Naughty " Bakit ikaw ang narito, Lee?" Nagtatakang tanong ko nang madatnan sa labas ng gate si Lee na nakasandal sa sasakyan ng halimaw. " Nasaan 'yong pinsan mong halimaw?" Katatapos lang ng exam ko at nagtext ako sa halimaw. Hindi ito nagreply kaya ay lumabas na ako dahil baka nandito na siya at nakalimutan nanamang icheck ang phone niya. Ngumiti ito nang makalapit sa akin at inalis ang shades na suot saka kinuha ang mga gamit ko. " Hello, Madam Gabby." Lalong lumaki ang ngiti niya. " Napag-utusan lang akong sunduin ka dahil iyong boyfriend mo ay hindi na maawat doon sa High School building ng BHU." Nagsalubong ang kilay ko. " What happened?" Iginiya niya ako sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto. Nang makasakay kami pareho sa loob at nang mag-umpisa na siyang magmaneho saka lang nit

