Chapter 12: Tears Celeste's POV "Sure ka ba hija, baka naman pagdating natin doon umayaw ka na." Sabi ni auntie Sani sa akin. Inayos ko ang sarili ko sa pagkakaupo at saka tumango sa kanya. "Oo naman po auntie tsaka hindi naman ako mag-iinarte basta kumita lang ako." Sabi ko sa kanya at nangiti naman siya. "O siya, ayusan mo lang ang sarili mo tapos dapat naka-make up ka bago tayo pumunta doon, kami na ni Duday ang bahala sa damit mo." "Sige po, mag-aayos lang ako." Umalis na ako sa apartment ni auntie saka nagtungo ako sa condo ni Saic. Isang linggo, isang linggo na akong hindi pinapansin ni Saic matapos kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Oo umamin ako, wala e, nasabi ko na kaya papanindigan ko na lang. Nainis nga lang ako sa naging reaksyon niya, bigla kasing kumunot ang

