CHAPTER 16

2614 Words
Sharlyn’s POV "The operation was successful…pero dahil sa dami ng sugat na natamo ng bata maraming dugo ang nawala. I'm sorry,Ma’am but unfortunately the hospital ran out of blood type O,na blood type ng anak nyo, so you need to find a donor as soon as possible. Dahil may posibilidad na hindi kayanin ng katawan ng bata." “Beshie,kailangan mong kumain. Kanina ka pa hindi kumakain,anong oras na,oh. It’s already 12 am for god sake!” “Kumain na ba ang mga bata?” tanong ko sa kanya at sinulyapan sina Jhon at Princess na nakahiga sa sofa at mahimbing ang mga tulog. “Oo,” sagot nya, ibinalik ko naman na ulit ang atensyon kay Brayle na ngayon ay nakahiga at puno ng apparatus sa katawan na nasa harapan ko. Hindi ko napigilang maging emosyunal na naman dahil sa nakikita ko ngayon. “Beshie, naman e” mabilis na lumapit sa akin si Kendall at niyakap ako, niyakap ko rin sya pabalik at ibinaon ang mukha sa tyan para hindi makalikha ng ingay ang pag-iyak ko. Habang hinihintay namin kanina matapos ang operasyon ay ikinuwento sa akin ni Kendall ang lahat. Hindi lang basta-basta nasagasaan si Brayle ayon sa kanya dahil…may tumulak dito. Gusto nya kasing makita ang mga bata para na rin kamustahin pero iyon ang nasaksihan nya paghinto ng sasakyan nya sa harapan ng school. Agad syang bumababa ng sasakyan nya at pinuntahan si Brayle na duguang nakahiga sa kalsada,hindi ko napigilang umiyak habang ikinukwento iyon sa akin ni Kendall. Tumawag kaagad ng ambulance ang mga taong nakakita at isinugod sa ospital si Brayle. Sa kanya ko rin nalaman na kaya wala si Kurt nung pumunta ako dito ay dahil hinabol nila,kasama si Bailey, yung lalaking tumulak sa anak ko. At ngayon ay hawak na ng mga pulisya yung taong iyon ang problema lang ay hindi ito sumasagot sa mga tanong sa kanya ng pulis. Gustuhin ko mang pumunta sa prisinto at saktan ang lalaking iyon ay hindi ko magawa dahil na rin kay Kendall. Hindi nya inaalis ang paningin sa akin dahil alam nyang sa mga oras na ito kaya kong maging masamang tao maipaghiganti ko lang ang anak ko. Sila Kurt at Bailey ang bahala dun sa lalaki kaya wag na daw akong pumunta ayon na rin kay Kendall. Buti nalang din talaga at hindi ko na kailangang pumunta dun kahit gustong-gusto ko rin, hindi ko kasi alam ang magagawa sa lalaking yun once na makita ko sya. Nang tumigil na ako sa pag-iyak ay humiwalay na rin ako kay Kendall, humila naman sya ng upuan at ipinuwesto iyon sa tabi ko para maupo. Tahimik lang kaming nakatingin kay Brayle ng basagin ko ang katahimikan. “Ano nga palang sinabi nila Dexter?” “Nagtanong lang naman sila kung anak mo nga ba sina Jhon at Princess,sinabi ko naman oo wala rin namang dahilan para i-deny ko dahil nakita na nila.” “Ganun ba…” “Sinabi ko rin sa kanila na sana wag muna silang magtanong kung paano at kailan kasi nga alam kong hindi mo rin sasagutin ang mga tanong nila, at naiintindihan naman nila.” “Thank you,Kendall.” Hindi ko kasi alam ang sasabihin at gagawin kela Dexter kung nagkataong wala si Kendall. “Welcome…sorry nga rin pala sa sinabi ko sayo that day, dapat hindi muna ako nago-overreact at pinaniwalaan yung mga sinabi mo.” Taka akong napalingon sa kanya at nalilito sa sinabi. “Anong sinabi ko?” “When you said that Clarence is cheating on me.” Napa-ahh naman ako sa sagot nyang iyon, akala ko naman kung ano yun lang pala. “It’s okay, basta ang mahalaga nalinawan ka na at nakalaya sa kanya ng maaga.” Sincere kong sabi sa kanya. Kinuha nya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. “Babawi ako,” “Dapat lang,” Damang-dama ko ang paghampas ng malakas na hangin sa mukha ko habang nakatanaw sa mga bahay-bahay galing dito sa rooftop. Malapit ng lumabas ang araw pero heto ako at gising na