Kabanata 5
Tumingin ako sa kanya ng kinuha niya ang coat niya na nakasabit sa likod ng swivel chair tumingin siya sa akin bago niya inaot ang kanyang susi.
"Lets go." Nag tataka man ay sumunod na lang ako sa kanya, dumaan ako sa table ko ay wala na doon ang gamit ko. Nang makita kong bitbit niya na ang bag ko ay nag madali akong sumabay sa kanya.
"Sir, yung bag ko?" tumingin siya sa akin at sa bag ko na hawak niya at sa kamay ko ulit at agad ko namang tinago sa likod ko ang kamay ko.
Hindi naman ganun kalaki ang sugat pero kung maka-react ay parang nasaksak ako ng fiance niya. Napa buntong hininga na lamang ako. Nauna siyang lumabas ng elevator marami ang nakakapansin sa bag ko na hawak niya, hindi naman 'yun mamahalin pero maagaw talaga yun ng pangsin lalo na kapag isang matipunong lalaki na naka suit pa ang may bitbit nito.
Hinabol ko siya para makuha sana ang bag ko sa kanya pero nilipat niya naman kaagad yun sa kabila niyang kamay. Napatampal na lang ako ng noo sa kahihiyan. Nauna na lang ako sa kanya sa paglalakad, hindi ko na rin pinansin ang ilang bulungan na naririnig ko sa mga tao na nadadaan ko. Ng makalabas ako ay agad akong pumasok sa sasakyan niya, sumunod naman siya sa'kin at agad na inabot ang bag ko.
"Where are we going?"
"My work." Oh, napatango ako sa kanya muntik ko ng makalimutan na model din pala siya at nabasa ko kanina sa schedule niya na may appointment nga siya.
"Bat kasama pa ako kung ganun?" Tumingin siya sa akin. Kinabahan ako ng di niya pa binabalik ang tingin sa daan!
"Sa daan ka tumingin!" Natataranta kung saad, agad naman niyang binawi ang tingin sa akin at patuloy na siya sa pag dridrive. Wew! Buti naman ayaw ko pa mamatay.
"You scared?" wow! Nice question Weven! "Don't worry I know what I'm doing and I just can't help it." He said. Help what? To stare at me while driving? Umirap lang ako sa kanya, how playboy!
Hindi naman ganun kalayo ay nakarating na kami sa isang brand cloths ng makapark na siya ay agad na akong lumabas sa sasakyan niya at hindi na siya hinintay. Ngayun ko lang na realize na boss ko nga pala siya, babalik na sana ako sa labas ng pumasok na siya.
Seryuso lang siyang nakatingin sa'kin at umiling na para bang may nakakatawa sa'kin. At syempre binabawi ko na ang sinabi ko. Lumapit siya sa akin at hinila ako sumunod na lang ako sa kanya at hindi na nagreklamo pa.
Agad na sumalubong sa'min si Claire siya yung babae na sumalubong din kay Weven noong araw ng kasal ng kapatid niya. Muntik ko ng makalimutan si Cade! Dali dali kung kinuha ang phone ko sa bag ko para icheck kung tumawag ba siya at tama nga ako, naka ilang missed call siya sa akin.
Agad ko naman siyang tinawagan hindi pa nag ta-tatlong ring nang sagutin niya ang tawag ko.
"Hi, miss beautiful," napangiti naman ako sa turan niya.
"How are you, Cade?" Tumingin muna ako sa palagid ko ng mataman ko na nakatingin sa'kin si Weven umiwas ako ng tingin sa kanya at nag hanap na muna ng lugar na wala masyadong tao.
"I'm fin---- Leah, don't touch my watch please," napatingin ako sa screen ng phone ko ng marinig ko na pinatayan ako, nawala ang saya ko dahil sa ginawa niya.
Come on Kate may asawa na ang taong yun kaya di ka dapat makaramdam ng selos! Babalik na sana ako ng mag ring ulit ang cellphone ko ng makitang si Cade yun ay agad ko namang sinagot.
"I'm sorry for that," nahihimigan ko ang pag alanganin niya. Natawa naman ako sa kanya. "No, no, its ok. I understand. Mukhang nakaka-mabutihan na kayo ng asawa mo ah." Tudyo ko sa kanya.
"Tsk, I'm not. You know that its not my thing." Napa-irap na lamang ako sa hangin.
"So how are you?" Natigil ang pag mumuni ko noong tinananong niya ang bagay na 'yun. Napabuntong hininga na lamang ako.
"I'm ok, but our bussiness is not, I think my father would sell of company." Mahina kung sabi ko alam ko rin namang narinig niya.
"You know that I can help your company right?" isa si Cade sa mga successful na bachelor sa Pilipinas, bata pa lamang ay marami ng napapatunayan sa larangan sa pag nenegosyo.
"No need, Cade ayuko din naman na makaabala pa sayo at problema to ng pamilya namin at alam mo naman na siguro na may asawa ka nang tao hindi ba? Mahirap na kung ano pang isipin ng mga tao." Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Pero hindi kana iba sa akin Kate, you know that you're so important to me." Napangiti naman ako sa sinabi niya at napagaan niya kahit papaano ang loob ko.
"If you need my help just call me 'kay?"
"Yes, sir." Pabiro kong sagot sa kanya at sabay kaming tumawa.
"Silly, Gonna hang up na, uuwi na kami bukas see you, I miss you."
"I miss you too, Cade." Binaba ko na ang tawag at bumalik na sa kung saan kanina sina Mr. Villan pero wala na sila doon buti na lang at nakita ko si Claire na agad siyang kumaway sa'kin ng nakita niya ako.
" Saan ka galing? Kanina kapa hinahanap ni Mr. Villan! Galit na galit pag ka balik!" Mabilis niya akong hinila sa studio kung saan sila nag pipicturial. Agad na tumama ang paningin niya sa akin pero agad akong umiwas ng tingin pano ba naman mag kasalubong ang dalawang makapal na kilay.
Tumambay na lang ako sa gilid hindi ko na din inabala si Claire kasi pag kapasok namin sa loob ay agad siyang nautusan, tutulong na sana ako sa kanya pero di siya pumayag. Kaya naman wala akong choice kundi ang tumayo na lamang sa gilid.
"Smile, Mr. Villan!" Pasigaw na utos ng Photographer pero hindi man lang siya sumunod napakamot na lang ang lahat nang tao na naruroon pati na rin ako. Dinalaw nanaman ata.
Humikab ako ng makaramdam ako ng antok, gusto ko sanang matulog pero hindi naman ito ang oras ng pag tulog, babawi na lang ako mamaya pag uwi.
Napatingin kami sa babae na kakarating lang hinihingal pa galing sa pagtakbo. Nakahawak siya sa kanya tuhod at hinahabol pa ang pag hinga.
"Nasan si Diane?" Tanong ng make up artist pero umiling lang ang babae.
"Ano?! Nasaan siya?" Napatingin sila Mr. Villan ng medyo napalakas na ang pag sasalita ng make up artist.
"Ano ang problema, Ken?" Tumingin naman si Ken kay Mr. Villan at sa Photographer.
"I'm sorry Mr. Valdex pero hindi daw sisipot si Diane may importante daw siyang gagawin ngayun araw." Nahihimigan ko ang takot sa kanyang boses, napatingin naman kami kay Mr. Villan ng marahas siyang tumayo sa kinauupuan niya kanina at lumapit kay Mr. Valdez.
"Tell her that she's fired or else everyone will gonna be fired." Agad namang tumango si Mr. Valdez kay Weven, hinila niya ang upuan niya at nilagay niya sa unahan ko. Tumingin ako sa kanya ng nagtataka at sa upuan na nasa harapan ko. Ng hindi ko magets ang kilos niya ay agad niya akong hinila at pinaupo.
Kumuha siya ng kanya at umupo siya sa tabi ko. Nakikita ko ang tingin nila sa'min na para bang nakakagulat na bigyan niya ako ng upuan, ganun ba talaga kapag gentleman sayo ang isang tao?
"Paano tayo makakahanap ng panibagong model kung malapit na ang---" Hindi na natuloy ni Mr. Valdez ang sasabihin niya ng tinuro ako ni Mr. Villan.
"Train her." What? Lahat sila ay napatingin sa'kin samantalang napatingin naman ako sa kanya na gulat, tumingin siya sa'kin ng seryuso at tumango parang sinasabi niya na igrab ko na lang.
"Afhm, I'm not going t----"
"Leave us alone, we're going to talk." Agad namang umalis ang lahat ng tao at kaming dalawa na lang ang naiwan. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko, ayaw ko man na sumunod ay wala akong nagawa dahil mas malakas siya kaysa sa'kin.
" I know you can do it. I can see to your eyes that you want to do this." What? Eversince wala akong talent sa kahit ano pero nag karoon ako ng interesado sa pag momodel pero never kong pinangarap na mag model dahil na rin siguro sa pamilya o wala lang talaga akong lakas ng loob.
Kinuha niya ang upuan kung saan siya naka upo kanina at pinatayo ako sa gitna ng parang white screen di ko alam ang tawag dito pero ito ang kadalasang ginagamit sa mga picturial.
"No, I don't want to be a model, and modeling is not my thing."
Kinuha niya ang camera na hawak ni Mr. Valdez kanina at tinutok sa akin ang camera bigla naman akong na consious sa ginawa niya kaya naman inayos ko ang skirt at brazzer ko.
"You just need to smile, and be confident." He said, bigla siyang nag picture kaya di man lang ako naka-ready tumingin siya sa kinuha niya at tumaas lang ang gilid ng labi niya. Lumapit siya sa akin habang hawak ang camera.
Ng tumigil siya sa harap ko ay mas nilapit niya pa ang mukha niya sa'kin, naamoy ko kagaad ang mabango niyang pabango maging ang kanyang mabangong hininga.
"You're really so beautiful," nilagay niya ang ilang takas kung buhok sa likod ng aking tenga. "I really don't want to stare at you but I cannot help it. " Bumilis ang pintig ng puso ko maging ang pisnge ko ay namula na rin. Lumayo ako ng unti sa kanya para mag bigay ng kaunting spasyo pero hinila niya lang ang bewang ko para di ako makaalis.
------------------------------------------------------------------------------------
Advance Happy Valentine's Day. <3
:)