CHAPTER 14

3492 Words
*EHEM* Napatingala ako sa taong nasa harapan namin at nahihiyang tumayo,binuhat ko na rin si Princess at nilagay naman nito ang mga braso sa leeg ko. "O-oh,Bailey" nakakahiya kasi nakita ko na sya kanina pero hindi ko man lamang sya pinansin. "Hi,Sharlyn" nakangiti nitong bati sakin kaya napangiti narin ako. Medyo na-bother lang ako dahil parang may iba sa mga mata nya ngayon, the first and last time I saw him ang lungkot-lungkot pa ng mga mata nya tapos ngayon kung makatingin pa sya parang nakakita sya ng multo lalo na sa buhat buhat ko. Sa kasama ko...k-kasama ko!! Nataranta naman ako ng maalalang kasama ko ang anak ko,pero hindi ko magawag talikuran si Bailey dahil baka magtaka sya at saka hindi naman nya alam na anak ko si Prince--- "Anak mo? Ang cute naman,tiny version mo." Kailangan na naming umalis dito. "I'm really glad to see you,Bailey. But I need to go---" "Wait,Sharlyn" napahinto naman ako sa tangkang pagtalikod sa kanya,nakahawak ito sa batok nya at hindi makatingin sa akin. "Pwede ko bang...mabuhat sya?" "H-huh?" "I know it sounds...gay but I really love kids, at ilang taon na rin simula nang makabuhat ako ng bata and I really miss that kid" mahina lang ang pagkakabanggit nya sa huling salitang sinabi nya pero ramdam mo dun ang lungkot at...pangungulila. Bakit ba parang naaapektuhan ako sa nararamdaman nitong si Bailey? Nung nakaraang araw ko lang naman sya nakilala at yun nga yung time na muntikan na akong masagasaan,but when I look at his eyes and hear what his saying it as if I know him already. Pinabuhat ko nalang sa kanya si Princess at mabuti nalang dahil hindi natakot si Princess sa katunayan nga,e, mukhang mas gusto nya pa si Bailey kaysa kay Kuya Ken,ayaw ng bumitaw kay Bailey,e. Nalaman ko ring mag isa lang pala si Bailey kaya mas nahirapan akong iwan sya,ang bastos ko naman kung aalis agad kami. Kaya sa huli wala akong choice kung hindi ang imbitahin sya na sumama samin maglibot sa MOA ,tutal naman ayaw na syang bitawan ni Princess. Nung una hindi pa sya pumayag pero dahil sa pangungulit ng anak kong buhat buhat nya,wala syang nagawa. Ang tawag pa nga sa kanya,e, Tito-Daddy na siguradong ikakalungkot ni Kuya Ken. At tama nga ang hinala ko dahil pagkarinig pa lang nya na tinawag ni Princess si Bailey ng Tito-Daddy halos matumba sya sa kinatatayuan nya,para namang nanalo sa lotto ang kaibigan kong baliw at nanlibre pa talaga. Pasalamat nalang talaga dahil naintindihan ni Kendall yung mga tingin ko sa kanya nung akma na syang magtatanong kung sino si Bailey. Hindi pa kasi alam ni Kuya Ken ang nangyari sakin pati rin yung kay Princess,at lalong hindi pwede malaman ng mga anak ko yung muntikan ko ng pagkakabangga dahil alam kong iiyak sila, and I don't want to see them crying because of me. Buong maghapon kaming naglibot sa MOA at sumama narin si Kuya Ken,hindi nga sya umatend sa meeting na dapat nyang puntahan. Ramdam kong nag enjoy ang lahat kahit puro bangayan lang nila Kendall at Kuya Ken ang halos naririnig namin. Tapos nabilhan pa ng mga bagong laruan at libro ang tatlo nina Bailey at Kuya Ken,tignan ko nalang kung malungkot pa sila. At nang sumapit ang gabi ay ikinuwento nga ni Princess sa amin kung anong dahilan nya bakit sya bigla tumakbo kanina. And you won't believe what she say to us... "I saw the men who try to k-kidnapped me, they are three. I can't be wrong because they wearing the same clothes when they try to kidnapped me that day and also...the two of them have those tattoo, flower surrounded by cobra." Natahimik kami ni Kendall at parehong nagiisip sa sinabi ni Princess. Hindi ko inaasahan na may nakamanman na pala sa mga galaw namin. I let my guard down because Im aware that my children are safe to me, hindi ko na nga pinasama si Kurt at pinagbakasyon sya. Then,malalaman ko...sa mismong anak ko pa na nandyan lang pala sila sa paligid. I don't want to say a bad words but---who the heck are they? Who is the f*****g person behind