Chapter 7

4005 Words
WALT GRISSON Maaga akong nagising syempre good mood. Saglit lang ang pagkakagalaw ko hanggang sa maging handa na akong pumasok. Maaga din naman kase kami dahil sa practice namin nang banda kasama si Zyphire at pati nadin nang sayaw buong araw. Kaya buong araw din kami sa magkasama dahil sa practice na yun. Sumakay nako sa kotse ko at pinaandar na ito papunta school. 'Tawagan ko kaya... Ayts sige na...' "Goodmorning, Zyphire..." bati ko dito. "Goodmorning din... Napatawag ka??" tanong nito. "On the way nako sa school... Ikaw??" "On the way nadin ako... Whole day daw tayo ngayon eh..." "Hmm... Kaya nga eh... Wait nandito na ko..." saad ko at bumaba na sa sasakyan. Tiningnan ko ang phone ko at nakaon padin ang tawag. "Tsaka nakadress kami na maghihiphop tsk... Hirap nun diba??" saad nito. "Naisip ko din yan eh... Pero yun ang sinabi ni Liam kaya kailangan natin sundin..." saad ko sa kanya at napatingin ako sa kadadating lang na sasakyan. 'Wow ang ganda nang sasakyan na yun kesa sakin..' "Ah sige wait lang... Magpapark lang ako... Sige bye..." saad nito sakin at napatingin ako dun sa sosyaling kotse at bumaba dun sa kotseng yun si Zyphire. "Walt!!" sigaw nito kaya lumapit agad ako. Napatingin ako sa kabuuan nito, nakared na croptop shirt ito na nakapants na high waist at nakaBlack na platform ankle boots tulad nang tawag nang mom ko dun. Nakachoker pa si Zyphire na kinagulat ko. "You're so beautiful... Ngayon lang kita nakitang ganyan ang suot... Nagpakita nang kontinh skin..." saad ko dito na kinatawa namin. "Tch... Mambobola... Pinilit ako nung dalawa na maggento... Magheels na daw ako para masanay akong sumayaw gamit toh..." saad nya. "Alam mo... Sexy ka naman eh... Tsaka yung glasses mo nalang ang kailangang ma... Alam mo na hihi" saad ko dito habang tinatry nyang ipuyod ang buhok nya. 'Silly girl..' "Tsk... Tapos mambobola yung buong campus... Hindi na pinalitan nadin naman nila Sadie tong glasses ko nang manipis kaya maayos na daw tignan..." saad nito na hirap na hirap ipuyod. Kinuha ko ung ponytail nito at sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay ko."Ako na... Hirap na hirap kana..." saad ko at itinaas nang ayos ang buhok nya at pinuyod nang bun. "Thank you... Bat ang laki naman nang bag na dala mo??" tanong nito sakin nang matapos ko nang gawin ung bun nya. 'She looks more beautiful..' "At ikaw anong tawag sa kotse mo?? Mukhang ready kana talaga sa karera mamayang gabi..." tanong ko pabalik na kinatawa namin. "Oo na handang handa nako... Karera nalang kulang... At si Dark nga pala... She is an Lamborghini Veneno..." saad ni Zyphire na tinambol pa nang isang beses yung kotse nya. "Kahanga hanga... Ako naman ay madami akong dala kese diba yung sa inyo tutulog... Kaya eto..." saad ko sa kanya at tumango naman ito sakin. "Tara na sa Auditorium... Maaga aga tayo masyado... Konti palang kase ang sasakyan..." saad ko dito at naglakad na kami papunta sa Auditorium. Inaalalayan ko ang bawat lakad nya pero sa paglalakad nya parang antagal na nyang nagamit nun. 