Nagmamadali lng nagtungo si Enrique kay Doña Valeria para magpasaklolo. Paano'y dumating na ang kinatatakutan niya. Ang malaman ni Ice ang lahat ng itinatago niya. Itinatago nila. "La, she already knows." sambit ni Enrique sa lola niya. Pagkaalis ni Ice kanina sa bahay ay hindi na mapakali si Enrique. Pakiramdam niya ay may kakaiba. Lalo pa nang mapansin niyang balisa si Ice at agad na nagpaalam sa kanya na aalis. Agad niyang sinilip ang drawer na nasa tabi ng puwesto niya sa higaan. Palibhasa'y katabi lamang niya ito kaya siya lang ang naglalagay ng gamit dito. Noon ay parati niya itong ini-la-locked. Ngunit lumipas ang mga panahon na hindi na niya ugali ang i-lock ang drawer na ito. Kampante siya na hindi ito pakikialaman ni Ice. Na hindi malalaman ni Ice ang totoo. Ngunit nang mapans

