Matagal niyang pinag-isipan ito. Habang nakatitig sa salamin ay isang ngiti ang iginawad niya rito. Pagkatapos ay muli niyang tinitigan ang sarili. Halata ang pag-glow ng mukha niya at ang pagpayat niya. Marahil ay dahil sa mga nangyari sa buhay niya. Matapos niyang ayusin ang sarili ay naghanda na siya para magtungo sa opisina. Parang may nagrarambol sa tiyan niya sa kaba. Hindi naman dahil sa kung ano pa man. Kung hindi ay dahil sa hindi niya alam kung kaya pa ba niyang manatili sa kumpanya. Nagtipon-tipon sa function hall ang lahat ng empleyado ng Valendiez Company para sa isang malaking announcement sa meeting na ipinatawag ni Doña Valeria. Paano ay kumalat ang balita ng pagre-resign ni Ice sa kumpanya kahit na hindi ito inaprubahan ng Doña. Ilang buwan o taon rin nila itong hindi n

