Chapter 4 ✓

710 Words
Love Story Quiniella's POV NAGKATINGINAN kaming dalawa ni Paula. Kinakabahan din ang itsura nito kagaya ko. Tumikhim muna 'ko bago magsalita. "Ahm. . . Sinabi sa 'kin ni Madam Natasha na alagaan kita nang mabuti dahil nag-aalala siya sa 'yo at para na rin magkaroon ako ng trabaho kaya't tinanggap ko na. Hindi bat naikwento ko na sa 'yo ang tungkol dito nang dahil kay Paula? Sayang din kasi at puwede akong makaipon at makapasiyal sa gusto kong lugar lalo na't may dalawang araw akong day-off, hindi ba, Paula?" sambit ko at siniko si Paula para sumang-ayon sa sinabi ko. "Ay! Opo, Sir. Mido! Tama ang sinabi ni Quiniella," bulalas nito na ikinatango naman ni Mido at hindi na muling nagtanong pa. "Paula, kunin mo na ang mga labahan ko sa loob ng banyo. Puwede bang pakitanggal na rin ang lahat ng may zipper kong shorts. Umorder ka ng mga de-garter o stretchable waistband shorts," pag-uutos niya na agad namang sinunod ni Paula. Pulang-pula naman ang aking mukha nang naalala ko kanina ang nangyari kanina sa loob ng banyo. Lumabas din kalaunan si Paula na bitbit ang basket ng labahan ni Mido habang nakangisi. Napakagat ako sa 'king labi dahil alam kong inaasar nito ako dahil sa nakita sa loob ng banyo. --- "ALAM MO, ang pinakamasiyahing bata noon ay si Mido? Sana'y bumalik ang dating siya at umaasa kaming matutulungan mo kami sa dilemma na 'yan," pagkukwento ni Madam Natasha mula sa kabilang linya. Kausap ko siya ngayon sa telepono sa loob ng aking kwarto. "Gagawin ko po ang lahat, Madam. Malaki rin po ang utang na loob sa inyo at hindi ko po kayo bibiguin," sambit ko at napakagat ako sa 'king labi. May gusto pa kasi akong sabihin pero baka hindi niya 'ko paniwalaan. “Madam?" "Ano 'yon, Quiniella?" tanong niya na nagparigidon ng aking dibdib. Napabuntonghininga ako. "Madam Natasha, nagugustuhan ko na po ang apo ninyo. . ." Napapikit ako at baka magalit siya sa 'kin o hindi kaya'y pagtawanan ako. Alam kong wala naman akong maipagmamalaki dahil wala 'kong narating sa buhay at lagalag lang ako. Nagulat naman ako nang tumili siya mula sa kabilang linya. "Naku! Magandang balita 'yan, Quiniella. Sabi ko na nga ba't may himalang puwedeng mangyari na may magkagusto pa rin sa apo taliwas sa kaniyang kalagayan. Paano naman makitungo ng apo ko sa 'yo? Is it good or bad?" aniya. "Hmm. . . Napakabait niya po sa 'kin, Madam. Nagkukwento rin po siya sa 'kin ng kaniyang buhay at mahilig po siyang magpasama sa 'kin sa tuwing naglalakad-lakad po kami sa Hardin at sa bawat sulok ng mansyon."  Humalakhak naman siya."Ang apo ko'y manang-mana sa kaniyang ama na napakatorpe. Alam kong nagugustuhan ka niya't panatag na ang loob niya sa 'yong presensya. Sana'y mahintay mong magtapat siya sa 'yo." Napangiti naman ako pero nakaramdam ako ng takot na baka kung kailan malaman ni Mido ang katotohanan ay lumayo siya sa 'kin. "Sige po, Madam. Makakaasa po kayo. Maraming salamat po," usal ko at nagpasalamat din siya sa 'kin at saka ibinaba ang tawag. Napabuntonghininga ako at natatakot ako na karmahin ako sa ginagawa kong ito. Humiga na lang ako sa 'king kama at pumikit. Sumasakit ang aking ulo dahil sa pag-iisip na mas nakakabaliw kaysa sa problema ko noon. Paano ko ba mapapaibig ang katulad ni Mido?  Mayaman siya samantalang ako nama'y walang-wala. Paniguradong hindi niya magugustuhan ang katulad ko. Sana sa susunod na buhay ko'y hindi ako ganito kahirap. Napapagod din ako at gusto ko rin naman na lumigaya kahit papaano. Napaluha ako, ayaw ko naman na layuan ako ng taong nagugustuhan ako. Siya na lang ang mayro'n ako at masaya ako na nakikita ko siyang nagkakaroon ng pag-asa na mabuhay. Kagaya ko'y gusto ko rin na maging masaya siya at handa akong ibigay 'yon ngunit natatakot ako na ako rin ang maging rason na mawala ang kaniyang tiwala sa 'kin. Pasensiya na, Mido. Oras na malaman mo kung ano ba talaga ang rason kung bakit mo kasama'y huwag ka munang magagalit sa 'kin at hayaan akong magpaliwanag para malinawan ka. Para sa kapakanan mo naman kung bakit ito at 'yon ay ang bumalik ka sa dati at magpaopera ng mga mata mo para maipagpatuloy mo ang buhay mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD