Frustration " Red was really worried last night." Bungad ng kararating lang na si Arie nang makaupo ito sa mesa namin ni Aless dito sa cafeteria habang humihigop ito ng iced tea. " I know and I am already guilty right now. May mga naabala pa akong tao, naaasar ako kasi hindi ko manlang naisip na maraming mag-aalala sa kalagayan ko." Aless is guilty, I can hear it in her voice. Napabuntong hinga na lang ako saka niyakap siya mula sa tagiliran dahil magkatabi lang naman kami. " We understand you, Aless." I smiled reassuringly at her. " Just don't do that again, okay? At least enlighten one of us so that we can cover you up, hindi iyong nag-aalala kami." Kahit ako ay hindi mapakali kagabi nang ibalita sa amin ni Primo na nawawala siya at walang may alam kung nasaan siya, nagpunta din si R

