Chapter 35: Insane Celeste's POV "Ma? Pa?" Tawag ko kina mama nang makapasok ako sa loob ng gate. Nagbukas ang pintuan at lumabas si mama. Niyakap niya ako agad at hinalikan sa pisngi. "Anak, di mo naman sinabi na nakauwi kayo kaagad ni Saic. How's your vacation?" Hawak ni mama ang pisngi ko habang nakangiti. "Ma... Uhm... Can we get inside?" Pagkatanong ko ay tumango siya at ngumiti. Pumasok kami sa loob ng bahay at naupo naman kami kaagad sa couch. Naglagay si mama ng tubig sa baso na nakahanda na dito sa center table. "Oh, anak. Inom ka muna. Alam kong pagod ka sa byahe." Inabot niya ang baso ng tubig at uminom naman ako agad. "Bakit hindi ka yata hinatid ni Saic?" Takang tanong ni mama habang tumitingin sa labas para makita kung nandoon ba ang kotse ni Saic pero wala ito. "Ah.

