Signs
"Loving Him is Understanding Him"
*FLASHBACK *
Humahangos akong nagising dahil sa isang masamang panaginip ,
Pagod na pagod ang aking sistema na tila tumakbo ako ng ilang milya ,
basang basa ng pawis ang buong katawan ko kaya napag pasyahan kong magpalit ng damit , nitung mga nakaraang araw ay paulit ulit ang mga panaginip ko ,
napaisip ako bigla kung bakit yun ang napanaginipan ko ..
May isang batang punong puno at naliligo sa sarili niyang dugo ...
iyak siya ng iyak sumisigaw sya ng "mommy" na nakatingin sa akin at humihingi ng tulong .
Napahawak ako sa aking sentido dahil sa biglaang pag sakit ng ulo ko , para itong pinukpok ng bato sa sobrang sakit ,akma na sana akong tatayo ng umikot bigla ang aking paningin , Hinawakan ko ang aking sintido at pinisil ko ito ng bahagya hinilot hilot ko ito upang kahit papaano ay ma ibsan ang sakit ng ulo ko ,
Tiningnan ko ang Alarm Clock na naka patung sa aking side table
5:00am na pala ng umaga
Nang nakabawi na ang aking katawan
ay dahan dahan akong tumayo at
Nagtungo ako sa banyo upang mag hilamos at ng mahimasmasan ang pagkahilong aking nadama , pagkatapos kong sa aking morning routine ay lumabas na ako sa kwarto at dumeretso akong nagpunta sa kusina upang mag luto ng Breakfast naming magasawa ,katud niya ay mayroon din akong pasok ngayon kaya hindi ako maaaring malate .
Hotdog ,ham ,Sunny side up egg ang mga niluto ko , ang kanin naman kagabi ang isinangag ko nalang .
pagkatapos kong mag luto ay nag punta ako sa banyo para maligo ..
nang matapos na akong maligo ay agad na akong nagbihis suot ko ngayon ang uniform ko ,
Manager ako sa isang Fast food chain . dito sa amin ang "My Cravings"
Hindi pa ako ng reresign dahin 5months palang naman kaming kasal ng Mister ko at ayokong ma bored sa bahay , sya naman ang ng papalakad sa Cafebellah ang tangin negosyo na ipinamana ni lolo sa amin.
Pagkalabas ko sa banyo ay nasa hapagkainan na at nag hihintay itong mister ko .
"Goodmorning maganda kong misis ."
Napangiti ako dahil sa pagbati nya sa aking
"Goodmorning Mister kumain na tayo ng hindi tayo malate "
Kumuha ako ng mug at ipinag timpla siya ng kape ng mailapag ko ito malapit sa kanya ay naupo na ako at nag simulang sadukan siya ng sinangag na kain at ulam
pagkatapos ko kanyang plato ay ang sarili ko naman plato ang kinunan ko ng makakain
"Dont you have any plan on filling your resignation ?" seryoso niyang tanong
napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin
"Wala pa naman loves, please ayoko ma bored dito mister "
palambing kong sagot sa tanong niya
"Paano tayo makakabuo ng isang basketball team kung stress ka jan sa trabaho mo?"
Tanong niya na seryosong seryoso ang mukhang nakatitig sa akin
Tila na uminit ang mukha ko dahil sa sinabi nya napaubo akong bigla at napainom ng tubig .
"Baliw katalaga!"
pasimple kong sinuntok ang balikat niya upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi
Hinawakan nya bigla ang kamay ko seryoso paring ang kanyang mukhang nakatingin sa akin
"Please think of it my loves , im excited to see kung anong itsura ng mga anak natin , gusto kong maging tatay ng mga anak ko sayo , sige ka mag hahanap nalang ako ng ibang aanakan "
mahaba niyang litanya sabay ngisi ng kanyang labi
biglang ng pantig ang tenga ko dahil sa sinabi nya
"Subukan mo lang ! !nyeta ka ! Puputulan kita ng kargada!"
Kunot noo kong sabi sa kanya , pagkatapos ay matalim siyang tiningnan
na naging dahilan kung bakit tumawa sya ng malakas ..
"WAHAHAHAHHAHA
ikaw naman di ka mabiro ! kaya nga mag resign kana para magkaanak na tayo,wala akong balak magkaanak sa iba , I only want you to become the mother of my children . "
SAbay kindat pa sa akin pag katapos niyang magsalita
Napa ubo naman ako sa sinabi nya talagang "children " ang ginamit nya . mukhang marami rami ata ang gusto niyang anak .
"sige na ill file it next month "
sagot ko na bigla namang ikinaliwanag ng kanyang mukha . Tila abot tenga ang kanyang ngiti .
"Very good wife "
sabay halik sa labi ko .
Sabay na kaming pumasko sa trabaho inihatid niya ako gamit ang sasakyan niya dahil madadaanan lang naman ang "My Cravings" na pinagtatrabahuan ko bago sya makarating sa Cafebellah.
"Wag muna ako sunduin mamaya early out ako ngayon "
sabay halik ko sa labi niya
Are you sure misis?
tanong niya sa akin
"Yes mister i can manage ."
sagot ko sa kanya
"Okay mag iingat ka mahal kita misis "
"I love you too mister ingat "
"Kitakits sa bahay "
at kumaway na ako sa kanya para makapasok na sa loob
Pagkapasok ko sa loob ng opisina ko ay bigla umikot ang paningin ko,
Buti nalamang at na ikapit ko ang ang aking kamay sa upuan sa harapan ko at naiwasan ko ang natumba at sumalampak sa sahig dahan dahan ay naupo muna ako sa upuan upang erelax ang sarili .
huminga ako nag malalim nang maka ilang beses at dahan dahan na hinilot ko ang aking sintido matapos
ang ilang minuto ay nagising ako mula sa pag kakatulog at hindi ko naramdamang naka idlip na pala ako 11am na ng magising ako 9am ako ng IN kanina
naging ok naman ang pakiramdam ko sa maghapon pagkatapos kong maka idlip kanina .
Mag fafile ako ng leave sa Friday para makapag pa check up ako mukhang hindi maganda itong mga nararamdaman ko .
Monday palang ngayon at di ako pwede umabsent dahil busy masyado kapag weekdays kaya kailangan ko munang tiisin ito ng kaunti .
Mabilis na Tapos ang buong araw ko , mejo kumikirot ang puson ko pero di ko ito pinansin dahil mukhang paparating na ang period ko ngayong buwan .
Kakauwi ko lang galing trabaho ng Commute lang ako pauwi dahil nga sinabihan ko na c vino kanina na wag na akong sunduin , 4 pm palang naman kaya napag desisyunan ko nalang na magluto ng hapunan 5 pm ang out ni mister kaya may isang oras pa ako para mag prepare ng makakain namin,ilang minuto pa akong nag isip kung ano ang masarap kainin tila mag gusto kasi ako pero hindi ko mawari kung ano ito , nag nakaisip na ako nang aking gustong lutuin ay Mabilis ang kilos ko upang hindi ako kulangin sa oras Putchero ang naisip kong lutuin parang ang sarap kasi ngayon kumain nang saging kaya yung ang naisip ko may ulam na kami at makakakain pa ako nang saging na saba Nag saing muna ako para sabay na silang maluto nang ulam kung saka sakali man , pagkatapos kong mag saing ay
ki nuha ko ang mga sangkap ng putchero sa ref at isa isa itong inihanda , inabot ko naman ang saging na saba at yun ang una kong binalata at hiniwa
madali lang naman itong lutuin kaya Mabilis akong nakapag simula , nag kumulo na ito ay binuksan ko ang kaldero at tinikman ulit ang lasa ng sabaw nang masigurado kong ok na ang timpla nito at luto na ang mga rekado ay ,ilang minuto ko nalamang itong pinakuluan ,
Saktong pagkapatay ko ng kalan
Biglang may Bumusina sa labas
Saktong sakto ang pag dating niya tapos na akong magluto , gumayak ako sa pintuan upang salubungin siya ng isang matamis na halik .
"Buti naka uwi kana magpahinga ka muna at mag bihis , prepare ko lang ang hapagkainan ng makapaghapunan na tayo Loves ."
Tango lang ang sinagot niya sa akin
Tila wala ata siya sa mood baka pagod lang sa trabaho. Iintindihin ko nalang muna itong mister ko , dahil kapag hindi eh mag aaway lang kaming dalawa at sa lahat nang mang yari ay iyon ang iniiwasan ko ayokong magka alitan kaming dalawa
Hindi ko nalamang ito pinansin at nagpunta na ako sa kusina upang ihanda ang hapagkainan, nang nang makapag simula na kaming mag hapunan
Natapos ang hapunan namin ng matiwasay , tahimik lang kaming dalawang kumain sa harap nang mesa walang imikan at nakatoon lang ang aming atensyon sa pagkain , gusto ko mang siyang kausapin at tanungin kung ano ang problema niya ay pinigilan ko ang aking sarili , aantayin ko na lamang na siya na mismo ang magsabi sa akin nang kanyang problema , pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag ligpit ng pinagkainan namin, Naghuhugas ako ng mga plato
habang nanonood naman si Vino ng Tv sa may sala ,
Matapos kong makapaghugas ay pumanhik na ako sa kwarto para mag pahinga nag shower muna ako ulit dahil na iinitan ako sa aking katawan malagkit at hindi ko ma ipaliwanag ang aking nararamdaman , ngayong araw at limang beses na akong naligo kahit maganda naman ang tela nang soot kong damit ay tila hindi parin ako komportable dito , kaya hindi ko mapigilan ang mag palit ulit ng soot , napangiwi naman ako nang sumama bigla ang pakiramdam ko ayan nanaman ang sakit ng ulo at pagkahilo na kanina ko pa nararamdaman , nahiga ako sa malambot na kama upang ma relax ang sarili , ilang minuto pa ay dama ko sa aking sarila na unti unting bumigat ang talukap nang aking mga mata at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod .
. ~JeMaria