"Anong ginagawa mo sa mga gamit ko?" Sa sobrang gulat ko ay basta ko na lang nabitawan ang sketchpad na may larawan ni Dawn. Nilingon ko siya at seryoso ang muka niya habang nakasandal sa hamba ng pinto. Patay! Mukang galit pa ata tong si bad boy.
"Ah. Wala naman. May tinitignan lang ako. Ang ganda pala ng kwarto mo 'no?" Pagiiba ko sa usapan. Mabilis akong naglakad pabalik sa kama at humiga na para bang walang nangyari. Nagtalukbong na din ako ng kumot para makaiwas sa kahihiyaan. Grabe! Muntik na ako don. Kapag nalaman niyang nabasa ko ang message niya for Dawn baka kung ano pang magawa nito sakin. Baka di na ako makauwi ng buhay. Shocks! Scary!
"Get up! May paguusapan pa tayo." Hindi ko siya pinansin at nanatili lang akong nakahiga. "Isa, hindi ka babangon dyan?" Hindi pa din ako kumikilos. Bahala ka dyan! Laking gulat ko ng alisin niya ang kumot sa katawan ko at sapilitan niyang tinayo. Dahil sa mas malaki siya sakin at firm ang muscles niya kaya, kayang kaya niya akong buhatin ng ganon ganon na lang.
"Ano ba? Masakit 'yon ha!" I rolled my eyes to him. Bad boy talaga! Wala na akong aasahan! I looked at him at hindi siya sakin nakatingin. Sinundan ko ng tingin kung ano bang tinitignan niya at halos manlaki ang mga mata ko ng makitang nakatingin pala siya sa legs ko. Kumuha ako ng unan at malakas na pinambato 'yon sakaniya. "p*****t!" Hindi pa ako nakuntento sa pagbato ko ng unan sakaniya, kinuha ko pa ang slipper ko at pinaghahampas siya. Nakakainis siya! NAKAKAINIS TALAGA!
"Tama na! Ano ba? Masakit na." Hindi ko pa din siya pinakinggan at pinaghahampas ko pa din siya. "Hindi mo talaga ako titigilan ha?" I didn't know kung paano niyang nagawang pagbaliktarin ang posisyon namin. Nakahiga na ako sa kama habang nasa ibabaw ko siya. Oh, mga isip niyo. Dinaganan lang naman ako ng bad boy na to at hindi ako makagalaw dahil sa hawak niya ang dalawang kamay ko gamit lang ang isang kamay. "Binalaan na kita, Kim. Hindi ka pa din tumitigil." Seryosong sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko. Dahan dahan niyang inilapit ang muka niya sa muka ko. Nangangatal na ang buong katawan ko habang unti unti siyang lumalapit. Hahalikan ba niya ako? Wahh!! Wag po kuya!
"WAAHHHHH!!!" Malakas na sigaw ko pero imbis na umalis siya ay mas lalo pa talaga niyang inilapit ang muka niya sa muka ko. *boogsh* Sabay kaming napalingon sa malakas na pagbukas ng pinto. Gulat ang mukang rumehistro kila Manang at Daisy ng makita nila ang itsura naming dalawa.
"Ay, sorry po Sir Andrew and Miss Kim." Naku naman. Baka kung ano pang isipin nila. Tinignan ko si Andrew at hindi na siya nakahawak sakin kaya nagkaroon na ako ng chance para itulak siya ng medyo malakas. Tumayo agad ako at inayos ang damit kong tumaas na dahil sa bad boy na to.
"Naku, okay lang po Manang. Nag-lala-ro lan-g na-man po ka-mi e." Tumikhim ako para ayusin ang pagsasalita ko. "Naglalaro lang naman po kami." Pagbuo ko. Hindi nagsalita sila Manang at Daisy at tumango lang ang mga ito. Muli kong tinignan si Andrew na nakaupo na sa sahig at nagpipigil lang ng tawa. Aish! Kim, bakit naman sa dami ng palusot, 'yon pa talaga ang naisip mo. Pambihira ka talaga!
"Sige, lalabas na kami. Pasensya na talaga kayo. Akala kasi namin ay kung ano ng nangyari dito dahil merong sumigaw. Sige po Sir Andrew and Kim." Paalam ni Manang Dolores. "Sabi ko sayo Lola e. Naglalambingan lang ang mag-nobyo't nobya." Rinig ko pang bulong ni Daisy ng tuluyan na silang makalabas.
