman ang magagawa ng isang kagaya ko sa kanya? Eh di wala! Kaya mamanyakin ko na lang siya. Akala niya, huh!
"Sige po, Sir, sa kusina lang po ako kung may kailangan pa kayo." Magalang kong paalam at tumango lang siya habang nakaharap sa pagkain niya.
Hmp talaga! Pasalamat siya guwapo siya at mukhang masarap.
Balang araw ay matitikman din kita ng buo, Sir Luke! Ipinapangako ko yan! At balang araw ay maglalaway ka rin sa alindog ko!
Napangiti ako ng malapad sa kalokohang naisip ko habang nililinis ko na ang mga ginamit ko dito sa kusina.
"Ang saya natin ah. Good morning."
Napalingon ako sa pinto ng kusina nang marinig ang boses ni Ate Jen. Kasama niya si Ate Fe na kasambahay ring kagaya namin.
Kapwa sila mas matanda sa akin ng ilang taon at pareho ko ay single pa rin silang dalawa. Ang isa pa naman naming kasamang kasambahay na si Ate Inta ay may asawa na at kada day off ay umuuwi sa pamilya niya.
"Siyempre naman! Good morning din!" sagot ko at bati na rin sa kanilang dalawa.
Kaming tatlo ay pare-pareho lang namang pinapangarap at lihim na pinagnanasahan si Sir Luke! Pero ang hindi nila alam ay lumevel up na ako sa kanila! Nakalamang na ako dahil mas nakakalapit ako kay sir Luke kaysa sa kanila! At wala silang kaide-ideya na ginagapang ko na ang pinapangarap nila! Bwahaha!
Mula kasi nang umalis si Auntie Terry bilang mayordoma sa bahay ni Sir Luke at pumalit ako bilang kasambahay ay parang naging personal maid na niya ako.
Ewan ko lang kung may trust issues siya, pero pansin kong bihira siyang magtiwala sa mga tao. Correction, sa mga katiwala pala sa bahay niya. Kasi nga, napapansin kong hindi siya masyadong nakikipag-usap sa mga maid niya. Kung bihira niya akong kausapin ay lalo na ang ibang kasambahay niya!
Samantalang iyon mga babae sa bar kung saan unang beses ko siyang nakita ay panay naman ang ngiti niya! Hmp!
"Kung kasing gwapo ba naman ni Sir Luke ang pagsisilbihan nating dalawa tuwing umaga ay siguradong magiging good mood din tayo! Kaso, peyborit niya talaga itong si Sharina." sabi pa ni ate Fe.
"Oy, hindi naman. Alam niyo namang hindi rin ako masyadong kinakausap ni Sir Luke." saad ko na pabulong.
"Kahit na. Ikaw nga lang ang hinahayaan ni Sir na maglinis at pumasok sa kuwarto niya kahit wala siya. Ikaw din ang gusto niyang maghanda lagi ng breakfast niya. Oh, saan ka pa? Ikaw ang huli niyang nakikita kapag umuuwi siya tapos ikaw pa ang una niyang nakikita kapag umaga."
Lumapad ang ngiti ko sa sinabing iyon ni Ate Fe. Kinikilig na naman tuloy ako bigla!
Nasabi niya iyon dahil parang personal maid na nga ako ni Sir Luke. Siya din naman ang nagdesisyon niyon mula nang pumalit ako sa Auntie Terry ko dahil nga ang Auntie Terry ko daw talaga noon ang nag-aasikaso sa kanya, at siguro ay tiwala siya sa akin dahil pamangkin ako ng dati niyang mayordoma.
"Oh, tingnan mo ang babaing 'to. Kilig na kilig. Sana all na lang!" sabi naman ni Ate Jen.
Lalo lang lumapad ang pagkakangiti ko at parang aabot na nga ang gilid ng lips ko sa tenga ko!
Tama ang mga sinabi nila.
Ang pagsilbihan talaga si Sir Luke ang pinaka-trabaho ko sa kanya. Samantalang ang ibang kasambahay ay mas nakatoka sa paglilinis ng buong bahay at pagluluto ng pananghalian ng lahat at ng dinner, tumutulong-tulong na lang ako sa kanila.
At kaya rin ako nakakalamang sa kanila sa pagpapapantasya sa amo namin ay dahil sa arrangement na iyon na si Sir Luke lang din ang nagpasya.
Bihira silang makapasok sa kuwarto ni Sir Luke para maglinis at nangyayari lang iyon kapag sobrang busy ako o kaya ay day-off ko.
At kapag gabi naman ay sinasadya kong abangan ang pag-uwi ni Sir Luke kahit hindi niya iyon iniutos. Hindi lang para pagsilbihan siya kung sakaling may kailagan pa siya kundi dahil na rin sa masama kong balak sa kanya.
"Ke bata-bata pa, lumalandi na!" pabirong sabi naman ni ate Jen na ikinatawa lang naming tatlo.
"Grabe kayo sa akin mga ate, ha. Nagtatrabaho lang naman po ako!" pabiro ko ring sagot na muli nilang ikinatawa.
"Sus, kunwari ka pa. Pero alam mo, Sharina, sa ganda mong yan ay may pag-asa ka!"
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni ate Fe.
Maganda raw ako, at sinasabi niyang may pag-asa ako kay Sir Luke?!
"Tama! Tapos matangkad pa. Pwede ka ngang mag-model eh."
Napangiti at napailing na lang ako sa kanila. Sa height kong 5'4 ay mas matangkad talaga ako sa kanila.
"Baka model ng walis." natatawang biro ko.
"Naku! Kung kasing ganda at seksi lang ako ni Sharina ay baka nagbibilang na lang ako ng jowa ko! Pili dito, pili doon. Siguradong hindi maglulumot ang perlas—"
"What's the fuss all about?"
Natigil kami sa pagbibiruan at pagtatawanan nang biglang sumulpot ulit si Sir Luke dito sa kusina! Isa-isa niya rin kaming tiningnan ng matalim, at dahil panghuli ako sa tiningnan niya ay sa akin siya napatitig. Napalunok ako dahil parang galit siya..? Naingayan ba siya sa amin at naistorbo ang pagkain niya? Pero medyo malayo naman itong mismong kusina sa dining area.
"Eh, Sir... nagbibiruan lang po kami." Saad ni Ate Jen na siyang nagsasalita kanina bago ito dumating.
"O-Opo, Sir." panabay na sagot din namin ni Ate Fe.
"Pss. Ang aga-aga, nagtsi-tsismisan kayo. Go back to work! And you, Shari, clean my bathroom right now."
Tumalikod na rin agad siya sa amin pagkasabi niyon.
Nagkatinginan na lang kaming tatlo na nanlalaki ang mga mata at pinigilang mapahagikgik.
Naku! Ang suplado talaga ng lab ko! Mabuti na lang—
"Aren't you going to follow me?"
Napatayo ako ng tuwid at napatingin kay Sir Luke na tumigil pala sa paghakbang at lumingon pa sa akin. Nakakunot na ang noo niya at parang naiinip.
"O-Opo, susunod na po!"
Saglit ko pang sinulyapan ang dalawa at muntik pa akong matawa nang palihim na kumindat sa akin si ate Jen.
Nagmadali na ako sa paglalakad at sumunod sa amo naming gwapo pero napakasuplado.