CHAPTER 19

2099 Words
Sharlyn's POV "They really look like him, especially Brayle. The looks, attitude, the way he talk and that blank and emotionless eyes, anak talaga ni Blake. " Napalingon ako sa mga bata na naglalaro 'di kalayuan samin dahil sa sinabing yun ni Vince. At hindi mapigilang mapabuntong-hininga dahil totoo talaga ang sinabi nya, malakas ang lahi ng loko e. "Sharlyn..." nilingon ko si Dexter ng tawagin nya ako "Bakit?" I ask while smiling but my smile fade away immediately when an unexpected question come out from him. "How come?" dalawang salita lang 'yon pero alam ko na kaagad ang ibig sabihin nun. Inaasahan ko ng manghihingi talaga sila ng kasagutan sa'kin dahil alam na alam kong grabeng pagtitimpi ang ginawa nila para wag lang ako matanong. "Alam nyo sa totoo lang inaasahan ko na talagang magbubunga ang pagmamahalan namin ni Blake..." natatawa kong panimula at tinanaw ulit ang mga bata, "Ang hindi ko lang inaasahan ay ang...pagbabago nya." Agad nag-flashback sa isip ko yung mga panahon na nanlalamig na sa'kin si Blake. Mga oras na kung umuwi sya ay gabing-gabi na, meron pa nga na hindi talaga sya umuwi halos ikabaliw ko yun dahil kilala ko si Blake lagi nyang sinasabi kung nasaan sya dahil mabilis akong mag-alala lalo na sa kanya. Kapag tinatanong ko naman sya ay nauuwi lang sa pag-aaway pero naisip ko na siguro hindi lahat ng ganap sa buhay nya ay kailangan kong malaman kaya hindi ko na sya ganung tinatanong...pero nagbago nga ang lahat ng dumating ang araw na yun, kung saan kasabay ng isang magandang balita ay isang nakakawasak na katutuhanan. "Pero sa tingin ko mas maganda na ang ganito...ang nangyari yon. Kasi natutunan kong tumayo sa sarili kong mga paa, magsumikap at saka hindi naman ako pinabayaan ni Lord kasi kasabay ng pagkawasak ng puso ko ay sya namang pagdating ng mga anghel ko." "Hindi ka ba nahirap?" Vince asked "Hahaha syempre nahirapan pero ng tumagal ay nasanay na ako buti nalang talaga nandyan si Kendall, and thankful din ako kasi mababait ang anak ko." "Bakit hindi mo agad sa'min inamin na may anak sayo si Blake, na may pamangkin kami?" "Alam ng Diyos kung gaanong pagtitiis ang ginawa ko para lang hindi masabi sa inyo ang totoo, Dexter. Natatakot kasi akong baka sabihin nyo kay Blake...hindi naman sa kinukuhaan ko ng karapatan si Blake sa mga bata takot lang ako...takot na kunin nya sa'kin ang mga bata." "Paano mo naman nasabing kapag nalaman namin ang totoo, ate Sharlyn ay sasabihin namin kay Blake?" natigilan ako sa tanong na yun ni Keifer, tama nga naman sya. "At paano mo nasabing kukunin sa'yo ni Blake ang mga bata kapag nalaman nya ang totoo?" "Hindi ba ganun kadalasan ang nangyayari sa mga palabas?" "Hahahaha, you're overthinking, Sharlyn. Palabas lang yun, not real." "Kahit na, walang malalaman si Blake hanggat hindi ako nakakasiguradong kukunin nya nga sa'kin ang mga bata. Kaya kayo..." sabay turo bawat isa sa kanila "wala kayong sasabihin tungkol sa mga bata kay Blake, lalo ka na Vince." "Bakit ako?" react agad ni Vince ng paglakihan ko sya ng mga mata. "Kilala kita, sa laki ng bunganga mo kakasabi pa lang ata ng sikreto nakaabot na sa kabilang bayan." "Ayy, grabe naman sya." "O, bakit hindi ba totoo?" taas kilay kong tanong sa kanya. "Aba, syempre----ay, sige sige." Natawan nalang sina Dexter at Keifer ng sumuko si Vince, aba matakot na sya sa kamao ko. "Ewan ko sa inyong dalawa." "Anong sabi mo?!" "Ang sabi ko makakaasa ka!" Inirapan ko nalang sya dahil halata namang hindi yun yung binulong nya. Hindi naman na ulit sila nakapagtanong dahil nagsilapitan na ang mga bata at nagyayaya ng umuwi. **** It's friday, another tiring day of work. Kanina pa nakauwi sina Jane habang ako naman ay nagpaiwan dito sa Plasyanda dahil hindi ko pa natatapos ang pagda-drawing sa final summer outfit na irarampa sa susunod na buwan. Naisip ko kasing mas magandang walang maingay sa paligid ko para maraming idea ang pumasok sa'kin, mas nakakapag-consentrate kasi ako kapag ganun. Lalo pa't ito ang last, kailangan talaga bunga. Napatingin ako sa orasan na nasa table ko ng matapos na'ko sa drawing. Gabi na pala! Halos magkandahulog-hulog ang mga lapis ko sa pagmamadaling magligpit ng gamit. Bakit kasi hindi ko napansin ang oras? Siguradong nagta-tantrums na si Princess. Ng makapunta sa pintuan ay halos mapasigaw ako sa gulat ng pabarag itong bumukas. "B-BLAKE!" At bago pa sya lumagapak sa sahig ay nasambot ko na sya, nagkalat tuloy sa paligid ko ang mga bondpaper na dala ko. Nilingon ko si Blake dahil amoy alak sya, wag mo sabihing lasing 'to? "O-oy, Blake gising." Panggigising ko sa kanya na sinabayan pa ng pag-alog sa balikat nya. Gumalaw naman ito pero halos ma-estatwa ako ng maramdaman ko ang labi nya sa balikat ko. Naka-off shoulder pa naman ako!! "Sharlyn..." Halos magtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng medyo tamaan ng ngipin nya ang balikat ko sa pagtawag sa'kin. Please lord! Wag naman po ngayon. "B-blake, umayos ka---BLAKE!" "Sharlyn..." Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap nya sa'kin pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap nya sa'kin. Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to!? "Blake, umayos ka baka may makaki---" "I want you...back" "BESHIE! ARE YOU WITH US!" "Ay,kabayo---Kendall, ba't ka ba naninigaw?" inis kong tanong sa kanya, muntikan na kaya akong mahulog. "Ay, so ikaw pang galit? For your information KA.NI.NA pa kita tinatawag." Para naman akong napahiya ng sabihin nya yun kaya lumingon na lang ako sa ibang direksyon. "Ano na naman bang problema? Simula pa kagabi ay ganyan ka, may nangyari bang masama?" "W-wala" halos mamura ko ang sarili dahil nagawa ko pang mautal. Huli ka, Sharlyn. "Aahhh, talaga ba?" "N-nandyan na ba sina Mom?" pag-iiba ko ng topic, inirapan naman nya 'ko pero sinagot rin ang tanong ko. "Malapit na daw sila, kaya nga tinatanong kita kung anong lulutuin natin? E sa sobrang LALIM ng iniisip mo na WALA naman kuno, ay hindi mo'ko masagot-sagot." Talagang may diin e. "Sorry naman." "Whatever, so ano ngang lulutuin natin?" "Yung favorite nalang nila." "Okay." At nagsimula na nga kaming kumilos. Inaasahan kong simpleng handa lang ang gagawin namin dahil hindi naman ganun ka-sosyal sila Mom, pero dahil nga kasama ko si Kendall sa paghahanda ay mala-piesta ang nangyari. Sobrang dami naming naluto! "Anong gagawin natin sa iba, ang dami nito?" natataranta kong tanong habang pinagmamasdan ang mga putahe sa harapan ko. "Ano ka ba, Beshie syempre para bukas at saka don't worry pupunta sina Mom dito kaya siguradong mauubos ang mga ito." Chill na sagot nya sa'kin, hindi nalang ako nagsalita pa at naghanda nalang ng mga plato. "SHARLYN!MY GRANDCHILDS! KENDALL, IJA!" Sabay kaming napahinto ni Kendall ng marinig ang sigaw na yun at nagkatinginan. Nandyan na sila. We immediately finished what we were doing and left the kitchen at the same time. At hindi pa man gaanong nakakalapit sa pintuan ay rinig na rinig ko na ang malakas na boses ni Mom. "Where's your Mom, my beautiful apo?" rinig kong tanong ni Mom sa buhat buhat na si Princess, ituturo nya na sana ang direksyon sa kusina ng makita na nila akong papalapit. "Mom" "Sharlyn" binigayan ko sya ng halik sa pisngi at isinunod naman ay si Dad na buhat buhat ang dalawa kong binata. "Dad...how's the ride?" "Maayos naman, nabingi lang ako sa kaingayan ng Mom mo." Pagsusumbong ni Dad, natawan naman kami ni Kendall habang si Mom naman ay nagreklamo. "Hoy, Frediricko Mendoza ano yang sinasabi mong nakakabingi ako? Baka nakakalimutan mong nandito ako." "Hon---" "Wag mo kong matawag-tawag na honey pagkatapos mong sabihan ako ng masama." "Hahaha, okay Dad, Mom tama na yan. Remember nandito ang mga bata." Pang-aawat ko, mukha namang na-realize nilang nasa harapan namin ang mga bata kaya huminto na sila, pero humabol pa ng irap si Mom kay Dad bago pumunta sa sala habang buhat-buhat si Princess. Napailing nalang si Dad at sumunod din, nakangiti ko lang syang sinundan ng tingi hanggang sa magkatinginan kami ni Kendall. "Mukhang magkakaron ng suyuan mamaya,a" she said while laughing. "Mukha nga...nasaan na nga pala sila