Visit "Pang-ilang balik mo na ba 'to?" nasa boses ng kapatid ko ang pagkairita. "Halata namang ayaw kang kausapin, Gab." Mahina akong natawa saka inalis ang seatbelt na suot ko. "I'll be fine, Z. Mahuhuli ko din iyon, busy lang siguro talaga." "Sasamahan na kita sa loob upang makapasok ka kaagad sa opisina niya." Umiling ako dito. "Hindi na, alagaan mo na lang 'yong pamangkin mo, saglit lang ako." "Late na lagi kung umuwi ka sa tuwing pumupunta ka dito, Gab, that's not healthy at all." Napabuntong hininga ako at nailing. "I'll be honest, napapagod din naman ako pero para naman 'to sa anak ko kaya't hindi ako pwedeng sumuko." Hindi na ito nakapag-argumento pa sa akin at napabuntong hininga na lang. Saglit pa akong nagpaalam dito at binilin ito ng ilang bagay para kay Verdict bago tul