Tinignan kong muli si Andrew at nakaupo na siya sa couch habang titig na titig pa din sakin. Kumuha na ako ng unan at pinangtakip ko na iyon sa legs ko. Ang iksi naman kasi ng dress na pinahiram niya sakin e. Yan tuloy! Grr. Napaka-manyak talaga!
"Yan kasi e. Sigaw ng sigaw, wala namang ginagawang masama." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Wala daw ginagawang masama? Eh anong tawag niya sa, sa. Ah basta 'yon na 'yon! Inirapan ko siya at sa iba na lang ako tumingin. Kung titingin lang ako sa lalaking to, malamang sa malamang ay magkakasala pa ako. Mabuti ng umiwas na lang ako sa kasalanan.
"Ano pa lang paguusapan natin?" Tanong ko sakaniya ng kumalma na ang sistema ko. Hindi agad siya nakasagot kaya nilingon ko na siya. "Pinagtitripan mo lang ata ako e 'no? Sabi mo may paguusapan tayo tapos hindi ka naman maka-"
"PLEASE BE MY GIRLFRIEND!" In my 20 years existence dito sa mundo, ngayon ko lang narinig ang katanungan na 'yon. Alam kong isa lang to sa mga trip niya sa buhay pero iba pala talaga ang dating lalo na kung first time mong matanong ng ganon. "I want you to help me, Kim. Babalik na si Dawn 3 weeks from now at kailangan ko ng girlfriend na ipapakilala sakaniya." Nakatitig lang ako sakaniya at mukang seryoso nga talaga siya sa proposal niya sakin. See. Gagamitin lang pala ako ng bad boy na to e. At ano daw? Dawn? His ex-girlfriend? Mahal pa ba niya 'yon? Hays. Pakialam ko ba?!
Tinignan ko siya at bakas sa muka niyang seryoso talaga siya sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na ginagawa niya to dahil lang sa babae. Sa babaeng parte na lamang ng nakaraan niya. Pero gaya nga ng message niya kay Dawn don sa likod ng litrato ng babae, mukang mahal na mahal nga niya talaga ang babae. Hays. She's indeed a lucky girl.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita."Hindi ang sagot ko dyan. Ayoko sa bad boy na gaya mo." Sa wakas nagkaroon na ako ng lakas ng loob para magsalita. Totoo yung sinabi ko. Ayokong magkaroon ng kaibigang bad boy lalong lalo ng maging boyfriend 'no? Alam kong 'fake' lang ang magiging relasyon namin if ever pero NBSB na ako, kaya dapat naman ang first boyfriend ko yung mabait at hindi sakit sa ulo. Yung totoong mamahalin ako at mamahalin ko din. Hindi yung ganito.
"Kim, wala na akong ibang maisip na pwedeng magpanggap. Ikaw lang ang pwede. Please." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at parang nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Ano 'yon? Bakit may ganon? "Kahit anong hilingin mo sakin, gagawin ko. Basta tulungan mo lang ako. Please." I looked at him at talagang kaya niya palang ibaba ang sarili niya para lang kay Dawn.
I can't help to think na sobrang swerte pala talaga ni Dawn for having Andrew in her life. Kahit nagkaroon siya ng boyfriend na bad boy, atleast totoong mahal siya nito. Mukang tama nga silang lahat. Tama nga ata ang sabi nila na masarap magmahal ang bad boy.
Napakurap na lang ako atsaka yumuko. Inisip kong mabuti ang isasagot ko sakaniya. Oo, tinulungan niya ako nung time na kailangan ko ng tulong. Pero siya din naman ang may dahilan kung bakit ako sinaktan ng ganto nila Liza. Pero kasi ano. Grr! Bakit naguguluhan ako?! Ano bang dapat kong sabihin sakaniya? Hays, hindi lang naman dapat. HINDI! Pero bakit ang hirap sabihin sakaniya? Bakit ang hirap makitang nasasaktan siya? Hay naku naman!
