Caught Quiniella's POV NANG puwede na 'kong lumabas mula sa hospital kaya naman si Mido ang aking inasikaso. Naging successful kasi ang operasyon niya at halos gabi-gabi rin akong nagdarasal para sa ligtas na operasyon niya na dininig naman. Bukas pa 'ko makadadalaw lalo na't sinabihan ako ni Madam Natasha. "Apo, kailangan mo munang magpahinga. Huwag mo munang intindihin si Mido lalo na't nando'n naman si Lagmar. Basta't magpalakas ka para maging malusog kayong dalawa ng apo ko sa tuhod," bilin nito sa kaniya. Bumaling naman ito sa katabi kong si Paula. "Huwag na huwag kang aalis sa kaniyang tabi, Paula. Matatagalan pa kami sa hospital at ikaw na muna ang bahala pati na rin si Patricia rito sa mansyon. Alam mo naman na may sariling mundo ang pamilya ni Mizo kaya't huwag ninyo

