Met You.
"I Met the One for Me."
*FLASHBACK*
Kagagaling kulang kay tatay at madilim na ang langit habang pauwi ako, mas minabuti kong mag lakad lakad muna dahil ayokong umuwi agad nang bahay, maraming mga batang nakatambay lang sa kalye kahit pa pagabi na nagtatawanan pa sila kasama ang kanilang mga kaibigan na tila wala mga problemang iniisip sa buhay.
"Buti pa yung mga bata, sana all walang problema."
Patuloy lamang ako sa paglalakad sa kalye nang biglang napatingin ako sa isang panaderya, doon kami laging bumibili ni tatay nang paborito kong tinapay, tila sumikip naman ang dibdib ko nang maisip ko ang mga alalang nag balik bago pa siya mawala sa amin mabilis kong iniwas ang aking paningan mula sa bakery at inihakbang ng mabilis ang aking mga paa, hindi ko pa rin tanggap.
Tinahak ko ang daan pauwi sa bahay at bigla akong napadaan sa chapel malapit sa amin, naka bukas ang gate nito na tila tinatawag ako para makipag usap sa kanya, hindi ko mawari ngunit inihakbang ko ang aking mga paa patungo sa loob ng chapel naupo ako sa isa sa mga silyang naroon mariin akong nakatitig sa malaking cross na nasa aking harapan, ilang minuto pa ay unti-unti akong lumuhod at nanalangin sa ng taimtim sa kanya.
"Bakit po ang hirap?"
yan ang unang salitang lumabas mula sa aking bibig.
"Tulungan mo naman ako please!"
sunod kong sabi.
"Please send me someone who will be the reason to live and survive." Bigakas ko, at bigla na lang tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking mata.
"I trust you!"
Ito lamang ang mga salitang na sabi ko sa kanya, bago ko nilisan ang lugar na iyon upos na upos na ako at nawawalan na ako nang ganang mabuhay patong patong na ang lahat at tila hindi ko na makakayang solusyonan ito, I know my lola is still there to guide me pero hindi ko na alam, magulo ang utak ko.
Pagkatapos ko doon ay iba na ang lugar na tinahak ko, dumeretso ako sa bar na lagi kong iniinuman kapag mayroon akong problema.
"I need to drink kahit pampatulog lang." sambit ko, dahil kapag di ko ginawa iyon, ay hindi ako dadalawin ng antok ngayong gabi, mabilis kong inihakbang ang aking mga paa at ilang minuto pa kasabay ng malaking hakbang ng aking ginawa ay narating ko ang aking balak puntahan.
Sa Z bar..
Hi, Miss beautiful.
Bati sa akin ng isang lalak nai halatang medyo lasing na, nag bingi bingihan pa akong hindi ko iyon narinig ngunit tila wala ata siyang balak sumuko.
"Excuse me." ulit niya pang tawag sa akin.
"Are you waiting for someone, Miss?"
I look at his face then, I just rolled my eyes on him at di na muli pa siyang tinapunan ng tingin at nag patuloy lang sa aking pag inom.
Tila dismayado naman siyang umalis sa kinatatayuan niya at bumalik sa inukupa niyang table na naka lukot ang itsura.
I smirk because of the expression on his face, buti naman at lumayas na siya sa harapan ko.
Halatang masyadong mahangin ang isang yun wala akong panahong makipag flirt sa mga lalaki ngayon ang gusto ko lamang ay maging mapag-isa at mag isip-isip.
"I will never give up."
I can't give up hindi ako pwedeng sumuko kahit sukong suko na ako sa sitwasyon ko ngayon, wala akong ibang makapitan, ang hirap maging malakas sa mga panahong alam mo mismo sa sarili mo na ubos na ubos ka na, na sukong suko kana.
Tingungga ko bigla ang inorder kong alak kanina, ramdam ko ang init nito na ngayon ay gumuhit sa aking lalamunan, ng ito ay aking inumin, marami kasi akong iniisip ngayon at tila sabay sabay na dumating ang mga problema na sumisira sa aking buhay, kamamatay lang ni tatay noong nakaraang linggo tatlong araw pagkatapos noon ay namatay din si mama na lubos na nagbigay ng lungkot sa aking sistema at kaninang alas nuwebe nang umaga lamang siya inilibing.
Masakit para sa akin ang kanyang pagkamatay hindi ako naging handa sa mga pangyayari dahil basta basta nalamang siyang nawala sa akin sa pati si inay ay wala na rin ayokong umiiyak nanaman, halos gabi gabi akong umiiyak dahil sa pagkamatay ni tatay at nanay hindi ko matanggap ang pagkawala nila, na hit and run si tatay ng patawid na siya sa isang pedestrian lane malapit sa amin, pauwi na sana siya ng mga oras na iyon ng mangyari ang aksidente kaya mas pinili ko na dito sa bar mag lagi kapag sa bahay ako mananatili ay alam kong mas malulungkot ako dahil naaalala ko si tatay sa bawat sulok ng bahay, si nanay naman ay inabutan ko na lang na hindi na humihingang nakahiga sa kama niya.
Mejo tipsy na ako ng patug intugin ng dj ang paborito kong musika napangiti ako agad ng marinig ko ito tumayo ako at nag punta sa dance floor na ilang hakbang lang ang layo sa akin, para sumayaw sa saliw ng tugtugin, may lumapit naman agad sa aking lalaki at nakipag sayaw ito, wala naman ako pakialam sa kanya ang sa akin lang gusto kong ma enjoy ang gabing ito kahit ngayon lang wala akong maisip na kung anumang problema na bumabagabag sa aking sistema at nagpapasikip sa aking loob, kung pwede lang ay maglaho na lang ako bigla nang parang bula, matakasan ko lang ang lahat ng sakit ay gagawin ko iyon.
Kahit panay ang aking sayaw at giling, ramdam ko ang pasimpleng haplos ng lalaki sa aking katawan pero di ko lamang ito pinag balingan nang pansin hindi ko ipinahalata sa kanya na alam ko ang ginawa niyang pag chansing sa akin, dahil ayaw kong masira ang gabing ito, ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nadarama ko sa loob ko.
Tila hindi na siya nakapag pigil sa kanyang kamanyakan, bigla niya nalang akong hinapit ng mahigpit papalapit sa kanya upang mag dikit ang aming mga katawan, kunot noo akong humarap sa kanya ng magtama ang aming mga mata ay lumitaw ang nakakadiring ngisi sa kanyang labi, na ikinatayo ata nang lahat nang mga balahibo sa aking katawan, walang pag dadalawang isip ay pinisil niya ng mariin ang aking pang upo,na tila gigil na gigil rito.
Nag ngitngit ang galit sa akin dahil sa kanyang ginawa nalukot ang aking mukha habang nakatingin sa kanya pag kuwan ay buong kakas ko siyang itinulak upang mailayo ko ang aking katawan sa kanyang pag kakahawak, walang sabi sabi ay malakas ko siyang sinampal na dahilan ng bahagayang paghilig ng kanyang pisngi umigting pa ang kanyang panga ng muling mapatingin sa akin na tila mukhang na insulto sa aking ginawa.
"BASTOS!"
bulalas ko sa kanya.
Hindi siya naka imik sa lakas ng sampal ko, dali dali akong umalis sa kanyang harapan at dumeretso sa lamesang inukupa ko upang kunin ang dala kong gamit.
Napag desisyunan ko na lamang umuwi dahil nasira na ang gabi ko dahil sa tarantadong manyak na iyon.
Lumabas ako agad sa bar at napagpasyahang maglakad nalang pauwi upang ma ikalma ko ang aking sarili ng nasa may madilim na bahagi na ako ng daan ay may biglang humila sa akin biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng pumiglas ako upang makatakas pero sadyang malakas ang mga kamay na nakahawak sa akin umabot ang pag kaladkad nya sa akin hanggang sa may bakanteng loteng malayo na sa kabahayan.
"Tangna! Ito na ba ang katapusan ko?"
Sambit ng utak ko, pa balya niya akong binitiwan at napasalampak ako sa lupa.
"S-sino ka? A-ano bang atraso ko s-sayo?"
Pilit na kalmado kong tanong sa kanya ngunit nagkanda bulol bulol ako dahil sa kaba. Nakayuko ang aking ulo at nanginginig na ang aking katawan sa takot
"Akala mo ba makakatakas ka sa akin? Matapos mo akong ipahiya kanina hindi ako gaganti sa iyong babae ka hah?"
bigla niyang galit na bulyaw sa akin.
"You're nothing but a b***h!"
Galing sa pagkakayuko ay bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Ikaw? Hindi ka lang pala manyakis rapist karin pala, pangit ka!" galit kong sigaw sa kanya.
Dahilan kung bakit para siyang baliw na tumawa ng malakas.
"Wahaha! So what! Wala akong pake kahit ano pa ang itawag mo sa akin, basta ba matikman lang kita, wala naman makakarinig sa iyo dito kahit magsisigaw kapa. "
Mas lalong nanginig ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya, at nagsitayuan ang aking mga balihibo sa buo kong katawan akmang lalapit na siya sa akin ng biglang may sumipa sa kanya galing sa likuran kaya napaluhod si manyakis sunod sunod ang mga suntok at sipa na kaniyang natamo hanggang sa hindi na niya makayanang tumayo pa ng mag isa dahil sa pagkaka bogbog.
"Are you okay Ms.Beautiful?"
Bigla akong napayakap sa lalaking naging night and shining armor ko tumulo ang luha sa aking mga mata ng itaas ko ang tingin sa kanyang mukha ay ganun na lamang ang aking pagkagulat.
"I-Ikaw? T-thank you!"
"No problem Ms. Beautiful, ahm..
Utang mo to sa akin hah!"
Sambit niya na may napakatamis na ngiti sa labi, di ako naka sagot dahil natulala akong nakatitig sa ngiti ng labi niyang pagkatamis-tamis.
"By the way Vino De Guzman."
Tumayo siya ng tuwid at inilahad ang kanyang palad sa harap ko
"J-Jah Haven Reno"
Nagkanda utal utal akong sumagot habang inabot ko ng aking kamay ang kanyang kamay, pasimple naman akong napangiwi ng madamang mas malambot pa ata ang palad niya sa mga kamay ko.
"Let's go, I'll take you home."
~JeMaria