Baby Quiniella's POV NAGPUPUNAS AKO ng mga gamit ni Mido sa loob ng kaniyang silid hanggang sa may nahagip akong picture frame na mula sa sulok ng cabinet. Yumuko ako at saka kinuha 'yon. Pinakatitigan ko ang larawan na nasa picture frame at nakita kong si Mido 'yon na may kasamang babaeng napakaganda. Marahil ay ito ang Ex-Girlfriend niya na ngayon ay asawa na ng kapatid niya. Napabuntonghininga ako at nakaramdam ng kalungkutan dahil mismo ang kaniyang kapatid ang naging karibal sa isang babae. Hanga ako sa kaniyang katatagan ng loob dahil hindi ko naman siya naririnig na sambitin ang mga tungkol do'n at ngumingiti na rin siya kahit papaano. Naputol ang aking pag-iisip nang may yumapos mula sa 'king baywang mula sa likuran ko. Unti-unting tumaas ang mga kamay niya hanggang sa mapadpa

