"Are you following me?" halos sumingkit ang mga mata ni Ice nang dahil sa lalaking kalalabas lang ng unit 402 sa condo na tinutuluyan na. It's been a week since lumipat siya temporarily. Or should she say until ma-settle ang paghihiwalay nila ni Enrique. "Me?" lingon likod na saad ni Jonas. Hindi na nagugustuhan ni Ice ang palagian niyang encounter sa binata. Halos isang linggo rin nang makita niya ito at iyon ay noong nasa resort pa siya. "Do you see anyone here aside from us?" nakapameywang na saad ni Ice. Kailangan na yata niyang pagsabihan ang lalaking ito. At ipapapulis na niya ito sa pang-i-stalk sa kanya. "I'm not following you." malalim ang boses na saad ni Jonas. Kumibit pa ang balikat niyo na wari ay walang alam sa sinasabi ng dalaga. "It's too obvious, you know. Don't tell m