this incidents happening to us? I don't really damn remember that I did something wrong or horrible to someone. "Baby, thank you for telling me the truth. Don't worry mommy will find who's behide this. For now,go to your room because tomorrow is Monday,at alam kung ano ang meron sa Monday" "Yes,mom" tumayo na sya at lumapit sakin para yumakap at humalik. "Goodnight,mom, I love you" "I love you too,anak" pagkatapos ay lumapit rin sya kay Kendall at ginawa ang ginawa sakin. My Princess is really a sweet baby,pero bakit nangyayari ito sa kanya? Sa lahat ng tao,bakit ang anak ko pa? Unknown's POV "How's the investigation?" "Nalaman ko na kung sino sila." "Sila?" his perfect eye-brow curved when he ask those word. "Yes,sila...because they're couple. And you won't believe kapag nalaman mo kung sino sila." Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nya dahil ramdam nyang nambibitin ako. "Just f*****g say their name so I can kill them." "Uh,uh,uhww you won't do that. We will make them pay and not kill them." Ramdam kong hindi sya sang-ayon sa sinabi kong iyon kaya nagsalita ulit ako. "You know are situation,we can't just make a decision carelesly. Pwedeng mabalewala lahat ng mga pinaghirapan natin kapag gumawa tayo ng desisyon basta basta. And besides,kunting panahon nalang babalik na ang lahat sa dati." "How do you make sure everything goes back to,when you did what you were supposed to do?" hindi ko sinagot yung tanong nya at binigya lang sya na makahulugang ngiti. "Is there anything else I didn't know?" wala ka na dapat pang malaman sapat na yung mga alam and the rest is only for me to know. "Wala." "Do you that guy?" "Who's guy?" "Don't play innocent you know who's guy Im referring to." "Hahaha,you really know me,huh" tinapunan nya naman ako ng masasaang tingin na hindi naman tumalab sakin. "You don't have to worry about that guy." "How are you sure that I don't need to mind that guy?" "Basta magtiwala ka lang sa sinasabi ko." Inirapan nya naman ako at ibinalik ang atensyon sa binabasang papeles. "Just make sure,Maria" "Can you stop calling me, MA.RI.A." At saka hindi mo na kailangang mag-alala tungkol dun sa lalaking pinagseselusan mo. Dahil kahit mainlove man sya, useless lang yung love na yun. "Tss" Sharlyn's POV Isang buwan na ang lumipas at maayos na ang naging daloy ng buhay namin. Mas naging protective ako lalo na sa mga bata at nagpapasalamat naman ako dahil sumusunod sila. Binawalan ko kasi muna silang lumabas maliban nalang kapag papasok na sila sa school. I also talk Kurt about the security of the triplets,sinabihan ko sya na kung maaari wag nyang hihiwalayan ang tatlo kapag nasa school kahit pagpunta sa restroom ay samahan nya, and I glad because he agree. About my work? It's good, everyday is a peaceful day. Hindi ko rin gaanong nakakasalamuha si Blake na ikinatutuwa ko...ikinatutuwa ko ba talaga? Oo na, medyo hindi, lalo na kapag nahuhuli ko syang nakatingin sakin. Magkukunwari nalang ako minsan na sa likod nya ako nakatingin tapos talikod agad,sya naman wala sa bukabolaryo nya ang salitang hiya kaya kahit pag-chismisan na sya ng halos lahat ng team ko ay dedma lang. Hindi narin kami nagkikita ni Bailey, habang yung tatlo ay halos araw-arawin ang pagpunta dito sa plasyanda. Kinukutuban nga ako kina Jane at Dexter,e, laging nagkakapikunan. Naniniwala pa naman ako sa kasabihang ,the more you hate,the more you love. I'm aware that Dexter have a feeling for me,matagal na. Hindi ko nga lang maibigay sa kanya ag pagmamahal na gusto nya dahil hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. At ngayong nakahanap na sya ng katapat, I'II give my full support for them. At kasabay nga ng pananahimik ng buhay namin, ang syang pananahimik ni Kendall. Literal na pananahimik,nung nakaraang linggo pa sya nagkukulong sa kwarto nya at hindi talaga lumalabas kaya grabe na ang pag aalala ko. "Hindi pa rin sumasagot?" iling ang isinagot sakin ni Brayle nang utusan ko syang tawagin ang Tita Kendall nya para mag-umagahan. "Maupo ka na,ako nalang ang tatawag sa kanya." Umakyat nga ako sa taas at huminto sa tapat ng kwarto nya. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagsalita. Kumatok ulit ako at mas malakas ito kesa sa nauna. "Kendall,buksan mo to!!!" hindi yun pakiusap dahil mas nagtunog nag-uutos. I almost broke the door with the force of my knock but she still did not open it. Nang makaramdam ng pagod ay kusa na rin akong huminto sa pagkatok. "Kung may problema ka sabihin mo naman sakin,oh. Hindi yung ganitong nagkukulong ka nalang bigla,nag-aalala na kaya ako,kami ng mga bata. I thought we're sister...hindi ba ang magkapatid nagsasabihan ng problema? " pagdadrama ko nilagyan ko pa nang pasinghot-singhot effect para effective talaga. "W-well, kung hindi mo naman ako tinuturing na kapatid kahit manlang pagkakaibigan." Isa ito sa mga strategy ko kapag ganito ang sitwasyon, nangyari na ito 7 years ago,nung nag-away sila ni Vince. Ramdam kong may malaki syang problema dahil halos mag-iisang buwan na syang nagkukulong. Hindi ko lang sya matanong dahil alam kong hindi pa sya handang magkwento. I want to give her a time,like she gave me a time when I'm broken 5 years ago. "I-im sorry,Beshie" mahina lang ang pagkakasabi nya nun pero rinig na rinig ko. "It's okay,kumain ka nalang kapag nagutom ka may pagkain naman na nakahanda sa kusina. And please, wag mong hintaying ipasira ko itong pintuan bago ka lumabas dyan." "Beshie,naman e" "Hindi ako nagbibiro,Kendall. I give you a time, kaya ayusin mo yang sarili mo dahil magku-kwento ka pag-uwi ko,nagkakaintindihan ba tayo?" "....." "Kendall!" "O-oo na" "Good" akmang aalis na ako ng tawagin nya ako. "Ano yun?" "P-please,wag mong sasabihin kay Kuya ang nangyari sakin." Naikot ko ng wala sa oras ang eye balls ko sa sinabi nyang iyon. Malakas kong hinampas ang pinto nya na siguradong ikinagulat nya. "Aba'y kailan ko pa ginawang magsumbong kay Kuya Ken,huh?..." hindi naman sya nakasagot at mukhang narealize ang sinabi nya. Bumuntong hininga ako at medyo lumayo sa pinto ng kwarto nya, "Basta yung sinabi ko sayo hindi talaga ako magdadalawang isip ipasira itong pinto mo." Ng wala syang sinabi ay nagdesisyon na akong bumaba at samahang mag-almusal ang mga bata. Dumating rin ako ng mas maaga sa Plasyanda kaya ako palang ang tao. Naisipan kong tumambay ay may garden dahil ang tagal tagal na namin dito pero hindi ko ganung naa-appreciate itong garden dahil nga sa sobrang busy. Hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng garden lalo na kapag iniisip ko na matagal na itong hindi napuputahan,ayon na rin kay Mr.Chua,pero hindi pa rin nalalanta ang mga bulaklak. Siguro dahil may pumupunta parin dito para diligan sila? Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa second floor ng plasyanda. Ipinagbabawal ni Mr.Chua na gamitin ang second floor na yun sa hindi ko malamang dahilan. I wonder kung ano ang nandoon? Gustuhin ko mang tignan at alamin ay nakakabastos naman sa parte ni Mr.Chua. Naghintay pa ako ng ilang minuto at unti na unti na silang nagdatingan, at ang pinakahuli ay walang iba kundi si...Jane. Hindi magbabago ang pagiging late ni Jane baka magpa-party ako kapag nangyari yun. May sarili syang orasan at kahit pilitin ko pa na magbago na sya ay wala talaga. Buti nalang talaga at aktibo sya pagdating sa trabaho. Dumating ang oras na pinakahihintay ko...uwian. Hindi na kasi ako makapaghintay makausap si Kendall. Pero ang tadhana nga naman sadyang malupit pagdating sa akin. Papasakay pa lang ako sa kotse ay may humawak sa braso at walang sabi-sabi akong hinila. Inis ko namang nilingon ito at plano na sanang sigawan ng mapagtanto kung sino ito. Edi sino pa ba? Ang kaisa-isang tao na nagawa akong saktan at kayang patahimikin ang isang Sharlyn Mae Mendoza,kung sino man yang sumagi sa isip nyo ay tama kayo. Huminto kami sa tapat ng sasakyan nya at mahinang tinulak ako para makapasok. Nataranta naman ako at sinubukang buksan ang pintuan ng kotse nya,pero dahil isang Blake ang nagmamay-ari nito. Syempre hightect lahat pati sasakyan,umikot sya sa kabilang side at nang makaupo sa driver seat ay kumuha ako ng lahat para magtanong sa kanya. "Saan mo ko balak dalhin?" hindi nito pinansin ang tanong ko at sinimulan ng buksan ang makina ng sasakyan na mas lalong kinataranta ko. "Mr.Smith,I'm asking you." Hindi pa rin ito sumasagot kaya tinangka kong muling buksan ang pinto sa side ko pero katulad nung nauna, hindi pa rin mabuksan. Napatingin pa ako sa labas at kita kong nakatingin sa gawi namin sina Jane, nagtataka siguro kong bakit ako hinila ni Blake papunta dito sa sasakyan nya. "Wear your seatbelt." "Blake,buksan mo ito at bababa ako. Ano ba kasi---" "Wear your seatbelt" pag-uulit nito pero may diin this time yung pagkakasabi nya. Nagdalawang isip pa ako kung susundin ko sya pero sa huli ay nagdesisyon akong hindi. Kailangan ko pang makausap sa Kendall pag-uwi ko at saka sino ba sya para hilain na lang ako bigla? "Blake, I need to do something important. Kaya please, buksan mo itong---" literal na napahinto ako sa paghinga sa ginawa nyang paglapit sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha namin ay ramdam ko na ang hininga nyang tumatama sa pisngi ko at yung pabangong kinaaadikan ko dati. Mas lalo pa syang lumapit kaya hindi ko napigilang mapapikit at maikuyom ang mga kamao sa hita ko. May narinig akong kung anong tunog pagkatapos ay naramdaman kong lumayo na sya, kaya dahan-dahan akong napamulat at dun ko lang na-realize na sobrang tagal ko palang pinigilang huminga ang ending hiningal ako. Kinabit nya lang yung seatbelt ,Sharlyn. Wag kang ano!---wala naman akong ineexpect na ano,e. Napailing nalang ako dahil nagsisimula na naman akong kalabanin ang sarili ko. Sa mga ganitong sitwasyon talaga umaariba ang pagkabaliw ko,buti nalang hindi naman ng triplets ang ugali kong ito...hindi nga ba? "Tss" Nagtataka akong napalingon sa katabi ng suminghal ito. Anong problema nito? Mas minabuti ko nalang na manahimik dahil alam kong kahit sumigaw-sigaw pa ako dito,kung walang planong sumagot itong katabi ko,masasayang lang ang boses ko. But more than an hour has passed but we are still in the car. I feel like we have left Manila because I can hardly see any buildings. Tapos papagabi na rin,saan ba talaga kami pupunta? Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong nang huminto ang sasakyan. Napalingon naman ako sa likod at talagang nagsalubong ang kilay ko nang makita kong saan kami huminto. O-okay?...WHAT IS THE MEANING OF THIS?! "Blake---nasaan na yun?" I quickly got out of the car when I saw Blake outside. Hindi man lamang ako hinintay,well Blake will always be Blake. Dahil sa malaki ang biyas nya ay kailangan ko pang tumakbo para mahabol sya. Kakalabitin ko pa sana sya ng bigla itong huminto kaya napaatras pa ako. Seryoso itong nakatingin sa akin kaya hindi ko magawang makipag-eye to eye sa kanya. "Once we enter this restaurant, everything you see should be yours first. You have nothing to tell anyone especially...Lee" "Anong---Hoy,sandali lang!!" "Do you have any reservation,Ma'am,Sir?" yan kaagad ang bungad sa amin pagkapasok namin ng restaurant. Si Blake naman ang sumagot sa tanong nung receptionist habang ako naman ay napalibot ang tingin sa buong restaurant. Marami na akong napuntahan na restaurant at talaga namang lahat nang mga iyon ay napakaganda. All the employees are approachable and friendly,but this restaurant are different. The vibes and design of the restaurant are perfect,but there are something wrong about this place,or it's just my imagination? "Sharlyn?" nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Blake,nahihiya naman akong sumunod sa kanya dahil ako nalang pala ang hinhintay nila. Marami akong nadaanang mga magkasintahan na halata talagang masaya dahil sa ganda ng lugar tapos may pagka-romantic pa. Bakit ba kasi kami nandito? Kung ano ano na tuloy ang iniisip ko. Hindi naman sa feelingera ako... pero minsan kasi ganun ako. Tulad ngayon iniisip ko tuloy na magde-date kami pero alam kong hindi ito date, kaya nga gustong-gusto ko ng magtanong sa kanya ang problema nga lang hindi sya sumasagot!! Huminto yung waiter na nag-assist samin,sa table na may dalawang upuan. Umupo dun si Blake pero ako ay nanatili lang na nakatayo,umalis na yung waiter na naga-assist samin at tawagin nalang daw sya kapag mago-order na kami. Napatingala sa akin si Blake nagtataka siguro kung bakit nakatayo pa rin ako. "Seat" he command but I just shake my head and cross my arms. "Ano ba talagang ginagawa natin dito?Huh? Wala akong naaalala na close pala tayo, na pwede mo nalang ako hila-hilain kung kailan mo gusto." Pinilit ko talagang magtunog matapang at salamat dahil nagtagumpay naman. "I already answer your question a minutes ago,so stop questioning me and seat down." "Anong sinagot ang tanong ko---Aba'y ako ba pinagloloko mo? Yun tinutukoy mo bang pagsagot sa tanong ko,e, yung bago tayo pumasok dito sa restaurant?... " hindi nya sinagot ang tanong ko pero sa pagtaas palang ng kilay nya,e alam ko na ang sagot. "Anong sagot dun? Ang sinabi mo lang naman,e, wag kong sasabihin kanino man ang makikita ko,na hindi ko alam kung ano bang makikita ko, at wag na wag sasabihin kay Kendall...Tell me,anong sagot dun?" "....." "Mr.Smith,I'm waiting..." "....." "You know, kung hindi mo rin sasagutin ang tanong ko. I think I need to leave." Wala pa rin syang sinasabi kaya umiiling akong tinalikuran sya at nagsimula nang maglakad palabas ng restaurant. Nahiya pa nga ako kasi napalakas ata ang pakikipagtalo ko kay Blake,nakuha ko pa yung mga atensyon ng tao sa restaurant. Paglabas ko ay isang bagay ang bigla kong na-realize. Paano ako uuwi nito? Hindi ko dala ang bag ko dahil bigla nalang akong hinila ni Blake at mas lalong hindi ko pwedeng tawagan si Kendall dahil nasa bag ko yung celllphone ko!! Napapakamot ako sa ulong naghintay ng sasakyan pero halos maubos na ata ng lamok ang dugo ko, e, walang humintong sasakyan sa harapan ko. I close my eyes in frustration and turn my back to re-enter in the restaurant. I don't have a choice, hindi ko alam kung saang parte ba to ng maynila dahil first time ko lang pumunta dito sabayan pa na mukhang hindi ito dinadaanan ng mga pampasaherong sasakyan. Siguradong alam ni Blake na mangyayari ito sa akin. Kaya pala hindi nya ako pinigilan kanina. Pagkabalik ko sa table ay nandoon parin si Blake,prenteng nakaupo at may mga pagkain na sa table. Agad namang nagwala ang mga sawa ko sa tyan ng maamoy ang halimuyak ng mga pagkaing nasa harapan ko. No,Shalyn,don't lost your self! Bumalik ka para sabihin sa kanyang iuwi ka na,no more no less. "*Ehem*...I think,ikaw dapat ang maghatid pauwi sa akin tutal naman ikaw ang humila sa akin papunta dit---" "Seat and eat." "Mr. Smith, you're the one who drag me here so if you excus---ito na nga kakain na, letse!" ikaw ba namang makatanggap ng death glare sa isang Blake Jameson Smith, tignan ko lang. Pero syempre echos lang yung takot ko, ang totoo talaga nya yung pagkain talaga ang tumakot sa akin. Para kasi silang umiiyak sa harapan ko dahil tinatanggihan ko raw sila kaya wala akong nagawa. Ito talaga ang problema sakin paggutom, e. Walang nagbalak magsalita sa aming dalawa. Dahil ako busy kumain sya naman busy sa kaka-cellphone. Pasalamat nalang talaga at may tugtog dito kaya hindi ganung ka-awkward kahit hindi kami magsalita. Lumipas ang ilang minuto at halos ako lang ang nakaubos ng pagkain na nasa table, hindi ko rin naman maiitatanggi dahil gutom talaga ako. Halos masamid nga lang ako ng may pamilyar na tao akong nakita sa may likuran ni Blake. Talagang nagmature ito at hindi maipagkakailang masong gumwapo, ang hindi ko nga lang inaassahan ay yung kasama nya. Si Clarence na boyfriend ni Kendall ay may kasamang ibang babae at hindi lang iyon... they even kissed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD