"Ice, alam ko na may asawa ka na. Alam ko na may puwang ako sa puso mo. Handa akong maghintay kung kailan mo ako pagbibigyan." basa ni Ice sa sulat ni Rosser. Makulit din talaga ang taong iyon. Alam naman niya hindi magagawa ni Ice na makipagrelasyon sa kanya pero mapilit pa rin siya.
"Oh bakit gising ka pa?" balikwas ni Enrique nang mapansing gising pa ang asawa. Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw ni Ice habang nakatingin sa bintana ng kwarto nila ng asawa.
Naramdaman niyang bumangon ito pero hindi pa rin niya ito pinansin. Hanggang yakapin siya nito mula sa likuran. Dagling tumulo ang luha sa kanyang mga mata nang yakapin siya ni Enrique. Hinding-hindi niya malilimutan ang araw na iyon. Akala niya nakamove on na siya. Pero hindi pa pala.
Hindi niya tinugon ang yakap nito sa halip ay umalis siya sa pagkakayakap nito at dumeretso sa banyo. Agad na ini-lock ang pinto pagkapasok dito. Naiiling namang bumalik ng kama si Enrique. Alam niyang nasaktan niya ito pero pinipilit niyang magbago pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito napapatawad?
Hindi nakalampas sa mga paningin niya ang sulat na nasa lapag. Marahil ay nahulog ito ni Ice nang kumawala siya sa pagkakayakap niya rito. Naisip niya. Agad siyang tumayo at kinuha ang sulat. Nanlamig ang buong katawan niya sa nabasa.
Kaya ba hindi siya matanggap ng buo ng asawa? Kaya ba hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito napapatawad? Agad niyang itinabi ang sulat nang maramdaman niyang palabas na si Ice. Nagkunwari siyang tulog at ramdam niyang tila hindi mapakali si Ice. Tila may hinahanap ito na hindi matagpuan.
Hawak na niya ang ebidensya sa mga kamay niya pero bakit hindi niya makompronta ang asawa? Saad ng isip niya. Naramdaman niyang nahiga na si Ice kaya naman ipinagpatuloy niya ang pagkukunwaring pagtulog. Marahil ay napagod na ito sa paghahanap ng bagay na hindi na niya mahahanap pa.
Nang alam ni Enrique na nahihimbing na ang asawa ay muli niyang inilibas ang sulat. Tagos sa puso ang sakit na nararamdaman niya. Muling sumilip ang mumunting luha na kanina pa niya pinipigilan. Bumangon siya sa kinahihigaan at tumungo sa sala upang doon ilabas ang sakit na nararamdaman.
Kung sana lang ay hindi niya sinunod ang mga magulang at hinintay na mahalin siya ni Ice ay hindi sana ganito ang takbo ng relasyon nila. Maituturing na mataas ang posisyon niya sa sariling kumpanya pero wala siyang ranggo pagdating sa asawa. Kaya rin hindi nito pinili na magtrabaho sa opisina nito kahit pa binibigyan niya ito ng posisyon sa kumpanya.
"Alam kong hindi mo mahal si Enrique at hindi mo siya minahal. Pero bakit hindi mo man lang ako mapagbigyan. Mahal kita, Ice. Mahal na mahal." daig pa ng luha niya ang mga patak ng ulan sa labas. Tila nakikiayon sa nararamdaman niya.
Hindi niya kinusot ang papel. Makalipas ang ilang oras ay bumalik na siya sa higaan at isiningit ang sulat sa gilid ng kinauupuan ng asawa kanina. Hahayaan niyang isipin nito na naisiksik niya ito sa upuan upang hindi makita ni Enrique.
Kinabukasan ay maagang nagising si Enrique. Hindi siya nakaramdam ng antok kahit kakaunti pa lamang ang kanyang naitulog. Nagluto siya ng almusal nila ni Ice. Ngunit nagulat siya nang makitang nakabihis na ito nang lumabas ng kwarto.
"May lakad ka ulit? San ka pupunta?" tanong niya pero nanatiling tikom ang bibig ni Ice. Muli niya itong kinulit ngunit wala siyang napala. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya. Hanggang kailan niya titiisin ang lantarang pangbabaliwala ni Ice sa kanya? Hanggang kailan niya titiisin ang buhay na dapat ay masaya?
"Hatid na kita." pagtitimpi niya. Ngunit nadampot na ng asawa ang susi ng kotse nito at tanging paghatid na lang sa pintuan ng mga mata ni Enrique ang nagawa nito.