gising. Nakatulog si Kendall kanina dahil siguro sa pagod habang ako naman ay kabaliktaran. Kaya napagdesisyunan kong salubungin ang araw. Wala namang tao dito kaya solong-solo ko ang buong rooftop, kailangan ko lang rin mapag-isa para makapag-isip-isip. Pakiramdam ko kasi bigla nalang akong magbe-break down anytime. Masaya akong maayos ang naging operasyon kay Brayle pero namomroblema pa rin ako dun sa sinabi ni Doc na kailangan nyang masalinan ng dugo as soon as possible. Wala akong pakealam kung maglalabas ako ng malaking pera, ang pagkukuhaan ng dugo,oo. Hindi ko ka-blood type si Brayle pati na rin si Kendall. Si Princess ay oo, pero bata pa sya at baka sya ang malagay sa piligro kung magkataon. May kilala akong isang taong ang blood type ay O, but once I ask for his help…I know it’s the end. Kung ako ang tatanungin hinding-hindi ako manghihingi ng tulong sa kanya…pero kapag nakikita ko ang nakahigang si Brayle sa ospital bed…nagdadalawang-isip ako. “Ano ng gagawin ko?” Nanghihina akong napaupo at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin! “Kung pwede lang…kung pwede lang ako nalang.” “Oo,ikaw…ikaw ang sunod.” Nagulat ako sa nagsalitang iyon sa likuran ko at handa na sanang lingunin. Ng may panyong nagtakip sa bibig ko at nakalanghap ng kakaibang amoy na naging dahilan ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko. “Mmm…” Bakit ang dilim?...W-wait---ang natatandaan ko nasa rooftop lang ako at umiyak ng bigla--- “Mukhang gising na sya,pare,tawagin nyo na si Boss.” May bigla akong narinig na nagsalita at mukhang lalaki. “S-sino kayo?! A-anong kailangan nyo sakin? Bakit nakatali ako?” sunod-sunod kong tanong at pilit tinatanggal ang tali sa mga kamay ko. Walang sumagot sa tanong ko kaya hindi ko alam kung may tao pa ba o wala dahil na rin sa nakapiring ako kaya wala akong makita. Pero may nararamdaman akong mga presensya kaya alam kong may tao. “Huy,sumagot kayo!! Nasaan ako?! Pakawalan nyo ko?!---” “Oww, buti naman at nagising ka na.” natigilan ako ng makarinig ng boses nang babae, nagsalubong ang mga kilay ko at hindi maintindihan ang nangyayari. “Matagal ko ng hinihintay ang oras na’to at salamat naman dumating na…long time no see,Sharlyn.” Napatingala ako ng hindi ko inaasahan dahil may humawak sa baba ko at marahas itong inangat. “S-sino ka? Bakit kilala mo’ko?” nahihirapan kong tanong sa babaeng nasa harapan ko. Alam kong babae dahil na rin sa boses nyang may pagkamatinis. Napasinghal naman yung babae sa tanong ko at pabalang na binitawan ang mukha ko. Ramdam kong pumunta sya kanang gilid ko at marahang hinawakan ang buhok ko. Medyo nagulat pa ako. Pero mas namumutawi sa sistema ko ang kaba at takot. Hindi ko sila kilala at hindi ko rin alam kung bakit nila ako kinidnap. “Ako? Sino ako?...Sino nga ba ako,Sharlyn?” may pagkamahinhin nyang pabalik na tanong sa’kin. Ibinulong nya pa sa may kanang tainga ko yung huli nyang sinabi. Napalunok naman ako sa sariling laway. Na-realize ko rin na pinipigilan kong huminga nung maglakad sya palayo sa akin. O-okay,can somebody tell me what’s going on here? Kasi hanggang ngayon nalilito pa rin ako. Alam kong dapat sa mga ganitong sitwasyon ay natataranta na ako pero iba ang nangyayari,siguro naubusan na ako ng lakas dahil sa pagod at kakaiyak kanina. Maraming mga katanungan na namumuo sa utak ko ngayon kesa sa dinami na ng tinanong ko sa kanila na ni isa ay walang sinagot. Katulad nalang ng, sino yung babae? Bakit pakiramdam ko narinig ko na yung boses nyang yun? Bakit nya ginawa to sa’kin to? Ano ang ibig sabihin nung sinabi nyang sino nga ba ako, Sharlyn? Bakit ramdam kong may matinding galit sya sa’kin kahit hindi naman nya ako sinigawan? At marami pa, na talaga namang nagpapasakit ng ulo ko. Marami