Chapter 44: Crowd Celeste's POV Umayos ng upo si mama at hinarap ako. Kinuha ni mama ang mga buhok ko na nagkalat sa mukha at nilagay ito sa likod ng tenga ko. "Ma, what do you mean?" Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. "Your tita Mel and I are not siblings." Nakangiting sabi ni mama sa akin. Hindi ako makapag-salita dahil parang naubos ang boses ko at parang nanigas ang katawan ko. "Yes, anak. Listen," Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos-haplos ito. "si Tita Mel mo ay ampon nila mama. Pilit naming binura ang nakaraan ni Melba dahil napakasakit noon." Napahinto si mama sa kakasalita at yumuko. Tinignan ko si papa na ngayon ay ngumiti sa akin ng mapait at parang sinasabi niya sa tingin niya na makinig lang ako kay mama. "Kaklase ko si Melba dati, we're bestfriends from th