Hindi naman alam ni Ice kung bakit siya pumayag makipagkita kay Rosser. Matapos ng usapan nila kahapon ay nagyaya itong magsine. Alam niyang nagkakasala siya sa ginagawa niya pero natangay siya ng sarili niya. Ayaw niyang kausap si Enrique. At ayaw niyang makita ito. Nadidiri siya. Pero ano nga ba ang ginagawa niya? Gagawa ng kasalanan para gumanti?
Naiiling siyang pinaharuruot ang sasakyan papunta sa tagpuan nila ni Rosser. Ngunit ilang minuto na lang bago marating ang tagpuan nila ay nagdesisyon siyang hindi tumuloy. Sa halip ay nagtungo siya sa isang lugar na siya lang ang nakakaalam. Ang lugar kung saan niya ibinuhos ang sama ng loob sa asawa.
Napakahirap ng sitwasyon nila pero hindi niya kayang makipaghiwalay rito. Kaya naman sa halip na iwan ito ay dito siya nagtutungo. Halos isa't kalahating oras din ang ginugol niya para makarating sa tabing dagat na ito. Madala ay may dala siyang damit para may magamit kapag dito siya tutungo. Agad na umarkila siya ng isang room para may pagpahingahan.
"Hi Ma'am. Kayo po ulit. Sana po pala hindi muna kayo umuwi kagabi. May naka-occupy po sa favorite spot mo." saad ng receptionist. Kilala na siya nito at alam na nito ang mga demands niya pagdating sa mga kailangan niya.
"It's fine. Just give me any. I won't mind." sabi nito. Tumango naman ito at agad na iniabot ang susi ng kwarto.
"Katabi lang naman po yan ng unit na madalas mong ioccupied." nakangiting saad nito sa kanya. Tinapunan niya rin ito ng ngiti saka nagtungo sa kwarto.
Malapit na siyang lumiko sa kwarto na uukupahin niya nang may makabangga siya. Halos hindi niya alam kung paanong hindi siya natumba. Dama niya ang init ng palad na nasa likuran niya at hininga ng taong nasa harapan niya. Nang napamulat siya ng mga mata ay saka niya nakita na may nakasalo pala sa kanya.
"Are you okay, Miss?" tanong nito. Tumango na lamang siya at agad na bumitiw sa pagkakahawak nito sa braso ng binata.
"I'm Jonas. And you are?" sa halip na abutin ang kamay ng binata ay nagpasalamat lamang siya saka tumungo sa pinto ng kwarto niya. Hindi niya napansin na nakasunod pala ito.
"I'm the one staying there." turo nito sa paboritong kuwarto niya. Sa halip na pansinin ay agad siyang pumasok sa kuwarto at sumilip.
"I'm sorry. I want to rest." pagkasabi ay isinara na niya ang pinto. Napakamot na lang sa batok si Jonas. Hindi niya akalain na suplada pala si Ice. Palagi niyang nakikita ito ay nacurious siya kung anong mayroon sa kwartong palagi nitong inuukupa. Kaya naman naisip niyang doon magstay.
Ilang beses na rin niya itong nakikitang umiiyak pero wala siyang lakas ng loob para kausapin ito. Hanggang sa naisipan niyang okupahin ang kwartong lagi nitong inaarkila. Maganda ang spot na ito at tanaw na tanaw ang dagat. Pati ang paglubog ng araw.
Agad namang nahiga si Ice sa kama. Saglit na pumikit at hindi niya namalayang nakatulog siya. Marahil ay sa pagod sa byahe. Sunod-sunod na doorbell ang narinig niya nang maalimpungatan siya. Agad siyang napasilip sa oras na nasa cellphone niya. Alas otso na ng gabi. Napahaba pala ang pahinga niya.
Alam niyang wala namang nakakaalam ng lugar na pinuntahan niya kaya nagtataka siya nang may mag doorbell. Sinilip niya kung sino ito at nang makitang ang lalaki pala sa kabikang kwarto ang naroon ay deadma lang sa kanya. Ngunit makulit ito. Hindi ito tumigil sa pagdoorbell kaya naman pinagbuksan niya ito ng pinto.
Tulala naman ito nang makita si Ice. Hindi ito agad nakaimik. Patuloy na pinagmamasdan ang kabuuan ng dalaga. Mula sa buhok nitong alam niyang kababangon lang sa higaan hanggang sa suot nitong tila hindi man lang nagusot sa pagkakahiga.
"What?" tanong ni Ice habang nakataas ang isang kilay. Naiirita siya kapag tinititigan siya lalo pa at hindi sila close. Nanghindi ito magsalita ay muling isinara niya ang pinto na ikinataranta ni Jonas. Agad itong muling nag-door bell at nang pagbuksan niya ay tila nasa ulirat na ito at nakangiti sa kanya.