Chapter 5

2259 Words
“Why should we hire you?” Sa Aitana Entertainment, hindi nakabase sila Eos sa experience ng lahat ng candidates nila para sa mga bukas nilang job offering. Pinalaki silang naniniwala na wala sa experience ang kakayahan ng isang tao. Surely, it has an advantage but it does not equate to the fact that people can be taught and that they can always gain the said experience. Kaya nga ang tanong niya ang pinakaimportanteng masagot ng mga interviewees nila. Hanggang saan ang willing gawin ng mga ito para sa kanila? Hindi naman sila humihingi ng mas sobra pa sa job description na binigay nila pero mahalagang malaman nila kung hanggang saan ang kaya ng mga itong isagot para makuha ang posisyon na gusto nila. This woman named Mayumi Garcia is the last one they have for today. Kung magiging totoo lang siya ay kilala na niya ang dalaga dahil noong nagpasa pa lang ito ng requirements ay gustong-gusto na ito ng nakatatanda niyang kapatid na si Selene. Selene has something for people who work hard for their goals and it was very obvious that Mayumi is very goal-oriented. Totoo ang resume nito at aminado itong wala itong kahit anong experience sa posisyon na gusto nitong pasukin. Pero ang confidence nito gaya nga ngayon… “Ah, thank you po for your question. Based po sa hinahanap niyong manager, kailangan niyo po ng isang magaling na communicator na kayang mag-function under daily pressure, alam ko po ng marami pa akong kailangang matutunan pero ang dalawang vital characteristics po iyon ang kaya kong siguraduhin sa inyo.” Nilingon siya ng ate niya at tumango ito. “Well, then, what is your main goal on why you want this job?” “I want to build myself and start my career with your company po. I want to work in an environment that is good and healthy with my being while I genuinely enjoy my job as I provide for my family. Not every company is willing to accept po inexperienced applicants, and that alone po is enough to assure myself that I will be in the right hands as an employee.” Siya naman ngayon ang tumingin sa kapatid niyang manghang-mangha sa dalaga. Hindi naman niya ito masisisi. Confident ang dalaga at kita rito na matalino ito. On top of that, this woman knows what she wants and she exactly knows what they can provide and possibly more. Kilala niya ang kapatid at kahit hindi nito sabihin, alam niyang ipaglalaban nito ang dalaga para maipasok sa kompanya nila. Not that she needs to do that, Mayumi is very capable of her own to secure a position in the company, but he understands well what Selene is very capable of doing. Ang nakakatuwa pa talaga sa sitwasyon nila ngayon ay isa pa lang ang dalaga sa ilang na sobrang nakuha ng ganito ang atensyon ng kapatid niya. Iyon pa lang ay sapat ng patunay na deserve nga siyang kunin. Hindi na malabong— “By family, do you mean your own family?” Ito na nga ba ang sinasabi niya. Once Selene is sure on taking the candidate to be an official employee, mae-extend na agad ang interview time nito para sa mga mas personal pang tanong. Ngumiti na lang siya dahil konti na lang ay matatanggap na ng dalaga ang approval nilang dalawa. “A-Ay hindi po! As in family ko po na kami-kami po ng mga magulang at mga kapatid ko.” Namumulang sagot nito. Selene laughs. “That question surely did make you blush, but I needed to know. Kahit kasi single ang nilagay mo sa resume mo, we already experienced someone lying to us. Not that we don’t hire married or unmarried candidates with their families, we just appreciate upfront honesty. Your position has a very sensitive schedule, so we do understand that some candidates think that it is better to hide their families to make it seem that they are more ‘flexible’ in terms of that.” Ang huling nagsinungaling sa kanila ay muntikan ng mamatayan ng anak. Gaya nga ng sinabi ng kapatid niya, wala namang kaso kung may pamilya ka o wala basta alam nilang pamaninindigan mo ang posisyong pinasok mo. Matalino ang nakaisip na mas gugustuhin nila ang mga walang pamilya parang walang kahati sa oras at commitment, kuha nila ang buong ideya doon, pero hindi na iniisip ang kapakanan ng lahat. Ang empleyado na nagsisinungaling sa kanila muntik ng mamatayan ng anak dahil ito ang ipinadala nila sa ibang bansa sa kasagsagan ng operasyon ng anak nito. Kahit na nga ba kasalanan iyon ng empleyado nila, kahit kailan ay hindi nila gugustuhing may masaktan man lang, lalo na kaya ang ikamatay pa, ang may koneksyon sa trabahong binigay nila. “R-Required po bang may pamilya sa posisyon na gusto ko?” Doon sila biglang natawa. Heto sila na sinasabi ang nangyari noon at ang iniisip ni Mayumi ay kabaliktaran ng buong sitwasyon. “You know what, Mayumi, I really like you and truth to be told that my brother spoils me. In other words, whether he likes you too or not, you’re already hired.” Nanlaki ang mga mata at napatakip pa sa kanyang bibig. “P-Po?!” Selene grinned and stood up to shake Mayumi’s shaking hand. “Congratulations. We’ll see you next week?” Siya rin ay tumayo na, at dahil paiyak na ang dalaga ay hinintay niya itong makahinga ng maayos. Mayumi is like a very pure child, he thought. Kita niyang confident niya ang dalaga pero halata rin na hindi ito makapaniwalang makuhuhu siya. He does not usually immediately agree with her sister, but this time could be an exemption. Hiring Mayumi could be the best decision they ever made. In-offer niya ang kamay niya rito. “Congratulations, Miss Mayumi.” ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ It has been eight years, Eos thought to himself. Eight long years and Mayumi still stayed in their company and continued to prove that it was indeed the best decision they ever made for hiring her. Sa lahat ng empleyado nila, ang dalaga na rin ang isa sa mga pinakamatagal na nanatili sa kanila. Napangiti siya doon. If he was being honest enough, he would admit that he actually thought that Mayumi only wanted to make their company a stepping stone for her career. Wala namang mali doon, ilang emplayado na ang nagdaan sa kanila at ganoon nga ang nangyari, at sa katunayan nga ay suportado naman nilang lahat ang kung anong gustong mangyari ng mga empleyado nila basta ikabubuti ito ng mga buhay nila. Yet Mayumi continued to amaze them. Kaya nga mahabang walang taon ng pagtatrabaho nito sa kanila, nito pa rin ang nanatiling paborito ng kapatid niyang si Selene. Even their best friend Akio is very fond of her because she can work efficiently and effectively. On top of that, every talent evaluation review on her is always beyond positive. Hindi niya namalayan na nakatitig lang siya sa dalaga at bigla siyang nahiya. Anong sasabihin niya kung bigla itong magising at mahuli siyang kanina siya nakatitig lang dito? Gusto niyang tawanana ang sarili. He literally could not help though because Mayumi lives up to her name especially when sleeping like this. Umiling na siya at inawat ang sarili. Ito na nga ba ang sinasabi niyang hindi siya dapat nagpapa-abot ng gabi dito sa kompanya dahil nawawala siya sa sarili. Gently tapping her shoulder, he said, “Mayumi, wake up. Mayumi.” Hindi agad nagising ang dalaga pero nang magmulat ito ng mga mata ay mukhang hindi pa nito napagtanto na siya ang kaharap nito. Gusto niyang matawa. Has he ever thought that a fully grown woman to be adorable? Lalong gusto niyang matawa sa sarili. Nagtutunog parang si Selene siya sa mga sinasabi niya. When it seemed that she was fully awake, she immediately sat up straight. “S-Sir Eos!” Doon na nga siya tuluyan natawa. “Rise and shine, sleeping beauty. Halika na, isasabay na kita pauwi.” “A-Ay hala, sir! O-Okay na po, may maaabutan pa naman po siguro akong—” “It’s almost past nine already, Mayumi. I don’t think I can bear the conscience if something were to happen to you, especially that I could have brought you home myself.” Nakita niya kung paanong mag-contemplate ang dalaga sa punto niya. Lalo siyang napangiti. Mayumi knows them well by now, at lagi nga iyong kinukwento ni Selene sa kanya. She is shy because they are her bosses, but she sure knows how they are and how their own quirks work. Gaya ngayon, alam ng dalagang kung hindi naman siya ang naabutan nito, isasabay pa rin niya ito pauwi. Sinamahan niya pa ng konting pananakot kaya naman sigurado na niyang alam na ng dalagang hindi ito pwedeng tumanggi. “Basta, sir, kung masyadong out of the way kahit ibaba niyo na lang po ako sa sakayan.” Grinning, he nodded. “Then you wouldn’t know if I am out of the way.” ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ ☽ ❀ Makwento si Mayumi at kahit sa umpisa ay talagang nahihiya ito sa kanila, na-discover niya ngayon na kaya naman pala nitong makipag-kwentuhan lalo na kung ang mga talent nito ang pag-uusapan. No wonder why all of her talents love her, she knows how to take good care of them all. Personal na kaibigan nila ang ilan sa mga talents nila. Some wanted to join their company just because but took everything seriously until they were official talents under their entertainment. Hindi man full time pero karamihan sa mga ito ay mga modelo pero nataon pang sa pangangalaga ni Mayumi. Sinabi rin ng mga ito kung gaano nila kagusto ang dalaga bilang isang manager at kaibigan. “Hindi ba sila sakit ng ulo sayo lalo na kapag naglalambing sila na parang mga bata?” Sa unang pagkakataon ngayong gabi ay narinig niyang tumawa ang dalaga. “Nako, sir, hindi po! Naging signature move na nga po nilang lahat iyon at wala naman po akong reklamo dahil mahal ko naman silang lahat.” Bigla itong huminto. “I-I mean po…” He chuckled and shook his head. “No worries, Mayumi, I fully understand what you mean.” Hindi naman ipinagbabawal na magkaroon ng relasyon ang mga managers nila sa mga talents na hawak nito. It is very common to happen and it is also something they anticipated. Syempre, alam naman nilang common work etiquette at professionalism ang pag-iwas sa ganoong bagay pero mas alam rin nilang mas pasaway ang mga talents nila. Instead of forbidding everyone regarding that matter and creating a toxic dishonest environment, they let everyone do what they want as long as it will never cause chaos. By chaos, they are fully aware that everyone knows what that means. Lumambing ang ekspresyon ng dalaga na para bang tuwang-tuwa talaga siya sa mga talents niya. “Alam ko pong ang weird sabihin na ang cute ng mga talents ko kasi hindi naman sila mga bata, pero, sir, sila rin po talaga ang malaking rason bakit sobrang enjoy na enjoy ko po ‘tong trabaho ko. Para po talaga silang mga cute na estudyante!” That clicked something in him. “You wanted to be a teacher?” Bakas ang gulat sa ekspresyon ng dalaga pero agad rin nitong ngumiti at tumango. “Sobrang obvious ko po siguro, ‘no?” Tinuro ng dalaga ang susunod nilang lilikuan. “Kung hindi po kasi napamahal sa trabaho ko sa kompanya niyo, baka po teacher na ako ngayon.” Nakakahiyang aminin na sa dinami-dami nilang managers sa kompanya, ang impormasyon yata ni Mayumi ang isa sa mga kabisado niya; o kung tutuusin ay baka nga impormasyon lang ng dalaga ang kabisado niya. How could he not when Selene will always tell him things about her out of nowhere. Isa na nga doon ang gumraduate ang dalaga na may education degree. Isang liko pa ay nakapasok na sila sa isang subdivision. Sinabi rin ng dalaga na malapit na sila at buong akala niya ay namamalikmata lang siya dahil… Natawa ang dalaga. “Opo, kung iniisip niyo nga pong ako ‘yung babaeng nakatayo na ‘yun, siya po ang mama ko.” Huminto nga siya sa tapat ng naghihintay na ginang at lalo siyang managha kung gaano nito ka-kamukha si Mayumi. He immediately got out and he opened the door for Mayumi. “Hijo, ikaw ba ang boss nitong si Mayumi?” Nang makababa na ang dalaga sa sasakyan ay doon niya hinarap ang ginang. “Opo. Magandang gabi po, ako po si Eos. Mano po.” Sinabi nga sa kanya ni Mayumi na magte-text nga raw ito sa mama nito tungkol sa paghatid sa kanya para raw hindi ito magulat na may lalaki na lang biglang mag-uuwi sa kanya. He did not mind, of course, and even found it nice that she thought of informing her like this. Nang pinagmano siya ng ginang ay agad itong tumango-tango. “Nabanggit nga ni Yumi na gwapo ka, hijo, pero parang kulang ang salitang iyon sa iyo.” “Ma!” Agad siyang hinarap ng dalaga. “T-Thank y-you po, s-sir, sa pagsabay—” “Gusto mo bang mag-hapunan muna, hijo? Inaayos na ng asawa ko ang pagkain. Sabayan mo na itong dalaga ko.” Hindi niya sigurado kung saan siya aliw na aliw pero isa na talaga doon ang sobrang pamumula ng mukha ni Mayumi. “Sige po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD