Lance Buong araw akong nasa opisina ngayon, balak ko kasing tapusin ang lahat ng trabaho ko, dahil may plano kami ni Hanna na pumunta sa palawan next week, balak kong mag leave, kaya tatapusin ko ang lahat ng dapat kong tapusin, upang walang magiging aberya at istorba sa aming dalawa ni Hanna sa susunod na linggo. Pina punta ko naman si Ate Andy sa resort upang e hire ulit, maigi na iyon para may bantay si Jah next week. Napagdesisyonan ko ulit kunin si ate Andy bilang bodyguard ni Jah dahil sa email ni Lance sa akin kahapon. Pangalawang email na iyon na aking natanggap, ang una kasi ay nagsasabi na may email daw siya kay Jah at sabihin ko daw sa kanya. Itong pangalawa naman ay ang email address niya na at password ang kanyang sinend at iilang instruction doon. Pina pa open niya ang kan