Tita?" "Malapit na ang mga yun." Bumalik na ulit kami sa kusina dahil hindi pa namin tapos ang desserts at drinks. Hindi ko na nagawang makipagkwentuhan kela Mom dahil busy na sila sa mga bata, and knowing na magkagalit sila ngayon siguradong baka madamay pa'ko sa away nila. Hindi naman nagtagal ay dumating na sila Tita kasabay ng pagkatapos namin ni Kendall sa paghahanda. It's just a normal dinner, nagkamustahan, nagkwentuhan at mayroong nagkabatian, kilala nyo naman kung sino, sina Mom and Dad. "Sharlyn, wake up." "Mmm..." "Kailangan mo ng tumayo dyan dahil anong oras na. Wala ka bang trabaho ngayon?" "Wala po,Mom" inaantok kong sagot habang nakatabon ang mukha sa unan. "Good timing, dahil may iuutos kami sayo ng Dad mo. So get up and ready your self." Naramdaman ko nalang na may humila sa kumot ko at may bumukas ng kurtina ng kwarto ko. Tuluyang nawala ang antok ko ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at iligpit ang hinigaan ko. "Ang mga bata, Mom?" "Kumakain sa baba, nga pala isasama ko ang mga apo ko at maggagala kami." She said while helping me make my bed. "No, problem Mom, basta isama nyo sa inyo si Kurt." "You're still---" I cut her "Mom, for safety." "Okay,okay...later tell me from the very start, okay?" "I will,Mom" mahina kong tugon sa kanya at pinagpatuloy ang pagliligpit. Kagabi kasi ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon ikwento sa kanila ang nangyari sa'min noong nakaraang buwan. Gustuhin ko man ay hindi ko magawa dahil buong gabing nakadikit sa kanila ang mga bata, gusto ko kasi hangga't maaari wala munang marinig ang mga bata tungkol sa insidente noong nakaraang buwan. Tama na yung naranasan nila at wag ng balikan pa. Ng makababa ay sa kusina ako kaagad pumunta naabutan ko namang nag-aalmusal si Kendall. "Good Morning." Bati ko dito "Morning, kain na" Umupo naman ako sa upuan ko at halos manlaki ang mata ng ma-realize kung gaano kadaming pagkain ang nasa hapag ngayon. Nanlalaki mata akong napalingon kay Kendall at bago man ako makapagtanong ay inunahan nya na'ko. "Hindi ako ang nagluto ng mga yan, si Tita. Pa'no? nagpabili sya ng mga ingredients kay Kurt." Pagsasagot nya sa itatanong ko sana. Hindi lang ako makapaniwala dahil halos ganito din kadami ang naluto namin kagabi, buti na nga lang naubos namin yung mga pagkain kagabi, pero ito...hindi ko nalang alam. Nanahimik na lang ako at nagsimulang ng magsandok. I can't help to smile when a taste the cook of my mother, matagal-tagal na rin kasi nung huli akong nakatikim ng luto nya. "May trabaho ka ba ngayon?" pagpuputol ni Kendall sa katahikan. "Wala, weekdays kaya." Medyo may pagka-sarcastic kong sagot sa wala nyang kwentang tanong, parang bago lang kaming nagsama sa iisang bahay at hindi nya alam, Tsk. "Ay, oo nga nu." Inirapan ko nalang sya at pinagpatuloy ang pagkain. Ano kaya yung iuutos sa'kin nina Mom? "W-WHAT!?" "Ang sabi namin pumunta ka sa condo ng Ate Shane mo at dalhan mo sya nitong niluto kong ulam." Pag-uulit pa ni Mom sa sinabi nya at pinakita pa sa'kin ang lunch bag na may laman ngang ulam. "But, Mo---" "Sharlyn, just this one." Natigilan ako sa sinabing 'yon ni Mom at may isang bagay na na-realize. It's been a years, simula ng itakwil nila si Ate sa pamilya namin. Tulad nga ng sinabi ko nung una hindi na ako ganung kagalit sa kanya, pero hindi naman ako santo para agad syang patawarin. Hindi ko kasi mapigilang masaktan lalo pa ngayon na mukhang pati puso ko ay niloloko ako, pilit ko mang itanggi sa sarili ko ay...nagseselos ako kapag magkasama sila ni Blake. Pero ginagawan ko naman na ng paraan itong nararamdaman ko, hindi ko na kasi gustong masaktan sa parehong dahilan. Ang problema ko lang, kasabay ng pagpigil ko sa nararamdamang ito ay sya ring pagpapakita sa'kin ni Blake ng mga kilos na hindi ko maintindihan. Sana lang talaga kung plano nya ulit akong saktan wag nya ng ituloy...marupok kasi ako. "Sige na nga po. Saan po ba yung condo nya? " Wag lang sana ako magsisi sa pagpunta ko dun. **** Wattpad Acc: ValynGirl1314
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD