I'm the Loser.
"Franco?" Now I remember.
"Glad you still remember." he uttered
"Ofcourse, makakalimutan ko ba ang kakulitan mo." i chucked
Napatawa naman siya sa usal ko.
"Ahm so, who are you with? I mean, are you alone? Tsaka anong ginagawa ng isang magandang dilag dito ?"
"No. I'm with my husband nag restroom lang siya."
"Oh.. I thought..."
"Hah? Are you saying something?
"hmm? No. Where's your husband anyway? Can i accompany you, habang wala pa siya para may kasama ka naman dito."
"Yeah sure, so ano pala ang ginagawa mo dito?"
"I'll buy a gift for my nephew mag bibirthday na kasi bukas. You know di ako titigilan noon kapag wala akong gift sa kanya"
"Wow, Ang bait mo namang tito."
"Ofcourse, sa gwapo kong to."
"Ahem, nag buhat ng sariling bangko."
"Hahahaha. I'm just stating fact. Ms. Ganda"
"Parang mas lumakas ata ang hangin dito. "
Tumawa pa siya ng malakas dahil sa sinabi ko.
"Kanina pa tayo dito, ang tagal naman ng mister mo." saad niya
"You can go naman baka nagmamadali ka, naka istorbo pa ako sayo." nakanguso kong saad
I look at my, wrist watch 30 minutes na din pala ang lumipas mula nung umalis siya napakunot ang aking noo.
"Asan na ba siya? bakit ang tagal niyang mag banyo."
Franco suddenly stood and left me without saying a word. Nagtaka naman ako sa kanyang ginawa, after 5 minutes bumalik siyang may dala dala ng dalawang cone ng ice cream.
"Akala ko umalis ka na!"
"Oh! Pampasaya." he uttered tHen he handed me the cone of chocolate ice cream.
Ngumiti ako ng pagak,
alam na alam talaga nito kapag may problema ako.
"Ang tagal… tanggapin mo na bago matunaw yan!" pang aasar niya
He sat down beside me and ate his ice cream. As I look at him, he slowly looks at me with confusion on his face.
"Ice cream mo tunaw na."
I mouthed thank you ang then licked my ice cream.
Isang oras na ang nakalipas ng mawala si Vino, ang paalam niya sa akin ay mag babanyo lamang siya, lukot na lukot na dibdib ko habang nag aantay, buti nalang at nandito pa rin si Franco sa tabi ko, nakakain na kami ng dalawang Ice cream, at ngayon ay papalapit na naman siya habang may dala dalang isang box ng donut.
"Pababoy ata ang trip mo ngayon?" pambungad ko sa kanya bago pa siya naka upo.
"Ayaw mo ba? Ang sarap kaya nito." Sambit niya habang naka angat ang isang pirasong donut.
Nanuot sa aking pang amoy ang amoy ng donut na dala niya kaya bigla akong na takam. Dyahe! Kapag kasama ko itong isang to siguradong tataba ako.
"Bakit hindi ka tumataba kahit kain ka ng kain?" kunot noo kong tanong sa kanya.
Natawa pa siya dahil sa tanong ko.
"You know Miss ganda, in born na akong Macho."
Hinampas ko siya sa kanyang braso.
"Kapal talaga ng mukha mo kahit kailan eh noh!"
Humalakhak siya ng malakas at kinagat ang hawak niyang donut, kumain na rin ako at dinama ang sarap nito, napaisip ako uli ky Vino halos magdadalawang oras na siyang nawala, nilibot ko ang aking paningin wala paring Vino akong nakita. Ano ba Vino nasaan ka nanaman ba!
"Dapat pala nag hapunan na lang tayo 7:35 na oh. Tsk asan na ba yang magaling mong mister!" Irritable niyang saad
Hindi ako sumagot at yumuko nalang.
" Sa susunod, wag kang papayag na iwan ka lang niya kung saan Miss ganda. Asawa ka. Dapat ikaw ang priority lagi!"
Dama ko ang bara sa aking lalamunan at ang pag piga sa aking dibdib. Nag mapatingin ako sa daan papunta sa entrance ng mall ay nakita ko si Vino papasok ng Mall mula sa entrance. Iniyuko ko ang aking ulo at iniyukom ang ang kamo, mukhang alam ko na kung saan siya galing.
Unti-unti akong nilamon ng galit, at tila umakyat lahat ng dugo sa aking katawan sa aking ulo. Gusto kong magalit, sumigaw at sampalin si Vino, pero pinigilan ko ang aking sarili na naging nahilan na mariing pag sakit ng aking dibdib. Ang Sakit! Putangina
"Saan ba siya galing? Sa babae niya ulit?" Usal ng aking utak.
"Don't be sad Miss ganda tara na ihahatid na kita sa inyo. Tara na!" Franco utter then held my wrist.
Nakatingin lang ako sa kamay niyang nakahawak sa aking pulsohan.
"You don't need to do that."
Napatingin kami ng sabay ni Franco sa nagsalita mula sa kanyang likuran. Nakakunot ang noo ni Vino at dugtong ang kilay na nakatingin sa amin. Mas nag igting pa ang kanyang panga ng mapatining siya sa pulsohan kong hawak ni Franco.
"Dont touch her." Madiin niyang usal habang nakatingin kay Franco dahan dahan naman ibinaba ni Franco ang aking kamay.
Napatingin si Franco sa akin tumango ako sa kanya, umaasang maintindihan niya ang nais kong iparating.
"A piece of advice bro, you should never left her anywhere alone, baka magsisi ka wala ka nang balikan." Franco utter then he left.
Halata sa pagmumukha ni Vino ang pagkayamot dahil sa narinig, he grabbed my and drag me out of the mall, the moment we reached his car he angrily open the door and pushed me in.
"Pasok!" halata ang pagka inis sa kanyang boses, kulang na lang ay literal na umusok ang ilong niya sa sobrang galit.
Umupo ako sa tabi ng drivers sit at tahimik na yumuko. "Bakit ba siya galit na galit , e siya naman itong hindi ko alam kung saan galing." Inis din ako pero ayoko na lang e voice out dahil baka sumabog kaming dalawa. Pagka upo niya sa Drivers sit ay isinara niya padabog ang pinto.
"Ahh! Putang ina!" galit na galit niyang sigaw sabay pinag hahampas ng malakas ang manibela ng sasakyan. Napa iktad pa ako sa gulat dahil sa kanyang ginawa. I keep my silence dahil alam kong nakakapagsalita ako ng hindi ma ganda kapag ibinuka ko pa ang aking bibig
"Who's that guy?" Madiin niyang tanong habang sa labas naka toon ang kanyang paningin.
I didn't utter a single word. Parang na ubusan ako ng gagamiting salita. Wala din akong ganang magpaliwanag dahil alam ko namang wala akong ginagawang masama.
"I'm asking you again Jah, who's that guy?" Bilang nag pantig ang aking tenga dahil sa inulit niyang tanong.
"What are you trying to say, Vino? Na malandi ako?"
"I'm asking you. Who's that guy?"
"Seriously? Pinagdududahan mo ako? Putang ina lang Vino! Sino ba ang nag paalam na mag babanyo lang, pagkatapos ay nawala ng dalawang oras, tapos makikita ko nalang na sa entrance ng mall galing? Galit kong saad.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha mula sa galit ay dumaan ang takot sa kanyang mga mata, halos di ko na maipinta ang kanyang mukha.
"Now tell me? Saan ka nanggaling? Sinong kasama mo? Are you having an affair?" bulalas kong tanong.
Iniwas niya ang kanyang tingin napalunok siya itinoon ang mata sa daan maya maya pa ay inistart niya ang sasakyan at nag simula ng mag maneho pauwi.
Ganun nalang iyon? wala na ba akong makukuhang sagot mula sa kanya?
Napaka walang kwenta naman pala matatapos ng araw na to. Pagkarating namin sa bahay ay agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa kwarto. I lock the door and scream as loud as i can, itinapon ko ang lahat ng gamit na mahawakan ko. Ang sakit, ang sakit sakit na! Sobrang sakit sa dibdib di ba nga sabi nila "Silence means, Yes." Akala ko nasa recovery period na kami wala parin pala, ganun parin pala, tuloy tuloy nag bagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang mahulog. Lumapit ako sa kama at doon isinubsob ang aking mukhang punong puno ng luha.
Paulit ulit kong hinampas ng aking palad ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit nito.
Pesteng puso to! Ayaw pang magmanhid.
Humagulgol ako kahit masakit na ang lalamunan ko dahil sa pag sigaw ko kanina wala akong pakialam kung sino man ang makarinig sa labas. Pinag hahampas ko ang kama upang kahit papaano ay doon ko maituon ang sakit na aking nararamdaman . Ngunit hindi epektibo, halos maga na ata ang kamay ko, nag manhid na, pero yung dibdib ko, yung puso ko, damang dama ko pa rin ang paulit ulit na pag saksak dito.
"I Trusted you my happiness, my life, pero sinira mo lahat! Bakit Vino? Bakit? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? I gave you everything but in return you gave me heartache and suffering!" sunod sunod na sigaw ko habang patuloy paring umiiyak.
Life is so hard, na kahit ang maging masaya ay ayaw pang ibigay sa akin. Gusto ko lang naman ay mabuhay ng masaya kasama ang pamilya ko pero masyado atang natutuwa ang tadhana na pahirapan ako.
At this moment I realize that, soon I might lose this game I'm playing. I'm the loser.
~JeMaria