BAGONG LIPAT lang si Maria De Luna sa bahay ng fiancé nito. Dahil galing siyang probinsiya ay talagang bago sa kaniya ang maingay at makulay na buhay sa Maynila.
Kagabi ay pauwi na siya galing sa paghahanap ng trabaho ng madaanan niya ang isang wedding reception ng married couple na parehong babae. Sobra siyang nagulat sa nasaksihan sapagkat kahit batid niyang may mga ganoong klaseng relasyon ay hindi bukas na pinapayagan sa Nayon na kinalakihan niya ang gan'ong pagdiriwang.
Dahil sa kaniyang pagkamangha kagabi ay nahuli at inaya tuloy siya sa reception ng isang estrangherang babae na nagpakilala sa kaniya bilang si Lance. Hindi niya rin mawari kung bakit pumayag siyang sumama dito, marahil dala nadin ng kanyang kuryosidad.
Akala niya'y suplado at suplada ang lahat ng tagalog ngunit may iba din palang magigiliw tulad ni Lance na kinaibigan siya at ipinakilala rin siya sa mga kaibigan nito kabilang ang bagong kasal.
"G'morning Babe." sabay dampi ng isang halik sa pisngi ni Maria mula sa kaniyang fiancé na si Bryan. Sumunod ang mahihigpit na yakap ng matipunong bisig nito sa kaniyang maliit na bewang habang naghahanda siya ng almusal nila sa hapag.
"Good morning din babe." pumihit paharap si Maria na niyakap din ang fiancé. "Tara kain na tayo."
Habang kumakain ang magkapareha ay hindi na naiwasan pang magkwento ni Maria tungkol sa mga taong nakilala niya kagabi.
"Ay babe, alam mo ba kagabi yung Café diyan sa kanto. Naku kay babait ng mga tao, nakipagkilala sila sa akin." Napatigil sa pagnguya si Bryan. "Ha? What Café?"
"Sa kanto, yung parang hardin yung harapan niya." deskripsyon ni Maria.
"Ahh, yung Vegan Café. Really? Edi mabuti 'yan hindi ka na maiinip dito dahil may mga kaibigan ka na."
"Kaya lang- " tila nag-alangan pa si Maria kung sasabihin ba niya ang sekswalidad ng mga ito. Naghihintay si Bryan kaya itinuloy niya ang sinasabi ng may ngiti. "Mga tomboy sila, p-pero hindi naman lahat bihis lalake. Yung mga tomboy na bihis babae parin? Ang gaganda nga nila eh." ani Maria.
Biglang natawa si Bryan. "Mga Lipstick Lesbians 'yon babe."
"Ah... Yun pala ang tawag sa kanila."
"Normal nalang ang mga gay at lesbians dito." wika ni Bryan.
Matapos ang almusal ay umalis na si Bryan patungo sa trabaho, muling naiwan si Maria sa bahay. Hindi pa man sila kasal ay tila full time housewife na ang gawain niya sa araw-araw, pero kung minsan nagsasawa na din siya kaya pinipilit niyang makahanap ng trabaho.
Maaga niyang natapos ang mga gawain kaya nagpasya muli siyang lumabas, pero sa kaniyang pagdaan sa Green Witch Café ay hindi niya mapigilan ang sariling sumilip dito. Paglapit niya sa counter ay agad siyang nakilala ni Mother Mohini.
"Oh, Maria right? Good morning din." pagbati nito.
"Ah, Magandang umaga din po. Ahm... isa nga po nung soya frappé." pag-order niya na binasa ang unang nakita sa menu banner.
"Malapit ka lang ba dito?" tanong ni Mother Mohini habang ginagawa ang kaniyang best seller vegan drink. Mahiyain na ngumiti si Maria "Opo. Ang totoo niyan bago palang po ako dito."
Agad namang pumukaw ng atensyon nila ang bagong dating na babae "Kamusta Ganda?" pagbati nito na tinutukoy si Maria. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan ng muling makita si Lance.
"H-hi. G-gusto ko kasing subukan yung mga inumin dito. M-mukha kasing masarap at malapit lang." nauutal na ani Maria.
Agad na humagod ang tingin ni Lance sa katawan ni Maria. Napakagat-labi nalang siya sa makinis at pantay na morenang balat nito.
"Coffee babe." naibulong ni Lance.
"Ha?" ani Maria.
"Wa-wala, sabi ko yung coffee dito masarap talaga." palusot ni Lance.
"Here's your frappé dear." ani Mother Mohini na iniabot kay Maria ang frappé. Pagkabayad nito ay nagpaalam na agad siya sa owner ng café ng sinundan siya ni Lance palabas.
"May group meet-up pala akong pupuntahan mamaya, malapit lang din dito. Baka lang gusto mong pumunta kung wala kang ginagawa." imbitasyon ni Lance.
"Ah-eh titingnan ko." ani Maria.
"May ballpen ka d'yan?" tanong ni Lance.
"Saglit." Agad naman na tinulungan ni Lance si Maria, hinawakan niya muna ang frappe nito para makuha ni Maria ang ballpen niya sa bag.
"Eto oh." Inabot ang ballpen kay Lance, at ibinalik naman ni Lance sa kaniya ang frappé niya.
Pinindot ni Lance ang puwitan ng ballpen at kinuha ang kamay ni Maria sabay sulat sa palad nito. May kakaibang naramdaman si Maria sa sandaling 'yon. Pakiramdam na hindi niya pa nararamdaman sa kahit na sino. Nakatitig lang siya sa nakatungong mukha ni Lance sa palad niya.
"Bakit ang pogi niya? Magandang pogi." Wika ni Maria sa kanyang isip.
"Ayan yung address 'pag naisipan mong pumunta. Isinulat ko na din number ko kung gusto mong magkita nalang tayo dito para sabay na tayong pumunta d'on." ani Lance na may ngiti sa labi.
"Ah sige. Titingnan ko, salamat." agad na tumalikod na si Maria. Pinipilit iiwas ang mga mata niya kay Lance na tila naiilang.
"Maria!" tawag ni Lance.
"Jusko wag kang lilingon!" kumbinse niya sa sarili niya pero hindi rin niya natiis ito at lumingon.
"Ballpen mo." ani Lance na inabot ang ballpen ng binibini.
Isang awkward na ngiti. "S-salamat." ani Maria na agad kinuha na ang ballpen sa kamay ni Lance at nagmadali ng umalis. Natawa naman si Lance at napailing nalang habang pinapanuod ang naglalalakd palayong si Maria.
* * *
*Tok tok tok!
Hindi mapakali si Maria ng marinig na ang mga katok na 'yon sa pinto. Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin bago tuluyang binuksan ang pintuan.
"H-hi sorry sa abala nagpasundo pa ako." ani Maria.
Na-estatwa naman si Lance sa pagbungad sa kaniya ng binibini. Nakabihis ito ng dress na above the knee, revealing its beautiful slender legs. Medyo nahiya si Lance ng mahuli siya nitong titig na titig sa kaniyang binti.
"Ahm wala 'yon, tara na." ani Lance na kunwari'y wala lang ang naging pagtitig niya.
Habang naglalakad na sila ay hindi mapakali si Maria hawak ang kaniyang phone. Iniisip niya kung dapat ba niyang ipaalam ang pupuntahan kay Bryan. Pero hanggang sa makarating sila ni Lance sa venue ay hindi na niya nagawa pang i-text ang fiancé.
Bumungad kay Maria ang malawak na sala, punong-puno ito ng mga babaeng sa palagay niya ay katulad din ni Lance na lesbiana. Maingay at amoy sigarilyo ang lugar, may mga umiindak sa musika at mga naghahalikan sa isang sulok. Sobrang nawindang si Maria sa kaganapang iyon.
"Okay ka lang ba?" ani Lance.
"Ah, oo." pagsisinungaling nito.
"Hey!" pagbati ng isang maliit na babaeng nakakahawa ang ngiti. May hikaw ito sa kilay at dila. Inabutan niya ng lata ng beer si Lance. "Kumusta? At sino pala 'tong magandang kasama mo?" Mas mababa siya ng kaunti kay Maria kaya cute talaga itong tingnan. Hilig niyang laruin ang hikaw sa dila niya.
"Siya si Maria. Maria si Bhiang, kaibigan ko din. Siya ang founder ng Les Pinas." pakilala ni Lance.
Agad na kinamayan ni Bhiang si Maria. "Hi! Bianca nga pala, pero Bhiang nalang." Hindi natinag ang malagkit na tingin nito sa binibining probinsyana habang kinakamayan ito.
"Maria De Luna." pagbanggit nia sa buo niyang pangalan na may halong kaba dahil sa pagdaop ng palad niya kay Bhiang ay may maliliit na kuryenteng kumiliti sa damdamin niya. Agad din na nagpaalam si Bhiang sa dalawa para i-entertain ang iba pang bisita, ngunit sa malayo ay napapansin ni Maria ang pagsulyap ni Bhiang sa kaniya.
"Oh. Wag kang mag-alala juice lang yan binibini." ani Lance na inabutan si Maria ng pineapple juice.
"Salamat."
Matapos lumagok ng inumin ay muling pinagmasdan ni Maria ang paligid. "Bakit wala yata dito yung mga kaibigan mo sa reception." pansin ni Maria.
"Ah sina Ate? Nasa honeymoon. Sina Wil at Jack naman 'di sila mahilig sa ganito. In short, boring ang mga 'yon." tumatawang ani Lance.
Biglang naalala ni Maria ang sinabi kanina ng kaniyang fiancé kaya naisipan niyang usisain si Lance.
"L-lahat ba kayo dito Lipstick Lesbians?"
"Lipstick?" biglang natawa si Lance.
"Bakit ka tumatawa?" ani Maria na parang nainsulto.
"Sorry-sorry, sobrang luma na kasi ng term na 'yon. Tawag na namin ngayon sa mga feminine lesbians ay Femme." ani Lance.
"Femme." pabulong na pag-ulit ni Maria.
"Hindi lahat Lesbians dito, may mga Bisexuals din."
"Bisexual?" kunot-noo ni Maria.
"Yung nagkakagusto sa babae at lalake. Bi sila." paliwanag ni Lance.
"Ah okay." muling humihop ng juice si Maria na tila ina-absorb pa ang mga sinabi ni Lance.
"Ikaw?" tanong nito na halatang ikinabigla ni Maria "Anong ako?"
"Anong s****l orientation mo." paglilinaw ng tanong ni Lance.
Napababa ng tingin sa kaniyang sariling kamay si Maria, alanganing siyang natawa "Babae. Babae naman ako." sagot nito na dahilan ng pagtawa ni Lance. "Lahat tayo dito babae. Biological gender ang sinasabi mo. Iba ang s****l orientation. Sa anong kasarian ka ba nagkakagusto?" muling tanong nito pero tila hindi na siya narinig ni Maria. Napatingin ito sa malayo at nahuli niyang nakatingin ang kaibigan na si Bhiang kay Maria. Mukhang bet din nito ang morena babe niya.
"Excuse me, saan ang C.R?" ani Maria na tumatakas sa tanong ni Lance. Itinuro ni Lance ang C.R. nag-offer na samahan si Maria pero tumanggi ito. Dali-daling pumasok si Maria sa palikuran. Isang buntong hininga ang kaniyang pinakawalan sa harap ng salamin habang naghuhugas ng kamay.
"Anong lugar ba 'tong pinasok ko, juice colored." sambit niya sa sarili.
Inayos niya ang kaniyang lipstick at saka binuksan ang pinto upang lumabas na ngunit laking gulat niya ng harangin siya ni Bhiang. Itinulak siya nito paloob at ni-lock ang C.R. Na-corner siya sa gilid ng pintuan.
"A-anong ginaga-" hindi na naituloy pa ni Maria ang sasabihin sa pagdikit ng labi nito sa labi niya. Ramdam niya ang pagpasok ng mainit na dila nito sa kaniyang bibig. Maging ang katawan niya ay nag-init, ang kaninang pagpalag niya ay napalitan ng pagsuko. Namalayan nalang ni Maria ang sariling gumaganti sa mga halik ni Bhiang.
"Ano, masarap?" tanong nito na may mapang-akit na tingin.
Hingal na hingal si Maria pagbitaw sa halik. Hindi niya akalaing sa buhay na mamomolestya lang siya ng kapwa niya babae. Itinulak niya si Bhiang palayo. "Bastos!" bulyaw niya dito sabay takbo palabas ng C.R.
Nakita agad siyang sumusugod palabas ni Lance kaya agad siyang nilapitan nito.
"Maria, saan ka pupunta?" ani Lance.
"Uuwi na ako." balisang ani Maria.
"Bakit? May bumastos ba sa'yo dito? Sabihin mo sino? Akong bahala sa'yo."
"W-wala, kailangan ko nalang talaga umuwi." aniya.
"Ihahatid na kita."
"Hindi na kailangan." tanggi ni Maria.
Inis na inis na nilisan ni Maria ang lugar na iyon. Inis na inis siya sa sarili niya dahil nagustuhan niya ang ginawa sa kaniya ni Bhiang.
Itutuloy...