(ZYPHIRE'S POV)
"Hmmm...Sino toh??" sagot ko sa telepono ko na nakagising sakin.
"Wala manlang goodmoring dyan... Goodmorning, Zyphire..." saad nung caller.
"Sino toh??" pag-uulit ko at umupo na ako sa kama ayts inaantok pako.
"Si walt toh... Ano kase... Nandito ako sa tapat nang bahay nyo..." saad ni Walt na kinagulat ko.Napatayo agad ako at binuksan ung sliding door ko sa terrace. Nakita ko si Walt at nakatingin nadin ito sakin ang aga.
"A-Ano??"
"Nandito ako sa tapat nang bahay nyo..."
"Bakit?? "
"Masyado bang maaga?? Na-excite lang kasi ako kaya tinanong ko nadin si Sadie kaya yun.."
"Sige sige hintayin moko... Bye..."binabaan kona ito at hindi ko na hinintay ang sasabihin. Gumalawa agad ako at dumeretso sa C. R.
'Lintek na yun ke aga aga...'
Pagkatapos kong magbihis ay ginawa ko na ang dapat.Nagsuot na ako nang salamin at dinala ang sportbag ko. Patakbo akong bumaba sa hagdan at pagdating ko sa living room ay wala kaya dumeretso ako sa kitchen.
"Oh ayan... Kumain ka at siguradong pababa na yun si Typoon... Mabilis gumalaw yun kaya wag kang mag-alala..." saad pa ni Katkat dito.
Dumeretso na ako at kita ko ang gulat ni Katkat nang yakapin ko ito."Morning,Nay... Anong meron tayo??" tanong ko at umupo na sa harap ni Walt.
"Morning...Sorry nga pala mukhang napaaga ako eh.." saad ni Walt at nginitian ko lang ito.
"Syempre ang paborito mo... Sinangag, itlog, hotdog, beef noodles, at tuyo... At take-out mo na Mocha with lots of chocolate whipped cream...Ikaw, Walt... Anong gusto mong Coffee??" saad ni Katkat at kumuha na ako nang kakainin ko.
"Nainom kaba nang Café au Lait?? Maganda kase para sakin sa umaga yun..." saad ko at sumubo nang pagkain.
"Ah oo naman... Yun nalang po tita... Thank you po.." saad ni Walt at naramdaman kong dumeretso na si Katkat.
Tahimik kaming kumakain at iniabot nadin ni Katkat yung Café au Lait at Mocha ko. Nang matapos kaming kumain ay kinuha kona ung take out kong mocha syempre ininom."Nay Kat... Una na kami... Baka kase malate kami eh..." saad ko at nakipagbeso sakin ito.
"Sabay ka nalang sakin... Ako nadin ang maghahatid sayo pauwi...Suge po tita... Thank you po ulit..." suwestyon ni Walt.
"Ikaw bahala basta ihahatid moko pauwi..." saad ko at kumaway na lamang kay Katkat at lumabas na kami.Pagkalabas namin ay sumalubong samin ang isang napakagandang kotse.
"Ferrari LaFerrari..." bulong ko at tumingin ako kay Walt na parang nagtatanong na kung pwede ko bang hawaka at tumango naman ito.
Hindi ko maintindihan ung mararamdaman ko nang haplosin ko ito. Ang ganda nito at nakintab pa bago sigurong linis ito. "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga kotse... Perehas pala tayo.." saad ni Walt at tiningnan ko ito. Hindi ko na matanggal ung ngiti ko dahil sa sayang makita ito.
"Hindi naman sa ganun... Paborito ko lang talaga ito... Pangkarera ganun hihi" saad ko.
"Hmmm... Tara na baka malate na tayo..." saad ni Walt at may pinindot na something at tumaas ang pinto nito huhu ang ganda talaga.
"Ingat ka... Ung ulo mo..." saad nito habang hawak hawak ang ulo ko.
Pagkaupo ko ay may pillow na maliit sa loob. Nilagay ko yung mocha ko sa lagayan nang mga drinks."Alam mo... Buti nalang inaya moko... At nasa good mood ako... Thank you nga pala sa pagsundo sakin..." saad ko dito habang nagsusuot ito nang seatbelt.
"No problem noh... Ngayon ko nga lang nailabas toh eh... Sa katunayan ikaw ang unang nakasakay dito... Aandar na tayo" paalam nito at pinaandar na nya ito.
Mabilis ang pagandar nya dito kaya hindi ko na naisipang magsalita. Pwedeng pwede talagang pangkarera huhu gustong gusto ko netoh."Alam mo... Sa tinagal tagal kong magkarera hindi pa kita nakikita... Did you stop??" tanong nito.
Humanga ako sa kanya na nakakapagsalita pa ito kahit ganun na kami kabilis."I didn't even stop... Baka naman ikaw ang hindi nakakapansin sakin... Why not na isang beses let's meet up before and after the race..." saad ko dito at tumango tango naman ito. Huminto bigla kami, mukhang nandito na kami. Saglit lang din ang byahe at binuksan nya ulit ang pinto.
Kinuha ko na ang mocha ko at bumaba dito."Good idea... Merong race if hindi ako nagkakamali... Malapit lang din samin yun... Kinda malayo sa inyo pero makakapunta ka naman siguro.." saad nito at nagsimula na kaming maglakad papasok sa campus.
"Sige ba... Basta pakitaan moko nang mga tricks mo... Broom broomm" saad ko dito at nagtawanan kami.
"Dito na tayo... Iyon lang din ang auditorium oh... Dun tayo magpapractice after a week..." saad nito at nginitian kolang ito.
*BOIIINKKK*
Napatigil ako nang tumama ang ulo ko sa balikat netoh. Nakayuko kase akong naglalakad at correction hindi ako maliit konti lang ang pinagkaiba namin netong Walt.
"Sorry sorry... Alam mo dalas dalasan mo ang pag ngiti... Gumaganda ka.." saad nito sakin at binigyan ko ito nang pekeng ngiti. Tinulak ko na pamang ito at pumasok.
May mga tao nadin at nakaupo lamang na parang naghihintay. Dumeretso na lamang ako dun sa dulo at umupo at kasunod ko naman si Walt kaya naagaw namin ang pansin nang lahat.
"Hi Walt... Mukhang bago yung kasama mo ah?? Goodmorning... Ako si Samantha...call me Sam inshort..." saad naman nito sakin at iniabot ang kamay nya. Inayos ko ang salamin ko at nakipagkamay sa kanya.
"Zyphire... Please to meet you..." saad ko dito at nginitian ko ito. Bumitaw na sya aa pagkakahawak namin at tiningnan ako.
"Alam mo you have the fashion... You are beautifuler when you smile ah.." saad ni Sam sakin na kinagulat ko.
"Sinabi ko nayan sa kanya, Sam... Sabi ko sayo eh, you are beautfil when you smile.." saad naman ni Walt na mas kinahiya ko.
"T-thank you.." saad ko dito.
"Goodmorning... Ako nga pala si Mr. Buenaventura... But pag gentong ano na call me Liam nalang... So nandito kayong lahat para sa practice natin... May magaganap kaseng Acquaintance ball next week friday and nagrequest ang Dean satin na magtanghal..." saad ni Mr.Buenaventura at nagtaas naman nang kamay si Sam.
"Liam... Pwede padin po ba kaming magpalit after nang performance??alam nyo naman maggogown pa kami..." saad ni Sam at sumang-ayon naman ang lahat.
"Natanong ko nadin yan kay Dean at ang sabi nya ay pwede daw... Isang dance performance lang naman ang gagawin natin na ang tema ay ang pagiging kabataan..." saad ni Mr.Buenaventura at nakahinga nang maluwag ang lahat.
"But... Nagrequest ang na magkaduo dance tayo... So ibigsabihin dalawa ang performance kaya lang sa pangalawa ay pili lang..." explain ni Mr Buenaventura.
"Parang hot duo dance ganun, Liam??" sigaw nang galing sa right at napatingin muli kami kay Mr.Buenaventura.
"Parang ganun na nga... Papainitin nilang dalawa ang dance floor sa pangalawa..." saad naman ni Mr.Buenaventura.
"Liam... May alam kana ba kung sino yung dalawa na pipiliin mo??" sigaw naman nang kung sino at napailing naman ang lahat.
"Wala pa akong napipili but hindi pa naman sure nang Dean yun... Ngayon ako magdedeclare after natin magpractice sino ang igigitna... Ang ipeperform nalang nang lahat ang intindihin natin... Find your partners now..." saad ni Mr.Buenaventura.