"I'm sorry Andrew pero hindi talaga ang sagot ko. Ikaw ang dahilan ng mga to." Pinakita ko sakaniya ang mga natamo kong pasa at kalmot sa braso at maging sa muka ko. "Kapag naging boyfriend kita, baka hindi lang ito ang abutin ko sakanila. Ayoko, Andrew. Wag mo ng guluhin pa ang buhay ko. Iba na lang ang kausapin mo para dyan sa plano mo. Maybe, si Liza. Pwedeng pwede siya. Tutal, gustong gusto ka naman niya." Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa lamesa. Hindi ko na siyang magawang tignan at lumabas na lang agad ako ng kwarto niya.
Ayoko ng mag-stay pa ng matagal kasama ang lalaking 'yon. Baka kapag tinignan ko siya ng matagal ay magbago pa ang isip ko at basta na lang akong pumayag sa proposal niya. Shete. Maka-proposal naman ako. Feeling ko naman ikakasal kami. Kaloka.
Pumara agad ako ng taxi ng makalabas ako sa bahay nila- este mansyon nila. Buti na lang at hindi ako naligaw don. Grabe, parang bahay ni Dao Ming Si ng Meteor Garden ang bahay nila Andrew. Sobrang yaman pala talaga ng lalaking 'yon. Kaya pala ganon ang ugali niya.
"Manong sa may BF Homes po." Tumango lang si Manong sakin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para tawagan sila Mommy at Maria. "Shit." Kung kelan naman kailangan ang phone ko, tsaka pa naglobat. Malas malas ko naman talaga, o oh! Hays, wala na akong nagawa kundi ang mag-sightseeing na lang hanggang sa makalabas ng Forbes Park ang taxi.
Napabuntong hininga na lang ako ng makarating ako sa bahay. Wala akong aasahang tao dito samin dahil nasa office pa si Mommy ng ganitong oras. Buti na din at para hindi niya makitang ganito ang itsura ko.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama ko. Nakatulala lang ako sa kisame at hindi pa din mawala sa isip ko ang apat na salitang binitiwan ni Andrew.
Please be my girlfriend.
Please be my girlfriend.
PLEASE BE MY GIRLFRIEND!
"Utang na loob, Andrew! Tantanan mo na ang isip ko!" Tumayo ako at nag-decide na pumasok ng CR. Baka kapag inilubog ko ang ulo ko sa bathtub ay mawala na si Andrew dito sa isip ko. Kailangan kong pakalmahin ang nagwawala kong puso dahil sa pasabog ni Andrew. Dapat ko ng alisin sa isip ko 'yon pero eto ako, Andrew Andrew Andrew.
Wala pang kalahating oras akong nagbababad ng biglang tumunog ang cellphone. Nakaramdam naman ako ng excitement. Baka mga kaibigan ko na yung tumatawag and I need someone to talk to right now, kaya naman tumayo ako at kinuha ang bathrobe ko para magtuyo. Sakto namang paghawak ko ng cellphone ko ay siyang tapos din ng tawag. Tinignan ko na lang kung sino 'yon pero hindi naka-register ang number sa cellphone ko. Napakunot na lang ako ng noo. "Sino kaya to?" Bulong ko tsaka sinagot ang tawag ng magring itong muli.
Tinanggal ko sa saksakan ang cellphone ko atsaka umupo sa kama ko. "Sino to?" Tanong ko sa kabilang linya. Hindi siya nagsalita at malalim lang na pagbuntong hininga ang narinig ko mula sakaniya. "Sino ba kasi to? Look kung hindi ka naman pala magsasalita e ibaba-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sa wakas ay nagsalita na din siya.
"KIM." Natigilan ako ng marinig ko ang boses niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko na lang na siya na ang magsabi ng pakay niya sa pagtawag sakin. "I want you to know that I'm not yet giving up. Pagisipan mong mabuti ang proposal ko sayo. I will wait for your answer. I hope it's a yes. Kim, I really need your help. Wala na akong iba pang babaeng naisip na pwede kong maging girlfriend kundi ikaw lang. You have the characters that I adore. Please, accept my offer. I will wait for you." I was about to cut his words ng p*****n na niya ako ng tawag.
"GRRR! Nakakainis ka talagang Andrew ka! Bahala ka nga sa buhay mo. Let's see kung hindi ka sumuko." Inis na sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko na para bang may kausap pa ako sa kabilang linya tsaka bumalik sa loob ng CR para ipagpatuloy ang pag-rerelax ko. Sana lang bumalik na ang buhay kong tahimik, ang buhay ko nung wala pa si Andrew.