'Impressive...' Pagdating namin sa Auditorium ay ayos na ang mga lamesa at ang stage kung saan ang host magsasalita at ang Dean kasama ang special guest na uupo. Malaki laki ang pagsasayawan namin at nang lahat paggustong magsayaw dun kasama ang mga aayain nila. "Mukhang wala pang tao... Tayo palang pala..." saad ko dito at inilapag namin ang bag namin dun sa stage. "Kaya nga eh... Why don't we dance?? Let's try to be one by dancing..." saad ni Zyphire at tumango tango naman ako. "Tingnan natin kung kaya nating sumayaw nang may iisang isip at steps... Wait I'll choose the song..."saad ko dito at chineck ang phone ko. 'On bended knee...' Isinuot kona ang speaker sa phone ko at sinimulan ko yung kanta at lumapit agad ako kay Zyphire. [NOW PLAYING: ON BENDED KNEE cover by JUSTINE VASQUEZ] Darlin' I, I can't explain Where did we lose our way? Girl it's drivin' me insane And I know I just need one more chance To prove my love to you Sa mga linyang yun ay ang lambot at linis nang pagkakagalaw nya at nakapilit pa ito. Nag-iisa ang isip namin at perehas kami nang ginagawa sa ibang parte. Ang galing nya pero ramdam na ramdam ko yung emosyon nya sa bawat galaw na ginagawa nya. Pinapakita nyang nandun sya mismo sa kantang iyon na nakakabilib. And if you come back to me I'll guarantee That I'll never let you go Can we go back to the days our love was strong? Can you tell me how a perfect love goes wrong? Can somebody tell me how to get things back The way they use to be? Oh God give me a reason I'm down on bended knee Dun sa huling linya ay iminulat nya ang kanyang mga mata at nagtama ang paningin namin. Kitang kita ko sa mga mata nito na gusto na nitong tumulo pero pinipigilan nya ito. Sobra sobra ang emosyon nya at nagpadala sakin. Nasasaktan ako sa nakikita kong galaw nya pero tinry ko paring sabayan ang galaw nya. I'm Gonna swallow my pride Say I'm sorry Stop pointing fingers the blame is on me I want a new life And I want it with you If you feel the same Don't ever let it go You gotta believe in the spirit of love It'll heal all things It won't hurt anymore No I don't believe our love's terminal I'm down on my knees begging you please come home Mas lumakas ang emosyon nya at kitang kita ko yun. Yumuko ito at tumakbo alp at binackhug ko ito nang sakto lang ang bigat. Ramdam ko ang pagtulo nang luha nya sa braso ko. Tinuloy padin namin ang pagsayaw at pinanindigan talaga nya ito kahit nagkakaganun na sya. Can we go back to the days our love was strong? Can you tell me how a perfect love goes wrong? Can somebody tell me how to get things back The way they used to be? Oh God give me a reason I'm down on bended knees- *PALAKPAK* *PALAKPAK* *PALAKPAK* Natigilan kami nang tumigil ang tugtog at may mga pumapalakpak. Napatingin naman ako sa paligid at nanggaling sila sa backstage kaya pala di namin sila napansin. Sunod ko namang tiningnan si Zyphire na ngayon ay nakangiti pero makikita mo sa mata nya ang lungkot. 'What happened to her?? Nadala ba sya or nasa karanasan nya yung kanta??' "Ayus kalang??" tanong ko kay Zyphire. "A-ah ayos lang ako... N-nadala lang..." saad nito sakin na ngumiti pa. "Sabi mo eh... Basta tell me if may problema..." saad ko sa kanya at nginitian ko ito. Lumapit naman samin sina Liam kasama ang FIS Maximum Fire at FIS Blast Band. "Impressive... Emotional... Ang galing... Nakakabilib... Pinractice nyo yan??" saad ni Liam samin. "Hindi hindi... Tinry lang namin yung sa mg professionals na iisa lang ang isip at galaw... Thank you nga pala..." saad ni Zyphire na nagpabilib sa lahat. "Wow... Nakakabilib yun hihi... Sino pumili nang music??" singit ni Sam. "Ako... Maganda kase yung message..." saad ko sa kanila at tumango tango naman ito. "Oh sige na sige na blockings na tayo Maximum Fire... Galaw na hanggang alas dose lang tayo..." KYAN SHU "Good morning!! Ang ganda ganda nang umaga..." saad ko papunta sa dinning room. "Good morning, baby... Looks like someone is in a good mood..." saad ni Mom sakin at kiniss ko ito sa chick. "Good morning, Shu... Mukhang maganda ang gising ah..." nginusuan ko lamang si Noona Kyllie nang batiin nya ako na may pang-aasar. Umupo na lamang ako katabi ito. "Good morning, Son... Late na kayong umuwi... San kayo galing??" tanong ni Dad samin. "Ako Dad galing ako sa boyfriend ko... Tapos si Shu naman ay galing din dun... Kasama nya yung mga kaibigan nya tsaka yung kapatid ni Zyrille..." saad ni Noona at tiningnan ko ito nang masama. 'Ang daldal talaga kahit kailan...' "Kaibigan mo na pala si Zyphire... Ang bait nang batang yun..." saad ni Dad sakin. "Maganda pang bata... Anong ginawa nyo dun at sabi ni Manang ay may dala kayong mga paperbags..." saad ni Mom at napatingin agad ako kay Noona. 'Iniwan namin yun sa sala kagabi dahil sa pagod...' Nagkatinginan kami saglit ni Noona Kyllie at napatakbo kami papunta sa sala. Pagdating ko sa sala ay nandun padin yung paperbags namin."Saan naman nanggaling yan, Baby??" saad ni Mom samin na nakasunod pala samin. "Ang ganda mom oh... Nakita ko na tong suot nang isang hollywood star eh... Tsaka netong heels... Hindi familiar sakin yung heels natoh..." saad ni Noona na inilabas yung mga nasa paperbag at hawak hawak nito yung parang heels na grey ganun. "Kyllie Baby!!Stuart Weitzman Cinderella Slippers yan!! Kanino galing toh baby?? It is very expensive..." komento ni Mom na kinagulat namin. 'Kala ko expensive lang... Very??' "Kay Zyphire, Mom... Pasalubong nya sakin galing dun sa pinuntahan nila the last time daw mom... Sa tingin mo, Mom magkano toh??" saad ni Noona Kyllie. "₱50,000?? Not sure... Kinda..." sagot ko at umiling si Mom. "It is $2 million dollars... Mga gustong gusto nang mom nyo ang mga Stuart Weitzman Slippers at heels..." singit ni Dad samin. Nagkatinginan kami ni Noona Kyllie na parang gulat na gulat. "Hindi ko alam ang sasabihin ko baby... Ang ganda ganda... May makeup pa na L'oreal at MAC... She is so kind... Ano naman ang sayo, Shu??" saad ni Mom na nakaabang sa paperbag ko. "I think... Shoes yan... Tama ba son?? At bag... Yun ang gusto nyan kaya sure yun..." saad ni Dad at tumango naman ako. *LUNOK* Inilabas ko yung box at inilabas yung shoes na yun. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang may gento ako. "W-wow... Pangbasket yan ah, Son... That girl has a taste in shoeses... Parang ikaw..." saad ni Dad at tinanguan ko lamang ito. Inilabas ko naman yung bag na pang adventurers, ang ganda at ang lambot pa nang dalawang holder nakakarelax. "Ang ganda ganda baby... Siguro may koleksyon sya noh... At eto pa oh baby... Bleu De Chanel ang nakasulat sa box... Check mo baby..." saad ni Mom at napatingin din ako sa box na iniaabot nya sakin. 'Ano naman eto??' Binuksan ko ang box at inilabas ang nandun. Isang mens peefume ang inilabas ko."Ayan ang Bleu De Chanel... Ang amoy nyan son ay pwede sa style na Casuel, Suit and Tie Environment at Romantic... Ang bait talaga nyang batang yan..." saad ni Dad na kinatawa namin. 'May pa bonus pang pabango... She is kind pero nerd parin sa paningin ko...' "Dad... Mom... Mauna na ako... Maaga kase ang usapan naming magkakaibigan para panoorin sina Walt... Yung sa Maximum Fire.." saad ko at nakipagbeso sa mga ito. "Papuntahin mo naman yung friends mo, baby... Matagal tagal nadin nung pumunta si na Cleo..." saad ni Mom at timanguan ko naman ito. "Mauna na ako, Mom Dad at Noona... Yung sa mamaya pala noona..." paalala ko dito. "Susunduin nalanh daw tayo ni Zyrille bukas nang umaga para makapag ayos daw tayo sa kanila... Sige na...Ingat, Shu..." saad ni Noona Kyllie at sumakay na ko sa kotse ko't pinaandar ito. *CRING* *CRING* 'Tumatawag si Cleo...' "Goodddmoorrningg mahal na harii..." sigaw nila Cleo sa kabilang linya. Mukhang kasama na nya yung dalawa. "Goodmorning den... Nandyan na kayo??" tanong ko. "Aba'y oo aber... Nasan kana??" mukhang si Sadie yun ah. "Eto na papasok na sa parking lot... Kita ko na nga kayo, Clown eh..." saad ko dito at narinig ko sa kabilang linya ang asaran. "Hoy stick man tigil tigil mo tong si Clown..." reklamo ni Vinnie. "Sino ka naman sa akala mo, Megaphone??" saad ko dito at nagasaran nanaman sila. Ibinaba ko na yung tawag at nagpark nako. Pagkapark ko ay may katabi akong kotse. Dinala ko na ang bag ko at bumaba sa kotse ko. Sinulyapan ko muna yung kotseng nasa gitna namin ni Walt. 'Ang astig ah... Kanino kaya yun??' "Yow... Aga nyo ah...Kilala nyo ba yung may-ari nun?? " bungad ko dito at nginuso yung kotse na ang gara gara. "Hindi ko din alam eh... Ganda eh noh mukhang mas mahal pa kay Walt yung kotse... Naabutan nyo ba kung sino??" tanong naman ni Cleo kila Sadie. Siguro sila ang naunang pumunta. "Kay Zyphire yan... Tinry nya ngayon baka may paggagamitan sya... At ikaw stickman iniiba mo ang usapan... Kadadaan lang nila aber??" saad ni Vinnie na kinatawa namin. 'Anak siguro sya nang president sa ibang bansa... Mukha naman syang may lahi...' "Alam mo... Tara na puro ka pa daldal eh... Sibat na tayo bilis..." saad naman ni Sadie at dumeretso na kami sa Auditorium. Pagpasok namin sa Auditorium ay naabutan namin silang nagbablocking. Mga seven o'clock palang naman, ang aga nila. "Oh Mr.Riordan at ang mga kaibigan nito... Anong ginagawa nyo nang gento kaaga dito??" bungad samin nung naglelead kila Walt. "Manonood sana kami... Panonoodin sana namin ang practice nang kaibigan namin..." saad ni Sadie. "Kung pwede nga lang, Mr Buenaventura..."saad ni Cleo. Ngayon ko lang napansing may hawak hawak na supot si Cleo. "Okay lang naman... Basta hindi kayo manggugulo ayos lang sakin... Dun nalang kayo umupo sa table nyo gitna naman un kaya makikita nyo parin..." saad ni Mr.Buenaventura daw at pumunta naman kami dun. Tama nga sya, kitang kita mo ang buong Maximum Fire. "Nasan dyan sila Walt at Zyphire??" saad ni Cleo kaya napatingin naman ako sa buong Maximum Fire. 'Nasan nga ba ang dalawa?? Baka nasa likod...' "Ayan oh... Nasa harapan na gitna... Mukhang sila ang piniling igitna ni Liam..." saad ni Sadie at tiningnan ko naman ang sinabi nito. Nakita kona si Walt at yung babaeng katabi nito. 'Nasan dyan si Nerdy?? Hindi naman si Nerdy yung partner ni Walt kese diba hindi nga daw naghiheels yun...' "Nasan naman dyan si Nerdy?? Baka nasa likod..." sagot ko sa sarili kong tanong. "Tuleg... Ayan oh kapartner nang Walt... Pinilit ko nga lang yan na magheels para masanay pagnag sayaw sila..." saad ni Vinnie. 'Sya ba talaga yan?? Nakachoker tapos croptop na nakajeans pang fitted... Heels?! Nakakapanibago...' "She is gorgeous... Kala ko kaya sya laging naka oversized kese mataba sya... Ang taba nya pagnakaover size pero look at her now..." saad ni Cleo. 'Sexy naman... May kaputian... Pero hindi ko padin sya... Type...' "Ayaw lang talaga ni Zyphire ang nageexpose nang skin... Pero she is fit... Inshort sexy..." saad ni Sadie at tumango tango naman kami. Nagsimula na silang mag sayaw at sabay sabay naman silang lahat kahit mabilis na ang mga galaw na ginagawa nila. Lahat nang girls ay nakaheels kaya nakakabilib. Siguradong pinaglalaruan lang nila ang steps kese hindi payun ang todo nila parang easy easy lang ganun. Dumaan ang dalawang oras na pagsayaw nila at hindi manlang sila nagkabreak. 'Passionate talaga sila sa pagsasayaw...' Pinanood namin sila at nakadalawang pasada lang ang mga ito at ayos na. "Pano ba yan?? Ang galing galing nyo... Mukhang hindi naman tayo aabutin nang whole day baka nga ay before lunch tapos na ang Blast Band..." saad ni Liam sa mga ito na kasama kaming apat sa harapan. "May masasabi kaba, Mr.Riordan??"saad ni Liam na kinagulat ko. *LUNNOOOOKKK* 'A-anong sasabihin ko?? Magaling?? Maganda?? Ayts' "Magaling... Nakakabilib... You left me speechless..." yun na lamang ang sinabi ko at naghiyawan naman ang lahat. "Si Mr.Riordan nayan... Pano pa kaya ang lahat?? So congrats, Maximun Fire... You did a great job in 2 days natin... Sa Friday na ang sayaw... May pahinga kayo sa Thursday at sana gamitin nyo yun sa pahinga nyo... Sige na pwede na kayong magsiuwian..." saad ni Liam at nagsigalawan naman na ang lahat. Lumapit naman si Liam kila Walt kaya sumunod nadin kami sa kanya."You two did a great job... Lalo na yung kanina... You can be a duo... Pwedeng pwede kayo ang itanghal na duo nang Maximum Fire sa pangalawang presentation sa ball.." saad ni Liam sa dalawa. "Anong kanina yun, Liam?? May ginawa kayo noh??" saad ni Vinnie na inaasar yung dalawa. "Ah eto yung kanina... Navideohan nga ni Sam eh... Nagbaclog kasi sya tapos biglang tumugtog yung music kaya vinideohan narin nya..." saad ni Liam at pinakita samin ang video. Ang lambot nang mga galaw nila dun at sobrang emosyonal. Damang dama nila ang bawat galaw na ginagawa nila para silang isang tao lang. Kitang kita mo sa bawat lambot nang galaw ni Zyphire ang emosyon nya na nakakapagpadala naman kay Walt. "Ang astig... Ang galing nyo naman para kayong mga propesyonal..." komento ni Cleo nang matapos ang video. Nakakahanga naman talaga ang sayaw nila parang kinwento nila ang kanta.  "Ahmm... Ano nga uli yung sinabi nyo, Mr.Buenaventura?? Magkakasecond pa na presentation ang Maximum Fire??" saad ni Zyphire. Hindi talaga sya marunong mag po manlang. "Kung meron pa edi sino ang magtatanghal eh ang sabi nyo ay hindi tuloy... Pano yun?? Wala naman tayong naeensayo??" saad naman ni Walt. 'Tama nga naman ung dalwa... Sinabi nilang hindi na tuloy tapos biglang magkakaroon...' "Ah... Hindi tuloy ang paghahanap sa Maximum Fire kese inutusan ako nang Dean na maghanap nang Couple na marunong magsayaw nang iisa lang ang lenggwahe sa sayaw nila... Nagtatanong na nga ako sa buong campus pero wala talaga... Pero nang dahil sa napanood ko ay kayo ang irerecomenda ko kay Dean..."explain ni Liam sa dalawa. "Huh?? Eh dalawang araw nalang angnmeron sila..." saad ni Sadie. "Tsaka baka kulang ang oras na yun para magensayo sila..." dugtong naman ni Vinnie. "Masyadong maikli ang oras na natitira para sa kaibigan ko, Liam... Kasama pa sila sa Blast Band..." saad ko naman at tumango tango naman ito. "I know pero eto nga ay hindi praktisado... Dinama lang nila na parang silang dalawa lang ang nasa loob nang mundong binuo nila... Kasya naman ang dalawang araw hindi ba??" saad naman ni Liam at tiningnan yung dalawa. Nagaalinlangan ang mukha nang dalawa na parang nagtatanong sa isa't isa kung kaya ba."Kayang kaya, Liam..." pagdedesisyon nang dalawa na kinagulat namin. "Iba talaga ang duo nyo, Walt ah... Desidido wow..." saad naman ni Cleo na kinatawa namin. "Sabi nyo yan... Oh sige na mauuna na ako... May klase pako..." saad naman ni Liam at iniwan kami sa Auditorium. Nagbitaw naman sina Walt at Zyphire nang malalim na paghinga. "May problema ba kayong dalawa??" tanong ni Cleo. "Baka ung sayaw nag pinoproblema nila... Hayaan nyo tutulungan namin kayo..." saad naman ni Sadie na parang pinapagaan ang loob nung dalawa. "Oo nga.. Tutulong kami... Diba, Stickman??" saad naman ni Vinnie at tinanguan ko naman ito. "Pero isang araw lang ang meron kami para magensayo... Hindi yun kakayanin... Hayss..."saad naman ni Walt. "Eh??Hindi ba kasam yung sa mamayang gabi... Magkakasama naman tayo kila Nerdy ah..." saad ko naman sa kanila. "Tama si Shu... Magkakasama tayo mamaya kila Zyphire... Hindi kulang ang oras na yun..." saad naman ni Cleo. "May gagawin kasi kami mamayang gabi kaya siguradong sa Huwebes na kami makakapagensayo..." saad naman ni Zyphire. "At saan naman kayo pupunta aber?? Wag mo sabihing date yan, Zyphire... Hindi kami papayag..." saad naman ni Vinnie. "Baliw... Hindi kami magdedate... May gagawin nga... Kasama naman kayo dun.." saad ni Walt. "Karera yan noh?? Tama ba ko?? Naku naku sinasabi ko na nga ba eh... Kaya pala sasakyan ang dala... Support ako hihi" saad ni Sadie na kinagulat namin. "Karera?? Kumakarera ka, Nerdy?? Ang alam ko si Walt lang ang kilala kong nagkakarera sa FIS..." saad ko dito. "Oo nga... Lagi kasi kaming isinasama ni Walt sa ganun matagal tagal na kaming nasama pero hindi kapa namin nakikita..." saad naman ni Cleo. "Ah... Si Walt kese gamit nya ang pangalan nya dun... Kaya nga sya lang ang kilala nyo dun..." saad naman ni Zyphire. "Edi ilan kayong mga taga-FIS na kumakarera??" tanong ko. "Dalawa lang... Si Walt at si Zyphire... Si Zyphire kase pangalan nya ang nakalagay dun pero hindi nyo malalamang sya nga yun... Ganun ang isang Typoon..."saad naman ni Sadie at nginitian lang ito ni Zyphire. 'Kada nandun naman kami sa karera ay hindi kami nakakita nang babae na kalaban ni Walt...' "At si Zyphire lang ang nag-iisang babae na nakikipagkarera dun... Sya lang at wala nang iba... Kanino pa nagmana edi kay Zyre Rain ko..." saad naman ni Vinnie at binatukan naman sya ni Sadie. "Tuleg... Hindi pa nakakatatlong buwan may gusto kana... Di mo ba alam ang 3 month rule..."saad ni Sadie at nagpeace sign naman si Vinnie. "Eh ang sabi sakin nung nagmamanage sa Karera dito sa Muntinlupa ay walang babae na nagkakarera na kalaban namin..." saad naman ni Walt na kinaisip ko din. "Tuleg talaga yun si JM... Nakilala na namin yun nung sumama kami kay Zyphire..." saad ni Vinnie. 'Ang natatandaan ko yung JM na un ang nagmamanage nang karera nung araw na unang beses akong sinama ni Walt...' "Baka naman kasi mali ang pagkakaintindi mo... Sinabi na din nya sa kalaban ni Zyphire yan at nagtanong yung lalaki... Bakit daw etong babaeng toh ay kasali kung wala daw.??"saad naman ni Sadie na kinatawa namin. "Oo nga may point yung kalaban... Bakit nga ba??kahit ako mapapatanong nang ganun..." saad naman ni Cleo. "Baka naman lalaki talaga toh si Nerdy..." saad ko sa kanila at nagtawanan kami. "Ulul... Ang sabi ni JM... Hindi naman daw ako babae kung gumalaw... Mas lalaki pa nga daw ako kung tutuusin dun sa kalaban ko kese naaapakan ko daw abg p*********i nito..." saad naman ni Zyphire. "At totoo yun... Siguro sa tamang panahon... Baka maapakan din ni Zyphure ang p*********i nyong tatlo..." saad ni Vinnie na itinuro pa kaming tatlo. Natawa naman kamibsa inasta nya. "Ayts... Tara na tara na... Sa canteen na tayo... Nagugutom ako sa pagsasayaw na yun..." saad ni Zyphire na nakahawak pa sa tyan nito. 'May pagka isip bata din pala ang nerdy...' "Uy... May dala pala akong pizza tsaka family size na Coke dalawa..." saad naman ni Cleo. 'Yun pala yung dala dala nyang supot...' "Sibat na sibat na... Gutom na ang Nerdy tara na..." saad ko at nagtawanan naman kami. Pagkapasok namin sa canteen ay puro bulungan nanaman ang naririnig namin at may iba naman na isinisigaw pa ang pangalan naming tatlong lalaki. Umupo nalamang kami sa table namin na parang walang narinig. "Oh ayan na mga gutom... Nakakagutom din pala ang panoodin kayong sumayaw..." saad ni Cleo na kumuha na nang pizza. "Tama ka dyan, Cleo... Nakakaloka"saad naman ni Sadie na kinatawa namin. "Bakit hindi muna kayo umalis para kumain tapos bumalik nalang kayo..."suwestyon ni Walt. "Aba'y ayaw netong si Stickman... Ewan ba namin dyan umaayaw edi hindi kami tumuloy..." saad naman ni Vinnie na kinatawa nila. "Tsk... Edi sana tumloy kayo Megaphone isama mo yan oh... Si clown tch..." saad ko na kinatawa namin. "Mahilig ka talagang magpalayaw ano, Stickman... Wala kang pinalalagpas..." saad naman ni Zyphire na kinatawa namin. "Ewan ko ba dyan pinapalayawan lahat..." saad naman ni Cleo. Gento pala yung pwesto namin. WALT   CLEO      AKO ===================== VINNIE SADIE ZYPHIRE Ganyan ang pwesto namin. Puro tawanan na ang naganap, hindi na nga napansin ang oras eh. Pagkatapos kumain ay bumalik naman kami sa Auditorium para daw sa Blast Band nung dalawa. Sinalubong naman kami nang tatlong lalaki mukhang kasama sila sa Banda. "Welcome sa Blast band,Zyphire...oh mukhang may mga kasama kayo, Walt..." saad nung lalaki. "Ah... Mga kaibigan namin... Mga hindi nagsipasok sasamahan daw kase kami... Kung pwede, bro..." saad ni Walt at tumango naman ito. "Ahmm... Excuse me hindi ko kayo kilala... Pano tayo magpapractice..." saad naman ni Zyphire na kinatawa namin. 'Wala talaga sa timing minsan pagsisingit eh...' "Jethro Delosa nga pala, Zyphire...Ang nag-iisang drumer sa grupo... " saad ni Jethro at nginitian lamang ito ni Zyphire "Eric Vanlentin pala, Zyphire... Ang pianist nang grupo..." saad naman ni Eric daw. "Isaac Montefalco... Perehas kami ni Walt na guitara ang gamit..." saad naman nung Isaac na nagwelcome kay Zyphire at tinanguan lang ito ni Zyphire. "At ako naman ay guitarist nga tsaka vocalist tulad mo... Let's start na baka malate pa tayo nang tapos..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD