It's been 3 days simula ng magkita kami ulit ni Andrew. Yung akala kong magiging okay na sana kaming dalawa pero hindi pa din pala. Isang maling akala. Pero kahit tatlong araw na ang nakakalipas hindi pa din nawawala ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing maiisip kong ikakasal na si Andrew at Dawn. Bubuo na sila ng sariling pamilya, samantalang ako eto isang miserable ang buhay dahil sa maling desisyon ko noon kaya nasira ang meron sana saming dalawa ni Andrew. Gabi gabi kapag magisa na lang ako, hindi ko na maiwasang mapaiyak sa sobrang sakit. Para bang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Iniisip ko na lang na sana isang masamang panaginip na lang ang lahat ng to kagaya ng mga napanaginipan ko dati pero hindi. Araw araw ko mang kurutin, sampalin at saktan ang s

