Smile " You woke up early, saan punta mo?" Napabaling ako sa nagsalitang si Aless at naabutan itong nakasilip sa comforter na nakabalot sa katawan niya at halatang inaantok pa. " Sightseeing lang or maybe a morning walk." bumaling ako sa vanity mirror na naroon at nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok. " Wanna come?" Tanong ko sa kaniya mula sa salamin. Nakita ko ang pag-iling niya sa salamin at ang mga mata ay napapapikit na, halatang pinipilit na lang ang mga itong dumilat. " I'm still sleepy..." that came out as a whisper and just a second later, I just found Alessandra sound asleep. Napailing na lang ako saka tinapos ang ginagawa sa buhok, sunod kong inayos ang mukha ko na nilayan ko lang ng konting pressed powder at lip tint sa labi. Nang matapos sa paghahanda ay kinuha ko lang a

