Rain Harper " Anong nangyari?" Hindi ko pinansin ang sunod sunod na tanong ng mga pinsan ko nang makapasok ako sa unit ko. Naroon silang lahat at tumuon kay Aina na nagulat akong naroon din. " Can you help me with her clothes, papalitan na lang." tumango si Aina at sumunod na sa amin patungo sa kwarto ni Gabby sa loob ng condo ko. Ihiniga ko si Gabby sa kama niya saka bumaling kay Aina na nakatayo sa gilid at na kay Gabby ang tingin. " Patawag na lang ako pagkatapos." Bilin ko. " Ako na ang bahala, I'll call you later." Tumango lang ako at nilingon pa ng isang beses si Gabby bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa kwarto ko upang magshower at magbihis. I can still feel my fever, kapag hindi ako nagshower ay siguradong lalala ito. " Catch!" Mabilis kong nasalo ang ihinagis sa akin