"Pwede ba kitang maging partner,binibini??" saad ni Walt na iniabot ba ang kamay nito sakin.
"Bakit hindi, ginoo... Ikaw lang naman ang kakilala ko rito..." saad ko at inabot ang kamay nya para makatayo. Pagkatayo ko nang maayos ay napatingin ako sa paligid.
*LUNOOOKKK*
Nakatingin ang iba nang masama sakin. Kanina pa sila eh nagbubulungan tungkol sakin na diko malaman kung maganda o kamukha nila.
"Sige na... 2 hours lang tayo..." saad ni Mr.Buenaventura kaya nagsigalawan na ang lahat.
(WALT'S POV)
"Sige na... 2 hours lang tayo..." saad ni Mr.Buenaventura kaya nagsigalawan na ang lahat.
Tiningnan ko si Zyphire at nakayuko na ito. Alam kong iniisip nya kung bakit nagkakaganun ang lahat, hindi ko din kase maintindihan kung bakit masama tingin nila kay Zyphire.
"Something is wrong... Bakit ganun nalang sila makatingin??"bulong ni Zyphire na narinig ko din. Wala akong matugon sa kanya. Gusto kong magsalita pero ayaw bumuka nang bunganga ko.
Iniangat nya ang ulo nya at tumingin sakin. Nagbago ang nakita kong Zyphire sa mga mata nya. Yung mga mata nya na sobrang daming tanong ang nakita ko hindi tulad nang dati na mata nyang madaming binabahagi.
"Ayts hindi ko maintindihan... Bahala na sila..." saad nito at ngumiti nang pilet sakin. Ginantihan ko na lamang ito nang ngiti.
Nagsimula na kami at nakakagulat lang dahil sa bilis ni Liam magturo dahil din siguro hiphop na may partner pa. Tiningnan ko si Zyphire at mukhang enjoy na enjoy sya sa pagsayaw.
*AFTER 2 HOURS*
"Pakipractice nalang if hindi nyo gets at puntahan nyo nalang din ako pagmay nakalimutan kayong parts... Sige na magsibalikan na kayo sa last subject nyo before lunch..." saad ni Liam at nagpalakpakan ang lahat.
*PPAALLAAKKPAAKKAAN*
Nag-apir apir na kaming lahat nang matapos."Anggaling mo, Zyphire... Nagets mo agad yun hihi... Ako nga nakakalimutan ko yung ibang steps eh..."saad ni Sam tuwang tuwa kay Zyphire.
"T-thank you... Magaling din kase si Mr.Buenaventura eh..."saad ni Zyphire habang kinukuha yung bag nya.
"Ako na... Pagod kapa..." saad ko.
"Thank you... Una na kamo, Sam... Nice meeting you ulit..." saad ni Zyphire at nauna na kami papunta sa room.
"Thank you nga pala ulit, Walt... Ginawa mo lahat para maging komportable ako..." saad ni Zyphire at ngumiti.
"Tch wala yun... Tsaka nakalimutan kong sabihin sayo... May bagong sched at pinagsama na ang class A at B sa iba't ibang subject... At magkaklase tayo ngayon sa Math ni Ms. Issa" explain ko dito at nginitian naman ako nito.
"Ah thank you ulit... Tara na baka malate pa tayo..." aya nito.
Pagdating namin ay nagkakaklase na sila Ms. Issa. Pagpasok namin ay nakuha namin ang atensyon nang lahat at nakita ko sila Kyan na magkakasama. Hindi ko inakalang magkakasama kami sa subject natoh.
"Good morning, Ms. Issa... Sorry for being late may inasikaso lang kami bilang FISMF..." saad ko dito. Nagiging puso nanaman ang mga mata nitong nakatingin sakin tch.
Ang sabi nang iba gusto daw ako ni Ms. Issa pero di ako naniniwala nakakairita sya. "Okay lang, Walt... Pero dito sa babaeng toh hindi... What is your name??" saad nito kay Zyphire.
"Zyphire Typoon, Miss..." saad nito.
"Ms. Typoon and Walt you may seatdown..." saad ni Ms.Issa at tumabi na kami kay Kyan.
"Musta?? Mukhang hirap ah..." saad ko kay Kyan at tumango tango naman ito.
"Eto... Ang sungit sungit nyan... Pagdating mo naman parang lumambot tch... Ang hirap, erp..." sagot ni Kyan na kinatawa ko.
"Ano ba, class... Sa tinagal tagal kong pagdadada ngayon hindi nyo matandaan?! Myghad... Ikaw stannap!?" saad nito kay Vinnie na kinatingin ko sa kanya.
Napatingin kaming lahat sa kanya. "What is hypothesis testing?? Kane..." saad ni Ms.Issa.
"Sorry miss... Hindi ko alam..." saad ni Vinnie at iritang sinenyasan nya ito na maupo.
"Ikaw Zuello?? Hypothesis testing??" saad nito kay Cleo pero nagkibit balikat lamang ito.
"Ikaw ang sunod dyan, Nerdy..." bulong ni Kyan kay Zyphire na kinangisi ko. Ayaw parin talaga nya kay Zyphire, ewan koba wala syang dahilan ang sabi nya ayaw lang daw nya.
"Based on my own statistics ay... Ikaw ang sunod, Stickman..." saad ni Zyphire kay Kyan na kinatawa namin ni Cleo.
"Stickman pala eh..." sabay na bulong namin dito at bumusangot lang ito.
"Siguro naman ikaw Mr. Riordan ang may alam... Hypothesis testing??" tanong ni Miss Issa.
*KNOCK*
*KNOCK*
Dalawang katok galing sa pinto at napatingin naman kaming lahat dun kahit si Kyan na dapat ay sasagot na.
'DEAN!?'
"Goodmorning Dean..." bati naming lahat dito.
"Good morning Dean... Ano pong ginagawa nyo dito??" saad ni Miss Issa na gulat na gulat kahit kami ay gulat din lalo na si Kyan.
"Ah nagiikot lang ako at kayo ang last na classroom na papasukan ko... What are you standing for, Mr.Riordan??"saad ni Dean. Napatingin naman kami kay Kyan na halatang kinakabahan.
"Nagrerecitation po kasi kami Dean...Kaya lang wala pong makasagot at si Mr.Riordan ang tinawag ko before po kayo dumating..." explain ni Miss Issa at tumango tango naman ito. Tiningnan muna ni Dean ang buong klase.
Nagiikot ang mata ni Dean hanggang sa tumigil ito sa tabi ko. Napatingin naman ako at nagtitinginan si Zyphire at Dean. Napatingin ako kay Dean at ngumisi ito.
"What is your question, Miss Issa??" saad ni Dean na nakangisi na ngayon.
"What is hypothesis testing?? Yun po ang tanong ko..." saad ni Miss Issa at tumingin naman si Dean kay Kyan.
"Alam moba ang sagot sa tanong nya, Mr.Riordan??" saad ni Dean at umiling lamang ito.
Napasapo na lamang si Dean dahil sa sinabi ni Kyan. "Lahat ba ay na tanong mona, Miss Issa??" saad ni Dean na parang naiinis na pinipigilan lamang nito.
"Kinda Dean... May dalawa nalang po... Si Grisson at Typoon po... Galing po kase sila sa practice nang FISMF natin kaya di nila naabutan..." saad naman ni Miss Issa.
"Ms. Typoon... I want you to stand up and answer the question... If hindi mo nasagot ang tanong ni Miss Issa lahat kayo drop out sa Mathematics... Sayo nakasalalay ang lahat..." saad ni Dean na maawtoridad.
"What!? Wala nga sya kanina eh!?"
"Drop out na talaga tayo..."
"Magsitahimik kayo!? Ms. Typoon, pakisagot ang tanong ni Miss Issa..." saad ni Dean. Napatingin ako kay Zyphire at nakangisi lang ito. Napatingin ako sa paligid at kitang kita mo ang pagpipigil nila nang hininga sa kaba.
"Umayos ka, Nerdy..." bulong ni Kyan dito.
"Can you repeat the question, Ms. Issa??" saad nito na kinatawa nang buong class kahit ako di ko mapigilan.
"What is Hypothesis Testing??" pag-uulit ni Miss Issa na nakangiti na nakakaasar kay Zyphire.
"Hypothesis testing...Hypothesis testing is the process of making inference or generalization on a population based on the results of the study on sample..." confident na sagot ni Zyphire na kinagulat nang lahat. She is good at mathetics at statistics.
"Very good..." speechless na saad ni Dean na pumapalakpak pa kaya naman napapalakpak din ang buong klase kahit ako sa bilib.
