ZYPHIRE
"Anong ginagawa nya dito??" bulong ko na nakaharap na sa table namin.
"Hindi ko alam na sya ang special guest ngayon... Nakakagulat" saad ni Sadie na kasama na namin sa table.
"Nakakagulat... I mean hindi ako makapaniwala nung umakyat sya sa stage..." saad naman ni Vinnie.
"Kahit ako... The hell is he doing here..." saad ko at sumubo nang food na nasa harapan ko. Konti lang kinuha ko yung ice cream lang.
"I don't know... Dito din pala sya tulad ni Felicity..." saad ni stickman at napatingin ako sa kanya.
"Alam nyo... Don't worry... Hindi nila magagawang maggulo dito... Just stay put... The both of you" saad ni Kuya Zyre at tumango na lamang ako.
Konting ice cream lang kasi ang kinain ko at pinatawag nadin si Sadie. "Itutuloy paba natin?? Baka kasi nagbago isip mo??" saad ni Cleo bigla at napatingin ako dito.
"No... Itutuloy natin... Dean know this at wala nang atrasan... Gagawin ko... Pero pwede mo ba akong samahan??" saad ko kay Stickman at kita ang gulat sa mukha nito.
"A-ano bang gagawin natin??" saad nya sakin.
"Sing a song... It is for them... No issues for sure..." saad ko at tumango naman ito.
"SO I'M BACK FROM THE BACK TO BACK!! READY NA BA KAYONG ANGKININ ANG DANCE FLOOR?!" sigaw ni Sadie at nabaling ang tingin ko kay Clover na parang may hinahanap.
"BUT BEFORE THAT MAY SPECIAL PERFORMANCE MUNA DAW ANG MAXIMUM FIRE SABI NANG KANILANG INSTRUCTOR!! DO YOU KNOW THE VIDEO THAT IS GOING VIRAL AT OUR PAGE!?" saad ni Sadie at napatingin ako kay Walt.
"I think it's the time... Tara na??" saad nya sakin at tumango naman ako.
Nagsasalita lang si Sadie at pumunta kami sa DJ at binigay nya ang kanta nang sayaw namin. "ARE YOU READY!? THEN LET'S WELCOME MS.TYPOON AND MR.GRISSON!?"sigas ni Sadie at pumunta na kami sa gitna.
"Are you sure about this?? Infront of your ex??" bulong nya sakin na nakaback hug habang nakaupo.
"Ex ko sya, Walt at wala na syang magagawa ngayon..." saad ko at sumenyas na si Walt.
[NOW PLAYING:HEAVEN KNOWS by JUSTIN VASQUEZ COVER]
Nagsimula na ang kanta at sinimulan din naming pag-isahin ang isip at galaw namin. Nung una ay may pagka ano sa mga haplos at hawak ni Walt pero nasanay na ako sa tagal.
Mabagal ang paggalawa namin at sa ginagalaw namin ay iisa lang talaga ang galaw namin. Parang kami ang nasa kwentong binuo nang kantang iyon. Bawat galaw ay may salitang lalabas sa isip mo.
Nagulat nalang ako nang bigla ako hawakan sa bewang ni Walt at binuhat nito pero nakisabay na lamang ako sa galaw nya. Patagal nang patagal ay hindi ko na namamalayan ang paggalaw namin ay mas malambot pa sa kung ano ano dapat.
Sa huling linya ay hinawakan nya ang gilid nang mukha ko na parang hinimas at yun din ang ginawa ko. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang kantang iyon.
*PALAKPAK*PALAKPAK*PALAKPAK*
Malakas ang palakpakan nang crowd na kinatayo namin ni Walt at nagbow.
"WOOAAHHH!! ANG GALING!!"
"DAMANG DAMA NAMIN DITO!!"
"We did a great job..." saad ni Walt sakin.
"Suuusss hindi tayo propesyonal tuleg... Pero congrats!!" saad ko dito na kinatawa naming dalawa.
"WOW... WAIT LANG WAIT LANG... HINDI AKO MAKAGET OVER... SAGLIT LANG..." saad ni Sadie na kinatawa naming lahat kahit nasa gitna parin kami ni Walt.
"OKAY OKAY... WOW LUPET NYO AH... SI ZYPHIRE KASI AY FRIEND KONA SINCE CHILDHOOD SO I'VE KNOWN HER NA BUT NOT MUCH... PERO NAGAGALINGAN PADIN AKO... LALO NA SA DUO NYO!! DIBA?!" saad ni Sadie at napabow na lamang kami ni Walt.
"YESSSSS!!"
"SO SIGE NA... MAGBIHIS NA KAYO WHILE AKO ETO MAKIKICHIT CHAT SA ATING SPECIAL GUEST!!" saad ni Sadie at pumunta na kami sa backstage at nagbihis.
Saglit lang ang pagbibihis ko at paglabas ko ay sinalubong ako ni Cleo at Stickman. "Buti saglit kalang... Ano game naba tayo??" saad ni Cleo sakin at nagthumbs up lang ako.
"Ako na ang kakanta at tutugtog basta ikaw stickman... Libangin mo si Sadie na manood lang sakin..." saad ko at tumango naman ito.
"I'll try my best... Basta success toh, Cleo..." saad ni Stickman at tumango naman si Cleo.
"Thank you talaga sa tulong nyo... Sana success toh... Dun na ako aabang na ako..." saad ni Cleo.
"Dun narin ako sa harap... Basta ikaw na bahala sa kanta..." saad ni Stickman at tumango naman ako.
Naunang lumabas sila at kinuha ko na yung gitara ko. Inayos ko yung parang mic na nakasabit lang sa tenga ko papunta sa bibig ko.Nang makita ko ang senyas ni Cleo ay napatingin ako kay Stick man na ready narin. Huminga muna ako nang malalim at tsaka tinugtog ang gitara ko.
♪I've been trying to forget you, but I can't
You made a fool it ain't cool♪ sa unang linya na yun ay hindi muna ako lumabas.
Rinig ko ang bulung bulungan nila. "Sino yun??" saad pa ni Sadie sa Mic.
♪It's like there's something missing in my life
Maybe it's you
It is you♪ sa linyang ito ay ganun padin. Gusto kong matawa sa ekspresyon ni Sadie pero pinipigilan sya ni Stickman na kahit ang crowd hindi alam ang nangyayari.
♪ I just can't, can't get you out of head
You're the reason that I wakeup in my bed♪
Tumaas ang boses ko sa huling linya at dun na ako lumabas nang back stage at naglakad papunta kay Sadie na kita ang gulat sa mukha.
♪I got you stuck in my mind
Can't get out
Can't get out
Please get out
I got you stuck in my mind
Can't get out
Can't get out
Please get out♪
pagkanta ko sa linyang yun at kita ang tingin ni Sadie sakin na parang nagtatanong but nginitian ko lang ito.
♪I didn't expect you to like me back
I'm a mess, I'm a fool don't know how to act
With you
When I'm with you♪
At sa linyang toh ay lumayo na ako sa kanya at pumunta sa gitna. Ang iba ay nakataas ang kamay at yung iba ay sumasabay.
♪I'm sorry if it took so long
To realize that we belong
You and I, it ain't a lie?
I just can't, can't get you out of head
You're the reason now wakeup in my bed♪
Pataas nang pataas ang tono kaya napapayuko ako sa taas. Napatingin ako sa table namin at kita ang kuryosidad nila sa ginagawa ko.
"SABAYAN NYO NAMAN AKO OH!!" sigaw ko at dun na lumabas si Cleo na may dalang bouquet of roses.
♪I got you stuck in my mind
Can't get out
Can't get out
Please get out
I got you stuck in my mind
Can't get out
Please get out
Please get out♪
si Cleo na ang kumanta nun at ako ang nag gitara dito. Kita sa mukha ni Sadie ang gulat na may saya. Teary eyes ang ateng mo.
"Ano bang ginagawa nyo?? Baka magalit si Dean oh..." saad ni Sadie na tumingin pa sakin.
Tumingin ako kay Dean at sumaludo. Ngumiti naman ito pabalik samin ni Cleo. "D-dean?? Is this planned??" saad ni Sadie samin.
Lumuhod si Cleo sa harapan nito na kinagulat at kinatili nang lahat. "Will you be my girlfriend?? Allyssa..." saad ni Cleo na imbes na singsing ay bouquet ang inabot.
"Y-yes yes!! Huhu tigil na natin toh masyadong masaya ang araw natoh..." saad ni Sadie at niyakap si Cleo. Natawa naman ang crowd sa sinabi ni Sadie.
Hindi ko na pansin yung nakaakbay na si Stickman sakin . "Thank you, Zyphire at Stickman..." saad ni Sadie samin at nginitian lang namin ito.
"Dean.. Thank you din po..." saad ni Sadie at Cleo.
"It's my pleasure to be in your love story..." saad ni Dean at tumango naman ang dalawa.
"SO!! THE DANCE FLOOR IS OPEN NOW!! TAKE YOU PARTNERS NOW!!" saad ni Sadie na nagpaingay sa buong crowd.
Bumalik na kami ni Sticman sa table namin at umupo na. "Iba ang eksena nang ate mo zyphire... Abay bidang bida... Ano ka si Jollibee??" saad ni Vinnie na kinatawa namin.
"Oh sige na... Open na daw ang dance floor..." saad ni Zyre sa mga ito.
"May I have this dance, Ms. Riordan?" saad ni Kuya Zyrille at tinanggap naman ni ate Kyllie.
"Baka maging face of the night ang ateng sa eksena nakuuu.." saad naman ni Sadie sa sinabi ni Vinnie.
"Tsk ulul... Tong mga toh may palove life lang eh..." saad ko sa kanila at napatingin kila Kuya Zyrille at iba pang sumasayaw sa gitna.
"May I have this dance, sweety??" rinig kong saad ni Cleo at napalingon ako kay Sadie.
"Bakit hindi?? Mainggit ka dyan, Zyphire blleehhh" saad nya sakin at dinilaan pa ako.
"Ugok... Sumama kana hindi ako ingget tche" saad ko at natawa naman sila sa inasta ko. Napatingin naman ako kay Kuya Zyre na tumayo at inabot yung kamay kay Vinnie.
"Ayuuunnnn sana oillll" saad ko kay Vinnie na kinakilig nya. Kinuha ni Vinnie ang kamay ni Kuya Zyre at isinayaw si Vinnie.
'Sabi na nga ba eh ako ang talo dito tch'
Napayuko na laamng ako at nabobored na sa nangyayari.
"EHEM!! Pwede ba kitang isayaw??"
Napabalikwas ako sa bulong na yun. Tiningnan ko muna si Shu at kamay nya. "Ako?? O si walt??" saad ko dito at kita ang pagngisi nito.
Napatingin ako kay Walt na nakangiti samin. "Syempre ikaw... Kung pwede lang??" saad nya at inabot ang kamay.
Kinuha ko yun at pumunta kami sa gitna. Tiningnan ko lang sya sa mata na nagtatanong.
'Ano bang gagawin??'
"A-anong gagawin??" tanong ko dito na kinabungisngis nya.
Kinuha nya ang dalawang kamay ko at inilagay sa batok nya. "Hindi kaba nagprom?? Or dance like this..." saad nya sakin at umiling ako. Inilagay naman nya ang kamay nya sa bewang ko na kinagulat ko.
"Can I??" saad nya at tumango na lamang ako.
Gumalaw na kami na parang steps lang. Para syang sayaw na mabagal na nakakailang minsan. Napatingin naman ako sa paligid at ung iba ay nakatingin samin. "Wag mo silang tignan... Sakin lang dapat..." saad nya at iniharap ko sa kanya ang tingin ko.
"Sobrang awkward nila parang may mali... Wala naman diba??" saad ko sa kanya at natawa naman ito.
"Walang mali... Naiinggit lang sila kase ikaw ang sinayaw ko..." saad nya na kinatawa naming dalawa.
"Agik... Gwapo ka na nyan??" natatawa kong tanonh sa kanya at sumimangot naman sakin.
"Bakit hindi ba gwapo ang baby stickman?? Ha??" parang bata na tanong nya sakin an inilalapit at iniaatras ang mukha nya sakin.
Natawa naman ako sa ginagawa nya at tiningnan ang itsura nya. "Maayos ka naman sa katawan... Magaling sa style... Mapungay ang mata... Matangos ilong... Clear skin... Medyo maputi... Pero hindi ka gwapo..." saad ko sa kanya at kita ang lungkot sa mukha nya.
"Alam mo kung bakit hindi ka gwapo??" saad ko sa kanya.
"Lahat sila sinasabing gwapo ako noh... Ikaw lang hindi... Bakit nga ba??" saad nya sakin.
"Dahil... May kulang sayo..." saad ko at natawa ako sa naiisip kong trip.
'Tingnan natin ano reaksyon mong lalaki ka haha'
"Anong kulang sakin??" saad nya.
Nilapitan ko ang tenga nya at bumulong. "Ako... Kulang ka nang ako..." bulong ko at bumalik sa dating pwesto.
Kita ang pamumula nya sa sinabi ko kaya na tawa ako sa itchura nya. "Uyyy namumula... Ikaw ang may pagnanasa ka sakin ah nakuuuu...." pang-aasar ko sa kanya dahil sa pamumula nya .
"A-anong pagnanasa?? Wala kaya!! Nagulat lang ako eh..." saad nya sakin pero natawa parin ako.
"Kahit kahit?? Mamatay man ako??" biro ko sa kanya at kita ang pagtigil nya sa pagsasayaw kaya napatigil din ako.
"Anong mamatay ka?? Hindi ka mamamatay noh... Sinabi mo sakin yun tch..." saad nya at ginulo yung buhok ko na kinatawa naming dalawa.
"Ehem... Can I borrow her??" napatingin kami ni Stickman sa nagsalita na yun;Si Walt.
"Sure... I'll wait for you sa table... Ingatan mo, erp..." saad ni Stickman na inabot yung kamay ko kay Walt na kinatawa namin.
"Mukhang naeenjoy mo ang gabi... Hindi mo sinabing sinabihan mo pala ang banda??" saad ni Walt habang nagsasayaw kami.
"Tsk... Pinakiusapan lang tsaka may permission kay Dean... Loko kasi si Cleo eh..." saad ko sa kanya na kinatawa namin.
"I'm happy for you... At mukhang nakamove on kana..." saad ni Walt sakin.
"Hindi ako sigurado dyan... Nung nakita ko sya gulat at kung ano ano pa..." saad ko sa kanya.
'Totoo yun... Nung narinig at nakita ko sya hidni ko alam ang magiging reaksyon ko'
"But I'm happy to see you naturally happy... Hindi na emotional" saad nya na kinatawa namin.
"Ugok... Merong part na ganun but I just need to remove it konti..." saad ko at ginulo yung maayos nyang buhok.
"Ano ba naman yan?? Inayos ko nang mabuti tong buhok ko eh..." saad nya na inaayos pa yung buhok nya. Natawa ako sa itsura nya.
"Yan... Dyan kami nakyukyutan sayo... Sa pagtawa mong ganyan..." saad nya sakin na pinisil pa ang ilong ko.
"Yan... Dyan... Bingi kayo... Yun ang totoo" saad ko sa kanya na kinatawa namin. Napatingin ako sa paligid at marami pa kaming nasayaw.
Nang mapansin ko si Kuya Zyrille na papunta samin. "Mukhang sya na ang sasayaw sayo... Thank you for the dance" saad ni Walt sakin at bumitaw na.
Nagbow muna ito kay Kuya Zyrille at tumigil sa harap ko. "Pwede ko bang isayaw ang magandang dilag na nasa harapan ko??" saad nya na iniabot ang kamah sakin. Kinuha ko naman yun at sumayaw kami tulad nung kay Stickman.
"Hindi ko alam kung pano sisimulan... I'm sorry for being the worst??" saad nya sakin at napatingin agad ako sa mata nya.
"Worst?? Ikaw ang the best sakin pati narin kay Zyre... Walang worst sayo, Kuya..." saad ko sa kanya at kita ko ang pagbagsak nang luha nya.
"Wag mo sabihin yan... I am the worst kuya ever... Hindi kita pinahalagahan nung una tulad ni Zyre... Pinagalitan lang kita nang pinagalitan kahit wala kang ginagawa..." saad nya at kita ko ang lungkot sa mata nito at pagbagsak nang luha nya. Pinunasan ko ang luha nya gamit ang hintuturo ko.
'Ayokong nakakakita nang naiyak na lalaki naiiyak din ako eh'
"You are the best for me... Alam kong sa mga galit mo noon may dahilan yun... Kaya I understand kung bakit ka ganun... But para sakin the best ka... Walang katulad... Tsaka bat kita patatawarin kung wala kang ginawang masama sakin..."saad ko sa kanya at kita ko ang paglitaw nang ngiti sa mukha nito.
"You are the best sister for me... Ginagawa mo lahat..." saad nya sakin.
'Sorry for what will happen sa future..'
"Nah... Nakatakda akong ganun... I wish that you would accept what will happen..." saad ko sa kanya nang nakangiti.
"Just stay with us... We will be happy..." saad ni Kuya Zyrille sakin na nagpalungkot sakin.
"Sana nga mangyari yan,Kuya... I can stay now but not forever..." saad ko at kita ang pagtataka sa mukha nya.
"What do you mean?? Are y-"
"Can I borrow my beloved??" napatingin agad ako dun at si Kuya Zyre pala.
Bumitaw na ako kay Kuya Zyrille at naupo na ito na puno nang pagtataka. Humarap ako kay Kuya Zyre at ipinatong ang kamay sa shoulder nito. Napatingin ako sa paligid at marami rami pang nasayaw.
"Yan ba ang boyfriend nya??"
"Ang gwapo naman"
Rinig kong bulong bulungan na kinatawa naming dalawa. "Bilis naman pala kumalat nang balita dito..." saad ni Kuya Zyre sakin.
"Kala ko nga mas maganda dito kesa sa Snow eh... Yun pala puro chismosa jusme..." saad ko na kinatawa namin.
"Nagsabi na sya sayo?? Si Zyrille..." saad ni Kuya Zyre sakin.
"Ow yun?? Oo... Nagsorry sya but sabi ko hindi kailangan... Hindi ko sya kailangang patawarin if wala naman syang ginawang masama sakin..." saad ko sa kanya.
"At ano pa ang sinabi mo sa huli?? Mukhang may tanong pa sya..." saad ni Kuya Zyre.
"He asked me to Stay with you guys... Na all of you will be happy if I will stay with all of you" saad ko sa kanya at tumingin sya sakin na parang ano pa.
"But... Sabi ko I can stay now... But not forever..."saad ko at napayuko naman si Kuya Zyre dun.
"Ilan na ba ang nagawa mong mali sa patakaran??" saad nya sakin.
'Si Care Bear..'
"Isa?? Ang hindi ko pagprotekta kay Care Bear... Ikaw??" saad ko sa kanya.
"Isa lang din... Ang hayaan kang saktan nang emotional... Ang gago ko sa part nayun..." saad ni Kuya Zyre.
'Wag kang iiyak..'
"Wala pa kayong kasalanan ni Kuya Zyrille sa patakaran natin... At masaya ako dun... Desisyon ko yun kaya ako din ang nasaktan and it is no ones fault... Just mine..." saad ko at umangat nang tingin sakin si Kuya Zyre.
"Tutulong ako hangga't kaya ko... Tutulungan kita" saad nya sakin at umiling lang ako.
"And yan ang ayaw ko... You guys don't need to help me... Madadamay kayo... Ayokong isama nila kayo... Damay kayo pero ayaw kong masaktan kayo..." saad ko sa kanya.
"But babae ka parin... Hindi mo kasing lakas ang mga lalaki..." saad nya sakin at nginitian ko lang ito.
"I can do it... Just support... Pwede na ba tayong umupo... Masakit na kasi ang paa ko eh..." saad ko sa kanya.
'Totoo yun ah nasakit na din ang paa ko dahil sa heel'
"As you wish... Basta dito lang ako..." saad nya at inalalayan nya akong maglakad papunta sa table namin.
Papaupo na ako sa upuan ko nang may humawak sa arms ko. Napatingin ako sa kamay na yun at binalot ako nang kaba nang makita yun.
"Don't touch her... Remove your hand in her arms..." maawtowridad na saad ni Kuya Zyre dito.
Hindi ko tiningnan ang may ari nang kamay na yun. Bumitaw ito at umupo na lamang ako. Ramdam ko parin ang presensya nito. Nabaling ang tingin ko kay Stickman na nakatingin din sakin. Kita ko ang pag ngiti nya sakin at nginitian ko lamang ito.
"Umalis ka nalang muna... Maayos na kami... Wag nalang muna ngayon" napatingin ako kay Vinnie nang magsalita ito. Seryoso syang nakatingin sa likuran ko.
"Sya ang kailangan kong kausapin hindi kayo..." saad nun kay Vinnie. Nagagalit ako sa inasta nya kay Vinnie.
"About what?? For breaking her heart?? To explain what really happened?? Or to tell her that you love her after what happened?? Sinabihan kana namin na stay away from her..." saad ni Sadie na seryoso nadin pero pinapakalma ni Cleo ito.
"I just want to tell her my side... Hinanap ko sya... Pinigilan nyo kong dalawa to talk to her... So ako na ang lumapit ngayon..." saad nito at napatingin ako kay Kuya Zyrille na nagbagsak nang hininga.
"To tell your side?? Alam mo ba kung gano kahirap sa kanyang layuan ka?? Kalimutan ka?? Linapitan ka nya but you push her away... Hinayaan ka nya noon na magexplain but you give her some words that hit her hard... Now that she's okay tsaka mo ieexplain ang side mo?? Tell me... Nag enjoy kaba sa kababuyan mo?? "mahabang saad ni Kuya Zyrille na nagpayuko sakin at nagpagigil sa kamao ko.
'Nakakainsultong alam ni Kjya Zyrille ang pangloloko nya'
"It is not what you think... Hindi ganun yun..." saad nito at naramdaman kong may humawak sa gigil na gigil na kamao ko.
'Stickman.'
Napatingin ako dito at nararamdaman ko ang gusto nyang sabihin. "Then what?? While you are enjoying with her best friend sa walang humpay na sarap na yun... There she is... Watching the both of you enjoying... Watching you na makalimutan na may girlfriend ka..." saad naman ni Walt na kinatingin ko dito. Kita ko ang awa nya sakin sa mga mata nito.
"Wala ka nung araw nang mangyari yun.." saad nito at ramdam ko na mas humigpit ang hawak ni Stickman sa kamay ko.
"And I was there while you and my ex girlfriend enjoying the night... Now explain to us... Why the both of you having s*x while the both of you is in a relationship with others??"gigil na saad ni Kyan. Ramdam ko ang gigil nya sa taong ito.
"Ikaw... Ikaw yung lalaking dumating... Pano mo nga ba nalamang nandun kami??" saad nito at inangat ko ang paningin ko kay Kyan.
"Dahil sakin... Masyado kasi kayong nag-eenjoy nung nandun ako... Ang plano dapat ay hindi sya pupunta... Ang problema mali ang pagkakaintindi nya... Dumating sya... Nakita nya kayo... Nakasakit kayo... Dalawang tao pa kamo... And now you want me talk to you... About what?? About leaving me... Or about cheating to me... "saad ko dito at hindi ko parin ito hinarap.
"No... I just need to talk to you... About your relationship with Kyan..."