Questions Quiniella's POV "BAKIT mo naman ako hinatak dito? Hindi ba't dapat nakikipaghalubilo ka sa kanila?" nagtataka kong tanong na ikinaismid naman ni Mido. "Ayaw kong kasama sila," sagot niya na aking ikinabuntonghininga. "Anong ayaw ko ka r'yan? Tara na't oras na hindi ka pumunta ro'n at makipaghalubilo sa kanila'y hindi na kita tatabihan kahit kailan," pananakot ko sa kaniya. Tila naman nabahag ang kaniyang buntot at nakita kong natatakot siya dahil hindi siya mapakali kaya't lihim akong natawa. Nakabusangot siya na parang bata kaya't hindi ko napigilang kurutin ang kaniyang pisngi na ikinadaing niya. "Ouch! Bakit mo naman ako kinurot? Are you mad of me, Baby?" Pansin kong napasimangot siya habang hinihimas ang kaniyang namumula niyang pisngi. Hindi ko masyadong naintidihan a