"Thank you, Dean.." saad ni Zyphire.
"Any follow up question, Miss Issa??" saad naman ni Dean at tumingin kay Miss Issa na ngayon ay mukhang napahiya.
"Y-yes, Dean... The types of statistical Hypothesis and its meaning??"saad naman ni Miss Issa na punong puno nang confidents.
Napatingin ang lahat sa kanya na parang nagtatanong."I'm sorry, Dean... Pero hindi papo na di-discuss ni Miss Issa ang tinatanong nya kay Zyphire..."saad naman ni Sadie.
"Sorry din, Ms.Sadie but kasama yan sa paghindi nya nasagot ay magdadrop out kayong lahat... It is a follow up question and she should answer it..." saad ni Dean na parang inaabangan ang sagot ni Zyphire.
Magsasalita pa sana si Sadie nang tiningnan ito ni Zyphire at nginitian. Yung matamis na ngiti na yun na mapapa-oo kanalang pag napunta sayo."Kung hindi mo alam Ms.Typoon edi dro-". "Two types of Statistical Hypothesis are Null and Alternative Hypothesis... Null Hypothesis shows the equality or number significant difference or relationship between variables..." pagputol ni Zyphire sa sinabi ni Dean. Nakakahanga sya hindi pa daw na di-discuss pero alam na nya.
"And the Alternative??" tanong ni Dean.
"It generally represents the idea which the researcher wants to prove... That is Alternative Hypothesis,Miss Issa..." saad ni Zyphire at nagpalakpakan naman kami. Nakaakbilib yung talino nya.
"Yabang tch.." bulong ni Kyan na napipilitang pumalakpak.
"I-impressive, Ms. Typoon... You may seat... Any question, Miss Issa?? I think kailangan ko nang umalis... May meeting ang lahat sa auditorium may announcements tayo..." saad ni Dean at iniwan kaming humahanga kay Zyphire.
"Hayyss salamay... Dismissal nadin sa wakas... Ang galing mo Zyphire..." saad ni Cleo na halatang hangang hanga.
"Hindi pa, Zuello... I have one last question... Pagnasagot nya ay dismissal agad tayo kahit may thirty minutes pako..." saad ni Miss Issa na kinareact nang lahat.
"Ano ang formula sa T-test at Z-test?? Pagnasagot mo ay dismissal na, Ms. Typoon..." saad nito kay Zyphire.
"You don't need to answer it kung hindi mo alam,NERDY..."bulong ni Kyan na pinagdidiinan ang huling salita. Natawa naman ako sa inasta ni Zyphire.
Tiningnan pamang nya si Kyan at nginisian nang nakakaasar."Relax, Stickman... Bored na ako eh..." bulong pabalik ni Zyphire.
"Go Zyphireee!?" sigaw nina Sadie at Vinnie na halatang gustong gusto na magdismiss.
"Sa t-test aymean divided by average population divided by standard deviation divided by the square root of n... Sa z-test ay mean divided by average population divided by population standard deviation divided by the square root of n... So class, dismiss..."saad ni Zyphire na kinatawa nang buong klase kahit ako. Yung tawa na may saya at hanga habang si Miss Issa ay padabog na lumabas nang room.
"Baliw ka talaga... Hindi mo manlang pinagpaalam yung tao..." saad ko dito na medyo natatawa parin kumapara kay Cleo na tuwang tuwa.
"Sabi nya kase pagnasagot ko ay dismissal na eh nababagot nako eh hihi..." saad nya na halatang nabobored nga pero nakangiti.
"Ang DALI DALI naman nang tanong nayun..." saad ni Zyphire na nakatingin kay Kyan. Naku po away nanaman toh.
"Chamba un, Nerdy baka hindi mo alam..." saad naman ni Kyan.
"Sunod sunod na chamba... Ang galing naman nun, Stickman..." saad naman ni Zyphire na ngumisi nanaman na dinala ang bag nya.
"Anong stickman!?" sigaw ni Kyan dito.
"Hindi kase ako marunong magexplain eh... Tingin ka nalang sa salamin..." saad naman ni Zyphire na kinatawa namin.
"Oh tama na tama na... Baka patulan ka pa nang bading..." saad ni Vinnie kay Kyan at hinila na kaming dalawa ni Zyphire.
"Wag mo na patulan erp... Hayaan mona pasalamat ka nalang sa hindi pag drop out haha..." saad ni Cleo at sabay sabay na kaming naglakad.
"Alam nyo ba yung nangyari kanina??"
"Ah oo... Yung ginawa nina Kyan, Vinnie at yung dalawang magjowa dun kay Spade..."
"Grabe noh... Kawawa talaga si Spade... Dapat lang sa kanya yun.."
Nang marinig ko yun ay napatingin ako kay Zyphire na kunot na ang noo katulad ko."Kayo yung pinag-uusapan nila oh..." saad ni Zyphire na kinatigil nina Sadie sa paglalakad.
"Ah w-wala yun... Chismis lang ganun hehe..." palusot naman ni Vinnie at nakatingin si Zyphire dito na parang iniimbestigahan.
"Okay... Basta ayoko nang nagsisinungaling alam nyo yang dalawa..." saad ni Zyphire at tumango tango naman sina Allyssa.
Nauna kaming maglakad ni Zyphire habang nasa huli yung apat. "Sa tingin mo... May tinatago sila??" bulong ni Zyphire pero nakatingin lamang ito sa harapan kaya dimo aakalaing nagsalita sya.
"Siguro... Base sa chismisan..." saad ko naman at tumango tango ito.
Dumeretso kaming canteen para nakakain na kami nang lunch pagpunta sa Auditorium. "Anong gusto nyo?? Treat ko..." saad naman ni Zyphire pagkaupo namin.
"Ayoko nga... Bibili ako nang sakin noh... Hindi ako natanggap nang galing sa nerdy..." saad ni Kyan.
"Edi wag... Oorder nako ah tulad nung dati padin... Tara na stickman..." saad naman ni Zyphire at nakipila nadin sila sa napakahaba habang pila.
(KYAN'S POV)
"Edi wag... Oorder nako ah tulad nung dati padin... Tara na stickman..." saad naman ni Zyphire at nauna syang pumunta sumunod lamang ako.
Habang nakapila kami ay pinutol nya ang katahimikan. "May nangyari ba kanina??" seryoso nyang tanong sakin na kinagulat ko. Tumindig bigla ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa tono nya.
"K-kanina?? S-si Spade yun... Tinapilok lang si Vinnie tapos uminit ulo ni Sadie nadamat sya tapos si Cleo tapos bigla akong dinamay eh hindi ko naman inaano kaya yun... Nasuntok ko..." bulong ko sa huling linya at napatingin naman ito sakin nang masama.
"Tapos... Nag walkout kayo?? Ayts... g**o ang dala nang isang yun satin..." saad nito at tumango tango naman ako.
"Treat moba talaga??" nahihiya kong tanong kasi hindi ako makapaniwala nung una.
"Syempre... Ngayon lang ako manlilibre kaya sulitin mona stickman tch..." saad nito na kinainis ko.
'Saan nya ba nakuha yung stickman na yun?? Sa bagay sya si nerdy tsk...'
"Sabi mo yan ah... Kung ano sa kanila yun nadin sakin..." saad ko naman.
"Okay..." sagot nya. Kahit kailan walang kwentang kausap.
Nang makarating kami sa counter ay nag order nadin sya habang ako nakasunod lang sa kanya. "Hintayin nyo nalang po sa dulo... Thank you maam..." saad nung counter at pumunta na kami sa dulo.
"Ano ba,Samantha!? Nasasaktan si Vinnie!?" si Walt yun ah. Napatingin ako kay Zyphire at kitang kita sa mata nya ang galit.
"Miss... Babalikan ko yung order ko saglit..." saad ni Zyphire at tumakbo agad ito papunta sa table namin habang ako eto kasunod nya.
Hinawakan bigla ni Zyphire ang kamay ni Sam at kitang kita sa mukha ni Zyphire ang pagkablanko nang reaksyon nya. "Anong nangyayari dito??" saad naman ni Zyphire na ang mata nya ay nakatutok lang kay Sam.
Binitawan ni Sam nang padabog ang buhok ni Vinnie at nagcorss arm ito kay Zyphire."Hindi mo alam?? Ginulpi lang naman nyang apat na kaibigan mong yan ang boyfriend ko..." taas noong saad ni Sam kay Zyphire.
