Chapter 15: Angel Celeste's POV "Sure ka bang dito ka lang sa bahay?" Tanong sa akin ni papa habang inaayusan siya ng kwelyo ni mama. "Opo pa, ayoko namang pumunta doon tsaka hindi naman ako invited." Sagot ko at tinutok ang tingin ko sa magazine. "Sige bahala ka, aalis na kami." "K. Bye." Tipid kong sagot at saka hinalikan nila akong dalawa. "Ang bitter ng anak natin pero nakakatanggap naman ng flowers, chocolates and even 'yong favorite niyang book. Hihi." Natatawang sabi ni mama at kinurot pa ang pisngi ko. "Kaya nga. Tara na nga mahal." At inakbayan pa ni papa si mama. "Eeewww." Nang-aasar kong sabi saka di na ako tumingin. Niyayaya kasi nila ako sa party daw ng company ni Saic. Well, birthday party. Birthday niya pala ngayon July 26. Tuwing birthday daw niya kasi laging may p