akong problema ngayon bakit nakisabay pa to? Sinong magliligtas sakin? O kung meron ba. “KUMILOS NA KAYO,MUKHANG NALAMAN NA NILA…SHIT!BILISAN NYO!!” Kendall’s POV Nasan na ba yung babaing yun? Anong oras na,o? Kinakabahang pinidot ko ulit yung number ni Beshie at nagbabakasakaling sasagutin nya na. Pero katulad pa rin ng kanina ay walang sumagot. I tweaked my hair in no time because of frustration and preventing myself from leaving this room. Walang magbabantay sa pamangkin ko at baka rin biglang bumalik si Beshie dito. Wala akong nagawa kung hindi ang mapaupo sa single sofa at kinukumbinsi ang sariling ayos lang si Beshie. Kanina ko pa kasi sya tinatawagan dahil bigla nalang syang nawala nung magising ako. Ikaw din naman kasi Kendall, bakit ka natulog? Alam mo namang wala ngayon sa sarili si Sharlyn nagawa mo pa talagang magpahinga habang yung kaibigan mo e,hindi man lamang makakain. Napahilamos ako ng mukha at hindi mapalagay. Sana lang talaga ayon lang si Beshie. “Ano nakita nyo?” bungad ko kaagad kina Dexter ng makabalik sila galing sa paghahanap kay Beshie. Sabay-sabay naman silang umiling kaya nanlulumo akong napaupo ulit sa sofa. “Wala ka ba talagang alam na lugar kung saan sya possible pumunta kapag depress?” inilingan ko naman si Dexter ng tanungin nya yun. “Wala, alam nyo naman na kakauwi lang namin tapos busy pa si Beshie sa trabaho at sa mga bata. Kaya imposibleng may ibang lugar syang pinupuntahan.” Paliwanag ko sa kanila. “E sa plasyanda,napuntahan nyo na ba?” “Hindi pa pero tinawagan namin yung mga tao dun at sinabing walang Sharlyn na pumunta dun.” Pare-pareho kaming natahimik at umiisip ng lugar kung saan ba posibilidad na pumunta si Beshie. Kahit nga si Keifer na alam naman nating napakakulit ay seryoso ngayong nagiisip. Napasulyap ako sa mga pamangkin kong sobrang himbing ng tulog sa dala-dalang higaan ni Keifer. Napakapayapa ng pagtulog nila at talagang hindi mapagiisipang saktan sila, alam kong mamaya ay hahanapin nila si Beshie dahil nung dumating sila kanina dito ay wala, at hindi ko pa alam kung anong palusot na naman ang sasabihin ko. “Lalabas lang ako.” Mahina kong sambit na tinanguan naman nila. Pupuntahan ko yung mga lugar na dati naming pinupuntahan 5 years ago. I’m not sure kung makikita ko ba doon si Beshie,but I’ll try. Nagmamadali akong pumunta sa sasakyan kong naka-park ng may mahagip akong hindi iaasahang tao di kalayuan sa ‘kin. I immediately stop and look to that person with full of anger in my system. Hinding-hindi ko pa rin talaga nakakalimutan yung ginawa nyang panloloko sa’kin. Nagalit ako kay Sharlyn, kay Beshie na halos kapatid ko na, dahil sinisiraan nya ang boyfriend---I mean ex-boyfriend, na totoo naman talaga. At talaga namang ang kapal ng loko, papalapit sya sa akin ngayon, yeah sa direksyon ko at may ngiti pa sa mga labi. Hindi naman pantay ngipin,tsk. “Hi…Ex,” napairap ako ng wala sa oras ng iyon ang sabihin nya ng makalapit sa’kin. “Hello” walang kagana-gana kong bati sa kanya, kahit naman kasi niloko nya ako at parang wala lang sa kanya yung paghihiwalay namin. Hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na sya papansinin. “How are you? Nakita kitang galing sa loob ng ospital? Are you okay? Is there something---” I cut him. “I need to go,I’m sorry.” Hindi ko sasayangin ang oras ko sa kanya, not anymore. Tinalikuran ko na sya at sasakay na sana sa kotse ng mapahinto ako sa sunod nyang tinanong. “Did you find, Sharlyn?” Kunot noo akong napalingon sya at nagtataka sa tanong nyang yun. How did he know that were looking for Besh---don’t tell me? “Paano mo nalamang hinahanap namin si Beshie?” He just shrugged his shoulder and smirk. Nagsimula namang uminit ang ulo ko at sinugod sya. Agad kong dinakma