"I think you had the wrong information..." saad naman ni Zyphire na blanko padin ang mukha. Tiningnan ko si Vinnie na nakayakap na kay Sadie habang naiyak. Si Cleo naman ay masama lang ang tingin kay Sam tulad ni Walt.
"What did you say?? Wrong information?? Ang boyfriend ko ay si Spade Blake at ang sabi nya sakin ay ginulpi sya nyang apat na yan dahil SAYO!?" sigaw ni Sam na nakaagaw nang pansin nang lahat.
"Samantha!? Pagsisisihan mo tong ginagawa mo!? Nakakahiya ka!?Basta I warned you..." saad ni Walt.
'What the... Si Walt nagbagsak nang matinding linya... I mean nakakagulat...'
"Maling mali yang nakuha mong inpormasyon galing sa lalaking yan!? Sya ang may ari nang frat tapos kaming apat!? Anong palag namin dun!?" saad naman ni Cleo na galit na galit na talaga.
"Pakisabi kay Mr.Blake para mainform sya na... Liars go to hell..." saad naman ni Zyphire at nginisian lamang ito.
"Ang kapal nang mukha mong pagsalitaan ako nang ganyan!? Ke bago bago mo lang ah!?" galit na galit na saad ni Sam.
"Parang ikaw ang kailangan nang salamin kese sakin... Alam mo kung bakit?? Kasi binubulag mo yung sarili mo sa katotohanan..." saad ni Zyphire pero halatang nagpipigil lang ito nang inis. Akmang sasampalin sa ni Sam si Zyphire nang mahawakan agad ito ni Zyphire.
"Sino ka sa akala mo para pagsalitaan nang ganyan ang isang Samantha Grisson?!"sigaw ni Sam dito. Lumapit si Zyphire dito at may binulong. Nagiba bigla ang expression ni Sam pagkatapos nung binulong ni Zyphire para syang natakot na gulat.
"You will regret it if I tell you..." saad ni Zyphire at pinagpag yung carger pants nya.
*LUNNOOOKKK*
'You will regret it if I tell you...'
'You will regret it if I tell you...'
'You will regret it if I tell you...'
'You will regret it if I tell you...'
Nakakainis nagpaulit ulit sa tenga ko yung linyang binagsak ni Zyphire kay Sam. Nakakapanindig balahibo yung linyang yun parang kinakain ako nang lupa pag naririnig ko yun.
"Binalaan kita, Sam... Pero hindi ka nakinig..." seryosong saad ni Walt.
' Ng-ngayon lang sya naging ganyang seryoso... Ganyan ba ang naiambag ni Zyphire sa katauhan ni Walt??'
"S-sorry.. Sorry Vinnie... Hindi ko kase alam... I'm really really sorry..." saad ni Sam kay Vinnie na ngayon ay maayos nang tignan kahit si Sadie.
"Basta mag-ingat ka nalang sa susunod... Fake news are all around... Sige na..." saad ni Vinnie at tumango naman si Sam.
"Pasensya kana din sa galit ko... Ayaw ko kasing pinagbibintangan mo kami sa maling akala..." saad ni Cleo at nginitian naman ito.
"I am really really sorry,Insan..." saad ni Sam na nakatingin naman kay Walt.
"You don't have to be sorry to me... Basta I warned you.." maawtowridad na saad ni Walt.
Napatingin naman kaming lahat kay Zyphire na umupo at inilapag nang ayos yung bag nyang nahulog. "Hindi ko alam ang itatawag ko sayo but I am really really sorry sa mga sinabi ko..." saad naman ni Sam at tiningnan ito ni Zyphire.
'Hindi alam ang itatawag tsk.. Tinatawag ko nga yang nerdy eh...'
"You can call me by name... Zyphire... And don't be sorry... Wala ka namang ginawang mistakes... Pinagtanggol mo lang ang pinakamamahal mo tulad lang din nang ginawa ko..." seryoso pero sinserong saad ni Zyphire at napangiti naman si Sam.
"Thank you for your forgiveness... I may go now..." saad naman ni Sam at nagmadali nang umalis.
'Masyadong magalang ang pagkakabanggit nito nang mga linyang iyon...'
"Oh tapos na ang eksena!? Magsi kain na kayo jusme!? Mga chismokers! " saad naman ni Sadie na kinatawa nanaman nila.
'Ano bang meron sayo at bigla bigla ka nalang ginalang ni Samantha??'