The Story
Quiniella's POV
KUMATOK ako sa napakagandang pintuan sa mansyong nasa harap ko at agad 'yong binuksan ng sa isang unipormadong babae na halos kaedaran ko lang.
"Ahm. . . Magandang hapon, ito ba ang bahay ng mga Aldemejo?" tanong ko at sinipat naman ako nito nang tingin mula ulo hanggang paa na ikinailang ko.
"Dito nga po, ano po'ng maipaglilingkod ko sa inyo?" sambit nito at kinakalkal ko naman ang loob ng aking bag at inilabas ang isang sobre na naglalaman ng sulat para ibigay dito. Tinanggap naman nito 'yon at binuksan para basahin at nakita pong nanlaki ang mga mata nito at agad akong pinapasok sa loob.
"Ikaw pala ang sinasabi ni Madam, Ma'am. Pasensiya na po. Ako po pala si Paula, ang kasambahay at katiwala ni Madam Natasha," hinging paumanhin nito sa 'kin.
"Okay lang, Paula. Ako nga pala si Quiniella. Huwag mo na 'kong tawaging Ma'am dahil mukhang mag-edad lang naman tayong dalawa at puwede ba magtanong? Masungit ba ang apo ni Madam Natasha?" medyo naiintrigang tanong ko rito na talagang ikinakaba ko nang todo.
"Hmm. . . Sa katunayan ay dalawa talaga ang apo ni Madam Natasha. Sina Sir. Mido at Sir. Mizo, kambal silang dalawa. Mabait naman sila , dati ay napakasaya ng masyon na ito at laging tumutugtog ng piano si Sir. Mizo na sinasabayan naman nang pagtugtog ni Sir. Mido ng violin pero nagbago ang lahat nang 'yon," sagot nito.
"Bakit nagbago? Ano'ng nangyari?"
"Kasi tumutugtog ang magkapatid dito sa mansyon noon lagi para mapasaya ang kanilang pamilya lalong-lalo na si Madam Natasha. May sumasabay na kanta sa kanilang himig at siya ay si Ma'am Ezra, ang apo ng kumare ni Madam na hindi kalauna'y napalapit sa magkapatid. Sina Sir. Mido at Ma'am Ezra ay naging magkasintahan at nakatakda na silang ikasal ngunit naudlot nang dahil sa isang insidente na pakana ni Sir. Mizo para masira ang relasyon ng dalawa. Nabuntis si Ma'am Ezra ni Sir. Mizo na naging sanhi ng paglayo ng loob ni Sir. Mido na sobrang napakabait dati. Himala rin nang nakipagrelasyon siya sa isang modelo na nabuntis niya pero napakalupit ng babaeng 'yon dahil ipinalaglag ang bata. Naging malungkutin si Sir. Mido at laging naglalasing habang nagmamaneho kaya't nasangkot siya sa isang aksidente na nagpabago sa kaniyang buhay," pagkukwento nito at napabuntonghininga. "Naging sanhi ang aksidente na 'yon ng kaniyang pagkabulag at ayaw niyang mag-opera kahit pinipilit siya ni Madam. Nawawalan na kasi siya ng inspirasyon na mabuhay lalo na't sawi lagi sa pag-ibig.
Naawa naman ako kay Mido dahil parang pinagkakait na lang sa kaniya ang pagmamahal at ang mundo.
"Hmm. . . Pero nasaan na ang kambal niyang si Sir. Mizo?" tanong ko.
"Balita ko'y nasa Ireland na siya kasama si Ma'am Ezra at ang kanilang mga anak. Binabantayan nila ang Mommy ni Ma'am Ezra dahil may sakit at nangungulila sa anak na nawawala," sagot nito.
Naputol ang aming usapan nang nakarinig kami nang sigaw sa itaas at sinundan pa nang pagbagsak. Nagulat kami ni Paula kaya't tumakbo ako sa pinanggalingan ng boses. Si Paula nama'y nawala at may tinatawag sa may kabilang parte ng mansyon. Hingal na hingal ako dahil sa haba ng tinahak ko. Agad kong binuksan ang pintuan kung saan naririnig kong may umuungol sa sakit. Pumasok ako at agad sumalubong sa 'kin ang kadiliman kaya nama'y kinapa ko ang pader para matukoy kung saan ang switch ng ilaw at nang mahanap ko'y pinindot ko 'yon. Tumambad sa 'king paningin ang isang lalaking hubad baro na nakadapa sa sahig. Dali-dali ko siyang nilapitan at sinipat kung may galos dahil panay ang ungol niya na parang nasasaktan.
"Uy! Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ko at marahang tinapik-tapik ko ang kaniyang pisngi ngunit ungol lang ang aking narinig. Napansin ko na mainit siya kaya't pilit kong inakyat siya sa kaniyang kama para mahiga. Pawis na pawis ako nang dahil do'n lalo na't medyo mabigat siya at maskulado rin ang pangangatawan.
Nagtungo ako sa banyo para kumuha ng pampunas at tubig para maibsan ang init na kaniyang nadarama. Nang nakuha ko ang 'yon ay muli akong bumalik sa kama at sinimulang punasan siya sa mukha, leeg at braso. Ngayon ko lang napagmasdan nang mabuti ang kaniyang itsura at napakagwapo niya. Namula naman ang aking pisngi at napakagat ako sa 'king labi. Sandali kong iwinaglit ang aking pagpapantasya sa kaniya dahil kailangan niyang maalagaan. Kumuha ako ng damit para suotan siya ng pang-itaas at binihisan. Inayos ko rin ang kaniyang kumot para makapagpahinga siya nang maiigi. Hinimas-himas ko ang kaniyang buhok at gano'n ang naabutan nina Paula at ng mga kasama nito na matandang lalaki at babae.
"Naku! Mukhang maayos naman ang kalagayan ni Sir. Mido, ah." sabi ng matandang lalaki at tinignan ako nito nang maiigi.
"Aba! Sino ka, Ineng? Ano'ng ginagawa mo sa kwarto ni Sir. Mido?" tanong ng matandang babae sa 'kin.
"Nanay, huwag mo naman takutin si Quiniella. Sugo ho siya ni Madam para kay Sir. Mido para naman hindi na siya maging malungkot sa kadiliman dahil siya ang magsisilbing liwanag sa dilim. At saka hindi na rin magiging si Sir. Mido dahil patatamisin niya ito. Ay! Ang sweet!" bulalas ni Paula na ikinapula ng aking pisngi sa hiya.
"Ano ire? Huwag mo nga kaming lolokohin at baka mapalo kita nang walis sa pwet, Paulita!" asik ng matandang babae kay Paula na akala mo'y bulate dahil na rin siguro nahihiya sa sinasabi nito.
"Aruy! Nay, tama na ho at nakakahiya," usal ni Paula at nagtatakbo palabas ng kwarto. Naiwan tuloy kami ng mga matatanda na kanina pang nakatitig sa 'kin.
"Ikaw siguro ang sinasabi sa 'min ni Madam? Maligayang pagpunta rito sa mansyon. Ako nga pala si Patricia at heto naman ang asawa ko na si Lagmar. Menopausal baby naman naming dalawa si Paulita. Pasensiya na't medyo makulit talaga ang batang 'yon."
Ngumiti naman ako. "Wala po 'yon. Binilin na rin po kasi ni Madam Natasha ang kaniyang apo kaya kailangan ko po siyang alagaan nang maayos."
Tumingin ako kay Sir. Mido na tulog na tulog at nakarinig ako na tila may bumuntonghininga.
"Alam mo, Ineng? Mabait 'yang si Mido kaso nga lang ay madaling maloko sa pag-ibig. Ang huling relasyon niya ang pinakadinibdib niya dahil na rin sa anak na hindi man lang nabuhay. Kaya sana gawin mo ang makakaya mo na gawing masaya ang lalaking natutulog na 'yan. Nalulungkot kami sa nangyari sa kaniya at ayaw pa niyang magpa-opera na ikinaatake sa puso ni Madam kaya't hindi ito tumutuloy sa mansyon. Ulila na silang dalawa ni Mizo at tanging si Madam na ang nagpalaki sa kanilang magkapatid. Umaasa kami sa 'yo na sana magbago ang kaniyang isip," naiiyak na turan ni Manang Patricia na ikinatango ko. Gagawin ko ang lahat para makatulong ako sa kaniya.