ang kwelyo nya at pinalapit sa mukha ko, hindi nya inaasahang gagawin ko yun dahil halata sa mukha nya ang gulat na kalauna’y napalitan ng isang nakakapikong ngisi. “Nasaan si Beshie?” nagtitimpi kong tanong sa kanya. Tama talaga ang hinala kong may nangyaring masama kay Beshie, kilala ko ang isang yun e. “Sagutin mo ang tanong ko Clarence hindi ko gustong gumawa ng eksena dito. So answer my damn question, where is Sharlyn?” “Hihiramin lang naman namin sya, that’s all. Then ibabalik namin sya ng maayos… depende na nga lang kung buhay pa namin syang ibabalik sa inyo.” Kusang gumalaw ang kamay ko sa huli nyang sinabi. Sigurado akong may nabaling buto sa ilong nya dahil tumunog talaga. “f**k!” napahawak sya sa ilong at bumalatay ang gulat sa mukha nya ng may makitang dugo sa kamay. I also heard the screams of people around me but I didn’t mind it anymore. “What’s wrong with you?!” nanggagalaiting tanong sa’kin ni Clarence ng bumaling sa’kin. “What’s wrong with me?...Hindi ba dapat sarili mo ang tanungin mo nun. Nasaan ang kaibigan ko? Anong kailangan nyo sa kanya? Ikaw…anong kailangan mo sa kanya?”galit kong tanong sa kanya at dinuro duro pa yung dibdib nya. Sinisigurado kong ramdam nya talaga yung kuko ko dahil the f**k he just said to me earlier that my bestfriend could be dead when she came back to us. I’m not stupid para hindi malamang may kinalaman itong tarantadong to sa pagkawala ni Beshie. Sabi ko na nga ba at may masamang balak ang isang ito kaya pinilit sila Mom na makipag-relasyon sa’kin. At ako namang uto-uto at masunuring anak…pumayag. Yes, all those kilig moments na nakita ni Sharlyn sa’kin na ang dahilan kuno ay ang tarantadong ito…are fake. Clarence’s parents and my parents are good bestfriends…when it’s all about bussiness, kaya hindi makatanggi sila Mom nung sinabi ng tarantadong to na gusto nya akong ligawan. Ang kapal ng mukha… Yung galit-galitan moments ko rin kay Sharlyn…ay hindi totoo. All this time alam kong may hindi magandang motibo itong tarandong to. Kaya nung sinabi sa akin ni Beshie na nagtataksil nga sa’kin ang isang to. Naghanap agad ako ng ibedensiya para ipakita kela Mom at ng matigil na ang kalukuhang rela-relasyon na gusto ng isang to. “Bakit ayaw mong sagutin yung mga tanong ko?...NASAAN ANG KAIBIGAN KO?!” “Shut the f**k up.” Hindi ko inaasahan yung susunod na gagawin ni Clarence ng itaas nya ang kanang kamay para sampalin ako. Napapikit naman ako at hinihintay na tumama sa akin yung palad nya, pero lumipas ang ilang segundo ay walang dumikit sa mukha ko. “Pare,babae yan.” Dahan-dahan akong napadilat ng makilala kung kaninong boses galing yun. “Vince?...” awkward itong lumingon sa’kin habang hawak-hawak parin yung kamay ni Clarence na isasampal nya sana sa’kin. “Nag-aalala kasi ako kaya sinundan kita.” Pagpapaliwanag nito kahit hindi pa ako nagtatanong, ibinalik nya ulit kay Clarence ang atensyon. “Buti nalang sinundan kita,baka nasaktan ka pa niya.” Inis namang binawi ni Clarence ang kamay at tinalikuran na kami. Binigyan nya pa ako ng masamang tingin bago sumakay sa kotse nya at humarurot paalis. Bumalik lang ako sa reyalidad ng tanungin ako ni Vince kung okay lang ako. “S-si Beshie…” “Bakit alam mo na kung nasaan sya?” “H-hawak nila si B---” Hindi ko natuloy ang sasabihin ng biglang tumunog yung cellphone ko. Agad ko naman itong tinignan at nakitang may nag-text sa’kin na unknown number. Nung una nagtaka pa ako pero binuksan pa rin iyon, at halos matumba ako ng bumungad sa akin ang isang litrato. “Are you okay,Kendall?” natatarantang tanong ni Vince nung makitang tutumba ako,iniharap ko naman sa kanya yung cellphone. “s**t,Sharlyn!” **** Wattpad Acc: ValynGirl1314
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD